Chapter 10

6 0 0
                                    

Raf's POV

Minadali kong tapusin lahat ng reports ko. Starting next week, full time support na ko nila Sophia. Speaking of Sophia, alam ko hindi pa siya nakakapag break, ever workaholic, that's her.

Dumaan muna ako ng pantry. Bumili ako ng nestea for the team. 2 weeks ko din silang makakasama, I need to get friends with them. That's one of my strategies eversince. Get close with the team, have an open communication, and they'll give you good numbers without you pushing them.

Pagdating ko sa stations namg team, nakita ko si Sophia na nagkocalls. Tumulong na naman sa agent niya. Kahit di siya nakikita ng customer niya, ngiting ngiti pa din siya.

" hi! Drinks? " binigay ko na isa isa sakanila yung dala ko.

Nung natapat na ko sa station nung agent na tinutulungan ni Sophia, binigyan ko yung agent.

" hey! Drinks? " kinuha naman niya kaya nginitian ko siya. Mukhang makakasundo ko 'tong team na to. Pagtingin ko naman kay Sophia, nakasimangot sakin.  " whats wrong? " I mouthed. And she answered me with a roll of eyes.

Natawa na lang ako. Since matatapos na ang shift nila, I requested na mag log out na sila and we'll have a meeting.

Nagpakilala sila isa isa, and dahil sanay na ko sa papalit palit ng team, nakasanayan ko na magkabisado ng mga pangalan.

" yung tinutulungan ni tee, si amy, new sa team. And yung katabi nila, si Andrew. 8months na sa team boss, 8 months ng patay na patay kay Tee. " Natatawang sabi ni Lea. And pinakamatagal sa team.

Napatingin naman ako kay Andrew, ahh, siya yung nagturo kung nasan si Sophia kanina. Ahhh. So may suitor din pala siya dito.

" Kanina ko pa nga narinig nag ra wrap up sa call yan si Andrew. Tumabi lang si tee sakanya, biglang nag long call ang langya. " tawanan nila.

" So, may patay na patay pala kay Tee dito? Ganon? " pakikisakay ko sakanila.

" Di ba yun normal boss? Kaya nga baby kami dito ng mga boss pati ng mga co agents. Pag nalaman nilang from team sophia kami, wala na. Uwian na. May nanalo na. " tawanan ulit nila.

" Anyways, rest day na. Next week sa team niyo na ako. You wanna hang out? Relax tayo? Bago sumabak sa gyera? " yaya ko sakanila. And as expected, tuwang tuwa ang mga boys. Boys are boys. Beer and chill.

" Go ako! "
" anong oras boss? "
" saan? "

Kanya kanya na silang suggestions and planning. Wuhoooo! Im excited to be part of this team. With or without sophia, I like this team. But since she's here, Im gonna love this team more.

Iyah's POV

Di ako makapag concentrate. Rinig na rinig ko silang nagkekwentuhan at nagtatawanan. Ano ba 'tong ginawa ni Raf sa utak ko. Kating kati na ako makipag kwentuhan sakanila.

" two sales, closed. With insurance! Wuhooo! " Sigaw ko na nagpasigaw sa buong team ko.

" Nice one tee! "

" thanks tee. " Nakita kong paiyak na siya. I know this will help my team's number. Pero mas gusto ko silang tulungan isa isa. Because trust me, pag pina double time ko yung mga tenured agents ko, kaya namin to. But I want my newbies to stay. Im not just after my Team's number, but for my team.

" You're very much welcome dear. Ikaw yung nag set non, nag close deal lang ako. Good job! " Nakangiti kong sabi sakanya. "getting there guys. Still the same strategies next week. Thank you for the help! See you next shift. Have a great off! " pagpapaalam ko sakanila.

Raf's POV

" Good job! Hey. Sama ka mamaya? Mag overnight kami somewhere in Laguna? Bonding? Welcome party sakin? " tanong ko

" sayo 'to galing? " nakangiti niyang tanong. Kanina lang mas matangos na yung nguso niya sa ilong niya. Gotcha Diaz! Alam ko na weakness niya, foods.

" Yup! Nakain ka naman ng ganyan diba? "

Binuksan niya agad yung drawer niya sa ilalim ng station na dapat nakalagay ay papers. Yung kanya pagkain. Isa isa niyang nilagay yung binili ko para sakanya.

" Right timing ka talaga! Mauubos na yung stocks ko eh. Every off ako namimili. Yey! " tuwang tuwa niyang sabi na di pa din nakatingin sakin. Iniisa isa niya yung mga binili ko.  " Sugo na red, dingdong na green and stick-o na lang bibilhin ko. "

" Seryoso ka? Di na nga kasya sa drawer mo oh? San mo pa lalagay yun? "

" Perks of having bestfriend. Nakikilagay ako sa drawer ni Valerie. "  tuwang tuwa niyang sabi. Inayos na rin niya yung gamit niya after that tumayo na.

Dun niya na ko tinignan, " sasabay ka ba? Or stay ka pa dito? Aalis na ko eh. Uuwi pa ako sa bahay. Hinihiram ng kapatid ko kotse ko eh. "

" 1 hr left pa. Hatid na lang kita sa baba. "

" Okiedokie. "

Nung malapit na kami sa parking, hindi pa rin naalis yung ngiti niya. " angsaya mo naman sa mga pagkain Sophia. Nakakatuwa na nakakatakot yan ha. " natatawa ko na ding sabi sakanya na kinatawa niya and eventually nagseryoso.

" Not just because of the food, silly! Except my best friends ans of course family, first may nag grocery for me. I find it sweet! Like giving me what I love? " nakatingin niyang sagot. Nakakabading ba pag sinabi kong natuwa ako?

Oh Sophia! You're seriously making me crazy. Damn crazy!


A/N:
Dahil nag comment sakin si bitchee_me, ipopost ko na 'tong next update na dapat mamaya pa.

Enjoy reading guys! 💗


Vote. Fan. Comment.

Waiting GameWhere stories live. Discover now