Chapter 11

13 0 0
                                    

Iyah's POV

" Ate! Ate! Meryenda naman tayo nila Papa. Aalis ka daw mamaya e. Umuwi ka lang yata para matulog dito eh. "

Nandito na yung walking alarm clock ko. Since college ako, tiktiklaok na talaga tawag ko dito kay Winter eh. Siya yung tipo na alam mo pag nasa bahay na, kasi sobrang ingay niya kahit mag isa lang siya.

Tumayo na ko kaysa masaktan ako sa kakayugyog niya. " what time is it? Kakatulog ko pa lang yata Winter. Ang gulo gulo mo! "

" namiss mo naman. Tska sino ba kasing nagsabi sayo na dito ka matulog sa kwarto ko? Nakakahiya naman sa kaingayan ko diba? " patuloy niyang pag iingay habang hinahawi yung kurtina niya. Magkaiba talaga kami nito. Ako gusto ko sa kwarto na madilim. Nahihirapan talaga ako matulog pag maliwanag esp sa sched ko, kailangan ko ng heavy curtain. Si Winter naman, feeling niya suffocating pag madilim.

" nakita mo na sa kwarto mo yung VS mo? " excited niyang tanong.

" not yet, nakatulog ako agad pagdating ko. Mamaya na lang. Yung kotse ko Winter Marie. Please! Ayusin mo. "

Lumabas na kami ng kwarto kasi kinatok na din kami ni Papa. Namimiss na daw niya yung mga prinsesa niya, lambing niya samin.

" papa, araw araw tayong magkasama kaya malamang si ate lang namimiss mo. Okay lang naman sakin, mas maganda naman ako sakanya. "


" Whatevs Winter! Basta ako, ang pinaka namiss ko si Mama. " sabay yakap ko sa bewang ni mama na nagbe-bake ng brownies.

" tigilan mo ko Sophia Summer ha? Hindi ko mamimiss yung anak na matigas ang ulo. "

" Mama naman! Nag 3rd anniversary na yang tampo mo sakin " pagpapa cute ko. " So, di mo na ko love ma? "



" paanong di namiss at di na mahal, nakita mo naman yung mga pagkain natin ngayon, puro favorite mo. Pork sinigang? Brownies? Leche flan? Sago't gulaman? Oo, di ka nga niya namiss Summer, hindi talaga. " pang aasar ni papa na kumakain ng leche flan sa table namin



" Gilberto! Wag mo kami nililinlang ha? Kanina ka pa kain ng kain ng matatamis. Sinabi ko ng bawal sayo yan diba? Di ka na magdidinner. Bawal ka na mag rice. " naka-ungos na sabi ni mama sabay walk out.



" Ok lang honey! " pahabol ni papa. " makakalimutan niya din yun pag kainan na. " nakatawang sabi ni papa samin.



" Kaya nga, minsan ka lang naman kumain ng matamis e. Hayaan mo yan si mama, nag eemote lang yan, andito kasi si ate. Nga pala Pa, di ako matutulog dito sa bahay. Punta kami sa tagaytay ng friends ko. Ha? Dalhan na lang kita ng buko pie. " paalam ni Winter


Napatigil si Papa sa pagkain. " Sa colettes nak ah? Tska daan ka na din sa mushroom burger. "



At hindi lang pala ako ang inuuto ng kapatid ko. Marunong na talaga siya. I remember dati ako yung nagtatanong sa papa ko kung anong pasalubong gusto niya para lang payagan niya ako. I must say, mas matinik 'tong si Winter. Swabe magpaalam! Bagay maging palos. Hahahahaha



" 'Ter? Pahiram ako damit tska bag ha? "




" Okays! Nakapag ayos naman na ko ng gamit na dadalhin ko so you can pick whatever you want. "




So, I have my sister's go signal. Nag raid na agad ako ng closet niya. Thank God, parehas kami ng size. Mas matangkad lang siya sakin ng konti pero the rest parehas na kami. From tops until shoe size even bikinis, we have the same size.... and taste. Tho medyo showing nga lang yung mga damit nito. Infairness!



I'm almost done packing, bathroom toiletries na lang. Nakapag prepare na din ako ng susuotin. ( better check the picture I attached to this Chapter. Mahina ako sa describing e. Hahahaha )


I picked white sleeveless top, maong tattered shorts and flipflops na lang. Nangialam na din ako ng jewelries ng kapatid ko, simpleng white gold na lang na necklace ang napili ko. And I'm good to go!



Raf's POV

Nagulat ako nung sinabi ni Amy na ang huli daw naming dadaanan si Sophia kasi malapit lang daw yung bahay ng parents ni Sophia.


" Talaga? Sumasama si Tl sophia tuwing jamming? " tanong ni Aj.

" Yep yep yep! We have the coolest Tl eveeeeer. " sabay sabay na sabi ng mga tenured agents.

" And speaking of Tl sophia, sa tabi ng bintana yung pwesto niya. Ok lang Aj, dyan sya sa tabi mo? "


" Hala. Bakit dito? " mahinang tanong ni Aj na ako lang yata nakarinig kasi yung mga katabi ko, naka headset at tulog na.

" ikaw boss? Lagi ka ding nasama sa mga agents? "


" Yup! Pag free ako. Kaso, wala akong original team so iba iba din nakakasama ko. Unlike you guys, bonding talaga. Sakin, mostly get to know lang. Tapos ibang team ulit. Palit na lang kami ni Aj ng seat, okay lang naman na katabi ko si Tee. " sagot ko. Tska ako tumingin kay Aj na nakita kong nginitian ako na parang sinagip ko siya sa isang malaking problema.

Nakita naman ni Amy na parang nabunutan si Aj nung nakipagpalit ako " Aj! Aj! Aj! Im sure you'll love Tl sophia. Medyo pressured lang ngayon yun. Pero, cool yun. As in! "


And nung huminto kami sa isang bahay. Bumusina lang si Carl na driver namin, lumabas na si Sophia kasama yata ang parents niya. Nakita ko lang na nag kiss si sophia and pumasok na sa sasakyan.

" bye ma! Bye pa! Bukas, dyan ako matutulog. Good night! " paalam ni Sophia sa nakababang salamin ng sasakyan

" dapat lang summer! Ginagawa mong tulugan tong bahay. Malapit na kayong buminggo na magkapatid. Sinasabi ko sainyo. "  sabi ng mama niya.


" tama na yan honey. " masuyong sabi ng papa niya. " keep safe princess. Update us. Okay? Tska kami kinawayan. " please take care of my princess. "


Tska kami umandar at sumandal na si Sophia sa tabi ko. " Uy! Andito ka pala? " nakatawa niyang sabi sakin.


" welcome party ko diba? "


Iyah's POV

" Yeah right. Welcome " sa buhay ko. :)



A/N:
Busy ako maghapon. Yaya ako ng masakit ang ngipin. Hahahaha! Ano bang effective para sa bagong bunot na ngipin? Hmmmm?


Vote. Fan. Comment. 💜

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 23, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Waiting GameWhere stories live. Discover now