Chapter 2 ( I got friend request!! )

25 4 0
                                    

Iyah's POV

" tama yan baks! Go na tayo sa EO, para maka sight ka na ng mga boylets. Sumasakit na ulo ko sa pagiging choosy mo " sabay hatak sakin ni Valerie papunta sa EO.

" kasalanan ko ba val na di naman sila nag eeffort para mapansin ko? Ano yun? Ako pa magpapapansin? " singhal ko kay val

" That's not what I meant baks. Pero iwasan mo naman yung pagsusungit mo. Takot na nga sila sayo kasi Supervisor ka, lalo pang tinatakot " patuloy ni Valerie

Makikipag argue pa sana ako, kaso tinawag na ng receptionist yung number ko. Saved by the bell tuloy si Valerie sa paninita ko.

I hate it everytime people insist that it's my fault why i don't have boyfriend. It's like sobrang sama ko because I have standards. Kesyo nahihirapan daw silang pantayan yung standards ko. Nakaka overwhelm daw masyado yung personality ko.

Hello? Ito ako. Hindi ko kasalanan na nag-aral ako and naka graduate ako. Na nakahanap ako ng magandang trabaho at napromote ako. Di ko rin kasalanan na kumikita ako ng malaki kasi I worked hard for each bucks I'm getting. Di ko kasalanan na kung gaano kataas yung standard ko, ganon din kataas yung mga pride nila. Men and their egos!

" Ms. Iyah? Nakapili na po ba kayo? " Magiliw na tanong sakin nung nag aassist.

" actually, di pa ako decided. What do you think? Which is better? " habang sinusukat ko yung dalawang nagugustuhan ko.

" sa totoo lang Ms. Iyah, maganda parehas eh. I think try mo po itong mas malaki yung frame. Para iba sa glasses mo before. " suggestion ng nag aassist sakin.

" You think so? Sige, I'll get it. What's your name nga sweet heart? " tanong ko while giving her the glasses na pinagpilian ko. Simula yata kasi nag-work ako sa BPO Industry, naging magiliw na ko sa mga nag aassist. Somehow, alam ko ang feels nila. Hahaha

She smiled " Aira po, ms iyah. "

While waiting for my glasses, nakita ko si Val na nasa cashier din.

I asked Aisha na busy sa kakatext sa tabi ko, "Bumili rin si Val? I thought maayos naman eyesight niya?"

" Bumili yata siya ng contact lenses niya. " sabi niya kahit sobrang busy pa din siya sa kakatype sa cellphone niya.

Dahil di naman ako pinanganak na pakialamera, pinabayaan ko na lang sila. Nagbukas ako ng fb habang naghihintay.

Kelan ko ba 'to huling na-check? Dami kong notifications and friend request. Messages lang naman kasi madalas kong binubuksan.

Scroll. Scroll. Scroll.

Jayden Rafael sent you a friend request.

Wews! Since kilala ko na rin naman siya somehow, personally and workmate ko. I accepted his request.

Scroll. Scroll. Scroll.

Summer na nga talaga! Madami ng nagsa-summer goals, work out & unang hirit sa tag init. Hintayin nyo lang ma approve yung leave ko, maghapon ako sisisid. Tsk!

Nagtitingin ako sa newsfeed and biglang may nag pop up sa messenger ko.

Bzzzzt.

Jeydon Rafael: Hi Tee! Thank you :)
You: No biggies Rafael!
Jeydon Rafael: :)
You: *seen*

The end. Medyo disappointing yung smiley. Di ko alam if ako lang ba yung naiinis sa mga reply na smiley, k, ahh, at kung ano ano pang masayang reply like haha hehe hihi hoho. Dahil di ko naman alam irereply ko, seen na lang.

After 10 minutes of waiting, Finally!! Got my new glasses. Last stop na kami and favorite part! Salon and spa.

Habang naglalakad kami, may inabot sakin si Val.

" for you tee, just try it. Walang mawawala " Val told me.

And pagtingin ko ng paperbag, contact lenses. I don't have lenses at home. I tried it once, kaso, di ko naman nagustuhan. Pero di ko naman magagamit 'to since nagsasalamin na nga ako.

" don't worry pinasukat ko na yan sa mata. You can use that without your glasses. " sabi agad ni Val dahil siguro nakita niya yung hesitation sa mata ko.


Okaaaaay! So, no excuse. Tampuhin pa man din 'to pag di ginagamit yung gifts niya.








Im tired! Pero relaxed naman ako kasi nagpa whole body massage ako. Anyways, Im home. After 2 hrs sa salon, Im satisfied! Got my new hair style, infairness, bumagay sakin yung brown hair color and nag pa full bangs ako. Kakanuod lang namin ng 50 shades darker kagabi kaya feeling Anastacia talaga ang Sophia niyo. Hahahahaha




Bzzzt.
Messenger

Jeydon Rafael: Dinner time tee!
You: Thanks Rafael!
Jeydon: Mall pa kayo?
You: Nope, Just got home. Kayo?
You: Good night!


Sobrang pagod ko, maaga akong nakatulog. Thank God, pagkauwi ko una kong ginawa is mag shower.





Author's note:

Normal ba 'to? Feeling ko ang boring boring ko. Wuhoooo! I need feedbacks guys. Anyways! Good day sweet hearts! God bless! 💜

Vote. Comment and fan.

Waiting GameWhere stories live. Discover now