CHAPTER 1 - PRESENT

312 128 96
                                    

SANA pinatay na lang nila ako para hindi na ako nasasaktan nang lubusan ngayon. Daig ko pa ang tinatarakan ng patalim sa tuwing maaalala ko ang pagtataksil ng dalawang taong pinahalagahan ko. 

Seventeen years of friendship. . .

Ten years of relationship. . .

"Bakit kailangang mangyari ang lahat ng ito? Naging masama ba akong tao para danasin ko ang bagay na ito? Sabihin mo, Mommy, bakit?" hagulgol na wika ni Caren sa inang si Carmela. Magang-maga na ang mga mata n'ya kakaiyak at sa bawat pag-iyak ay parang pinapatay hindi lamang ang puso n'ya, kundi pati ang  kaluluwa n'ya.

"Wala kang kasalanan, anak ko. Hindi ikaw ang nakalimot. At 'wag na 'wag mong hahayaang ilubog mo ang iyong sarili sa kamiserablehan..." mahinahon ngunit mariing wika ng kanyang ina habang hinahagod ang likod n'ya. "'Wag ka nang umiyak, anak. Alam mo namang ayaw kong nakikitang nagkakaganyan ang unica hija ko."

Hindi n'ya na alam kung ano pa ang mararamdaman. Parang gusto n'ya nang panawan ng ulirat dahil nais n'ya nang matigil ang walang katapusang sakit na nadarama n'ya.

Bakit kailangan s'yang pagtaksilan ng mga taong malalapit sa kanya? Ng mga taong naging malaki ang parte sa buhay n'ya. At higit sa lahat, ang mga taong mahal na mahal n'ya.

Muling bumangon ang galit at pait sa kanyang sistema.

"Mommy... Should I just die?" sambit n'ya sa pagitan ng pag-iyak. "Masyadong nang masakit...na halos 'di na ako makahinga..." Mukhang walang katapusan ang pagluha n'ya. Sindak na napatitig ang kanyang ina.

"No, my dear! 'Wag na 'wag kang mag-iisip ng ganyan. They're not worth your tears, Caren. Ipakita mong hindi ikaw ang nawalan. Prove them that you can survive this hell, hija." Mataman s'ya nitong pinagmasdan.

"Remember that I'm always with you. Your family will always be by your side no matter what..." Mahigpit s'yang niyakap ng ina at sa buong magdamag ay hindi s'ya nito iniwan. Takot na baka kung ano ang magawa n'ya sa sarili.

Kinabukasan ay nagising s'ya sa ingay na nanggagaling mula sa labas ng kanilang magarang bahay. Wala na ang kanyang ina sa kanyang tabi, mukhang lumabas na ito ng silid n'ya. Sumilip s'ya sa bintana upang malaman ang nangyayari.

Nanikip na naman ang dibdib n'ya nang makita ang taong hindi n'ya na gugustuhing makita pa. Ang taong dumurog sa puso at pagkatao n'ya. Ngunit sa kamalasan, ito rin ang s'yang taong pinag-alayan n'ya ng kanyang puso at damdamin. Ang taong mahal na mahal n'ya pero....nagawa s'yang pagtaksilan.

Muli na namang sinalakay ng matinding kirot ang kanyang puso. Napadausdos s'ya paupo hanggang sa mapahagulgol na naman s'ya sa sobrang sakit.

"Kailan ba matatapos at mauubos ang sakit na ito.... Ayoko na  nang ganito..." aniya sa naghihinagpis na tinig.

"Caren! Kausapin mo ako parang awa mo na! Hindi ko kayang mawala ka... Nakikiusap ako..." rinig n'yang sigaw ng lalaking dahilan ng pag-iyak n'ya ngayon.

"Umalis ka na ngayon din! Wala ka nang karapatang kausapin pa ang kapatid namin!" sigaw rin ng isa sa mga kapatid n'ya.

"Caren! Please, bigyan mo ako ng chance na makausap ka!" Dama n'ya ang paghihirap sa tinig nito. Gusto n'ya itong paniwalaaan pero... paano naman s'ya? Ang puso n'yang sinaktan at winasak nito.

"Kami na ang nakikiusap, umalis ka na at huwag ka nang ulit babalik dito. Hindi ka na gugustuhin pang makausap ni Caren," anang isa pa n'yang kapatid.

Bumukas ang pintuan ng kanyang silid at niluwa no'n ang kanyang ina.

"Anak!" Dali-dali s'ya nitong dinaluhan nang makita s'yang humahagulgol.

"Anak, 'wag mo nang pag-aksayahan ng panahon na iyakan ang taksil at manlolokong 'yan. Hinding-hindi namin s'ya hahayaang makalapit sa'yo. Nandoon ang mga kuya mo kaya hinding-hindi ka na n'ya basta-bastang malalapitan." Niyakap s'ya nito nang mahigpit.

"Mommy..." sa pagitan ng kanyang paghikbi.

SA HARAP ng hapag-kainan ay tulala lamang s'ya at tahimik na pinapanood ang kanyang mga magulang at dalawang nakatatandang kapatid na lalaki.

"Ren, sis, kumain ka na. Ilang araw ka nang hindi kumakain..." nag-aalalang wika ng Kuya Kevin n'ya, ang pangalawa sa kanilang magkakapatid.

"Huwag mong pag-aksayahan ng mga luha mo ang mga taksil na iyon. Tandaan mong sila ang sumira sa lahat," mahinahon ngunit may himig ng galit na wika ng panganay nilang kapatid na si Troy.

"Isang pagluha mo pa anak at mapapatay ko ang hayup na 'yon! 'Wag na 'wag na ulit s'yang magkakamaling tumapak dito at bangkay na s'yang makakaalis," makapanindig-balahibong saad ng kanyang amang si Armando Madrigal, isa itong governor sa kanilang probinsya.

"Armando, 'wag sa harap ng hapag. Respeto sa harap ng pagkain. Hija, kumain ka na," pukaw ng kanyang Mommy sa kanya.

Kilala at makapangyarihan ang kanilang pamilya kaya hindi nakakapagtakang kayang iligpit ng kanyang ama ang kung sinumang tumalipandas sa kanilang pamilya, lalo na sa kanya na nag-iisang babae at bunso nitong anak.

"Wala po akong gana. Aakyat na lang ulit ako." Tumayo na s'ya at pumanhik sa kanyang kuwarto. Hindi n'ya pinansin ang pagtawag sa kanya ng mga magulang.

Paghiga n'ya ay pumikit s'ya. Naroroon pa rin ang matinding sakit sa kanyang puso. At sa tuwing ipipikit n'ya ang mga mata ay tanging ang mga ala-alang ayaw n'ya nang maalala pa ang nagsusumiksik sa kanyang sistema. Ang pangyayaring ni sa panaginip ay hindi n'ya inaasahang mangyayari. Ang pangyayaring nagpaguho sa mundo n'ya.

"Bakit n'yo nagawa sa'kin 'to, Alexus... Eireen..." Muli na namang nag-unahan sa pagtulo ang kanyang mga luha.

Sa kanyang pagluha ay isa-isang naglandas sa kanyang isipan ang pinag-ugatan ng nangyayari sa kanya ngayon. Kasabay din ng mga ala-alang nabuo bago pa man mangyari ang pagtataksil ng dalawang mahahalagang tao sa buhay n'ya. Ang mga magagandang ala-alang nabuo, ang mga pinagsamahan nila.

Before that worst nightmare occurred into her life...

At that time, she know nothing about love.

She was just innocently caught by that kind of emotion.

Not knowing that it could change her completely, yet...

Not knowing it could be her weakness and pain as well...

She could only imagine that reality doesn't always go well.

Why the people you loved the most, were also capable of hurting you the most?

The deadly future awaits her and she couldn't guess when it will finish.

When will she survive these incomparable pain and grief?

She just wished for happiness...

Was that too much to asked?

But inspite of her agony, deep in her heart, she wants to restart everything.

But how?

How can she face the future with a broken heart? Broke by those people.

How can she spend every moment of her life if she can't forget this painful agony?

Will she survive?

She wanted to erase this part of her life.

If there's only a way to forget and undo everything...

She'll succumb to it...

Kailangan n'yang harapin ang bukas na may tapang sa dibdib. Hindi s'ya puwedeng maging talunan. Dahil kapag nagmahal ka, dapat matuto ka ring lumaban.

She's not just a lover, but also a fighter.

~~~^_^~~~
04222017

"Halow! How's the first chapter? I hope you liked it.
If you think that the story is interesting, please do not hesitate to hit VOTE & COMMENT your opinion too.
Arigatou! ~_^"

-E.R.

I'm a Lover and a Fighter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon