"REN, mauna ka nang umuwi at may dadaanan pa ako. Pabalikin mo na lang si Mang Arnel," paalam ni Eireen kay Caren na ang tinutukoy ay ang ang driver nila. Hatid-sundo kasi sila ng kotse nila at kung minsan ay ang Daddy n'ya mismo ang sumusundo sa kanila 'pag 'di ito masyadong busy. Ganyan ka-protective ang pamilya n'ya.
"O, sige. Kita kits later," nakangiting sagot n'ya bago tuluyang umalis si Eireen. Maagang natapos ang graduation practice nila kaya napagpasyahan n'yang umuwi na para makapagpahinga.
Dere-deretso na s'yang naglakad nang mapahinto s'ya dahil nadaanan n'ya ang locker n'ya. May isang linggo na rin n'yang hindi nabubuksan iyon dahil busy s'ya nitong mga nagdaang araw, isa pa'y mas okupado ng graduation ang isipan n'ya dahil na rin sa inihahanda n'yang valedictorian speech. Yes, s'ya ang may pinakamataas na karangalan sa mga magtatapos sa darating na dalawang linggo mula ngayon.
Bago n'ya buksan ang locker ay naisip n'ya kung nagpapadala pa rin ang misteryosong sender. Paano kung hindi na? Bakit parang nalungkot s'ya sa kaisipang 'yon? Sa kabila kasi ng isipan n'ya ay natutuwa s'ya sa effort na ginagawa ng mysterious sender na iyon.
Pagkabukas n'ya ay tulad pa rin noong huli n'ya iyong buksan, wala pa ring paltos sa pagpapadala ang mysterious sender n'ya. Red roses and mini cards dominated her locker. Dinampot n'ya ang isa sa mga cards at binasa ang laman no'n.
To my lovely Caren,
Congratulations on your graduation, my lovely Caren. Your success is my happiness. Hope to meet you sooner.
From your Secretly In Love Admirer
Aaminin n'yang lubos na kasiyahan ang nadama n'ya sa maiksing mensaheng iyon. Pero may bahagi rin n'ya na umaapela dahil ito lang ang nakakakilala sa kanya, samantalang s'ya'y hindi alam kung sino ang taong 'to. It's unfair that this person recognizes her while she, doesn't even have a clue what he looks like.
"Sino ka ba kasi?" mahinang wika n'ya. Bigla'y naisip n'ya na paano kung si Alexus nga ang mysterious sender na ito? Ano'ng gagawin n'ya? Paano n'ya ito haharapin? Can she face him? Will she accept him? Or not?
What if it's not him? tanong ng isip n'ya. Ipinilig n'ya ang ulo dahil mababaliw na s'ya kakaisip sa lintek na sender na ito.
"Hay..." Bumuntong-hininga s'ya. Muli n'yang tiningnan ang card at napangiti ulit sa mumunting mensahe nito. "But still, thank you."
Mula sa kinaroroonan ay masaya s'yang sinusulyapan ang babaeng nasa tapat ng locker habang hawak-hawak nito ang dedicated card na sa kanya nagmula. Masaya s'ya dahil naaaninag n'ya sa mukha nito ang tuwa. Para sa kanya ay sapat na iyon. Sapat nang sa malayo lang n'ya natatanaw ang babaeng pinag-aalayan n'ya ng kanyang damdamin. Sa ngayon ay hindi pa n'ya kayang humarap dito, hindi pa ngayon ang tamang panahon. Alam n'yang may tamang pagkakataon para sa mga bagay-bagay.
"I'm happy to see you smile like that, my lovely Caren. I don't want to take that smile once you know who I am. It's more than okay to be like this," nakangiting bulong n'ya bago tuluyang naglakad paalis.
Si Caren ay parang may naramdamang may bumanggit sa pangalan n'ya kaya nilingon n'ya ang paligid, ngunit wala naman s'yang nakita ni kahit na isang tao. Marahil ay guni-guni n'ya lang iyon.
ISANG linggo na lang mula ngayon ay isa na s'yang high school graduate. Masaya na kinakabahan s'ya. Masaya dahil sa wakas ay isang kabanata na naman sa kanyang buhay ang magtatapos, kinakabahan dahil panibagong serye na naman ang kakaharapin n'ya. Hiling n'ya'y sana maging maayos at payapa ang magiging takbo sa mga susunod na episode ng kanyang buhay. Sana'y wala s'yang magiging mabigat na suliranin. She only wants a peaceful life.

BINABASA MO ANG
I'm a Lover and a Fighter
RomancePagkakaibigan... Pag-iibigan... na mauuwi sa Pagtataksil. Ten years old pa lamang ay magkasama na kayo ng best friend mo, habang kayo naman ng boyfriend mo ay ten years na ang relationship at magpo-propose na ito sa'yo and sooner, magpapakasal na ka...