CHAPTER 14 - HER SUITOR

62 43 30
                                    

"HOW'S your schooling, my young ladies?" tanong ng mommy ni Caren sa kanila ni Eireen. Kasalukuyan silang naghahapunan.

"Okay lang naman po, tita. Nakapag-adjust naman na po sa routine," sagot ni Eireen bago uminom ng tubig.

"Mabuti naman, hija," nakangiting pahayag ng mommy ni Caren bago bumaling sa kanya. "How about my dear daughter? Any difficulties?"

"Okay din lang naman, mommy. Medyo nakaka-stress lang dahil ang daming ginagawa, but I can manage," sagot ni Caren bago tinapos ang pagkain.

"That's good to know, young ladies. Aside from studies, wala ba kayong ibang pinagkakaabalahan?" Malimit kasing wala ang mommy n'ya dahil lagi itong may outreach program na dinadaluhan sa mga karatig bayan at probinsya kaya bihira silang makapag-bonding na tulad ngayon.

Siniko s'ya ni Eireen at nang balingan n'ya ito'y sobra ang ngisi nito sa kanya. Malamang na ang ibig nitong sabihin ay ang tungkol sa love life kuno n'ya.

"Ba't 'di mo sabihin kay tita ang tungkol sa suitor mo? I'm sure tita would love to know the whereabouts of her unica hija," nakangiting saad ni Eireen sabay baling sa mommy n'ya.

"Oh?" Tila naging interesado ang mommy n'ya dahil mas nagliwanag ang ekspresyon ng mukha nito. Tinapos na rin nito ang pagkain.

"Come on, tell me about it, my dear Caren." Nahimigan n'ya ang pagka-excite sa tinig nito. Palihim n'yang inismiran si Eireen pero bale-wala rito dahil ngiting-ngiti pa rin ito.

Wala namang problema kung magkukuwento s'ya sa mommy n'ya dahil 'di naman ito masyadong mahigpit pagdating sa pakikipag-boyfriend basta't 'wag lang daw n'yang pababayaan ang pag-aaral n'ya. Dagdag inspirasyon pa nga raw iyon para mas ganahan s'yang mag-aral. Ang daddy at kuya Troy n'ya ang mahihigpit pagdating sa aspetong ito, habang ang kuya Kevin naman n'ya ay sakto lang, mana kasi ito sa mommy nila na may outgoing personality.

"I want to meet that young man, hija. Magaling s'yang mamili ng liligawan," tuwang-tuwang pahayag ng mommy n'ya nang mailahad n'ya ang gusto nitong malaman at marinig mula sa kanya. Pero sa totoo lang, mas marami pang naikuwento at  sinabi na puro papuri sa lalaking iyon ang magaling n'yang kaibigan kaysa sa kanya.

Atribida talaga ang lukaret. Nairolyo na lang n'ya ang mga mata sa kaisipang iyon.

"One last thing, tita," ani Eireen. Ano na naman kaya ang ibubuking nito tungkol sa kanya? "Alam n'yo po bang si Caren at ang pogi n'yang manliligaw ay nag-" Napatigil ito sa pagsasalita dahil kinurot n'ya ang tagiliran nito. Napaigtad ito. Ibuking na lahat maliban sa bagay na 'yon. That kiss is a classified info. Ibang usapan na 'yon.

"What is it, Eireen?" nakakunot noong tanong ng mommy n'ya.

"It's just nothing, mom. You don't have to meet him dahil hanggang friends lang naman po kami. At alam mo naman, mommy, 'di ba? Baka ipa-hunting pa s'ya ni daddy at ayoko namang magulantang ang buhay n'ya. Knowing daddy..." sagot  n'ya sa ina.

"Sino ang ipapa-hunting ko, ladies?" Napalingon sila sa nagsalita. It's her daddy.

"Armando," nakangiting salubong ng mommy n'ya. "Akala ko ba'y bukas pa ang uwi mo?" Nang makalapit ito'y hinalikan muna nito sa pisngi ang mommy n'ya bago sumagot ang kanyang daddy.

"Ikinansela kasi nila ang meeting dahil nasa out of town pa si congressman. Sa Lunes na lamang daw itutuloy," imporma ng daddy n'ya bago s'ya nito bineso at batiin si Eireen.

"Ano ba'ng pinag-uusapan n'yo at nadawit pa ako? Bakit? May tumalipandas ba sa mga dalaga natin, Carmela?" anang daddy n'ya pagka-upo nito sa katapat na bahagi ng mommy n'ya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm a Lover and a Fighter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon