Let’s make a fair deal aryt?! Hahahaha. Ewan ko kung fair to ha. Don’t get me wrong. Parang gusto ko gumawa ng BS. PARANG. Hahahahaha. Here’s the deal. 10 votes + 5 comments isn’t hard to give for a merciful writer like me, right?! Hahahaha. Pinaghihirapan ko rin naman yung mga updates ko. OR! Ipaprivate ko na lang? but I don’t like the idea, gusto ko kasi parang karinderya ang mga sinulat ko, bukas sa sinumang gustong kumain. O diba? Fair naman siguro yun dahil ngayon pa lang sinasabi ko na, na mahihirapan ako gumawa ng BS!! But you know, I also believe that a really good writer can take risks sometimes. And this will be the first ever risk I’m going to take. So can you do the deal for me? Kung hindi naman kaya, that’s also fine with me. Hehehehe. Osya. Update for today kahit Hagardo Verzosa ako dahil sa College Caper na yan bukas! ALIEN!
This will be a special update for all. I just wanted to do this because of this very emotional song that I couldn’t... I... urggh.. I couldn’t ignore just like that. Just a reminder. THIS WILL BE AN ADVANCE UPDATE FOR THE UPCOMING CHAPTER, AND THIS CHAPTER WILL BE POSTED COMPLETELY IN THE RIGHT TIME. AGAIN. THIS IS A SPECIAL UPDATE.
SPECIAL UPDATE
SAY SOMETHING, I’M GIVING UP ON YOU.
(Please click the video -- > Say Something by A Great Big World Ft. Christina Aguilera)
I followed him. No. Hindi pwede yung naiisip ko.
Hindi nya kayang gawin sakin to.
Pabilis ng pabilis ang pagdadrive ko habang sinusundan ko yung kotse ni Gino, hindi ko na rin mapigilan ang pag-agos ng luha mula sa mga mata ko.
*ring ring ring*
Tiningnan ko kung sino yung tumatawag sakin. It’s Jana, yung yaya ng 4 years old naming baby ni Gino.
Nanginginig ang kamay na sinagot ko yung tawag.
“Y-Yes Jana?” nanghihina kong sagot sa kanya.
“Ma’am, anong oras po ba kayo uuwi?”
Parang kinalabog yung dibdib ko dahil sa pagmamadali nyang pagtanong sa akin.
“A-Anong nangyari?!” I swear. Mapapahagulgol na ko any moment now. Nawawala na sa harapan ko si Gino kaya mas diniinan ko pa yung pagtapak sa gas ng kotse ko.
“Iyak po kasi ng iyak, hindi ko na po alam kung anong gagawin ko.” Saka ko lang napansin na may umiiyak nga na bata sa background. Napamura ako dahil ang layo ko na sa bahay namin.
“Ganito. Tawagan mo muna si Hera, pupunta yun. May importante lang akong nilalakad. Tawagan mo ko kapag hindi pa rin tumatahan si baby. Ok?” may nag-over take na crosswind sa harap ko kaya napa-break ako biglaan. Kumakalabog na ng todo yung dibdib ko.
Ano ng nangyayari? Mamamatay na ba ko?
“Sige po Ma’am.”
Ibinaba ko na rin yung phone ko bago ako matuluyan. Swerte naman na nag-red light kaya masusundan ko pa rin yung kotse ni Gino.
15 minutes.
15 minutes na parang dinudurog yung buong pagkatao ko pa ang lumipas bago pumasok sa isang subdivision yung kotse ni Gino.
Sinundan ko pa rin sya. Sinabi ko dun sa guard na asawa ako nung naunang sasakyan, ayaw pa nga nyang maniwala nung una dahil sabi nya ay may lagi raw kasamang babae si Gino kapag nagpupunta ito doon. Akala nga raw nya ay iyon yung asawa ni Gino. Di ko na napigilan yung pagtulo ng luha ko sa harapan nung guard. Nagmakaawa ako sa kanya na papasukin na nya ko at maawa sya samin ng anak ko. Naawa naman ata sya dahil pinatuloy na rin nya ako.
Natagpuan ko na lang yung sarili ko na nakatulala sa isang puting malaking bahay dito sa subdivision na pinasukan ko.
Natatakot akong pumasok pero nananaig yung kagustuhan kong malaman kung anong pinagkakaabalahan ng asawa ko.
Nanginginig ang mga kamay natinulak ko yung gate. Bukas yon. Parang nagmamadali yung pumasok at hindi na nakuha pang ilock iyong muli. Napapikit ako sa sakit. Bakit Gino?
Dahan dahan akong pumunta sa main door, nakabukas din yon. Umagos na naman ang masaganang luha mula sa mga mata ko. Hindi mo kayang gawin sakin to Gino. Hindi.
Nanginginig na yung buong katawan ko bago makarating sa nag-iisang kwarto na bukas sa itaas. Unti unti kong sinilip kung sino yung nasa loob nun.
Isang lalaking nakayakap mula sa likuran ng babae habang pareho silang nakatingin sa labas. Parang dinurog ng pinong pino yung puso ko sa nakita ko. Napatutop ako ng kamay sa bibig ko at napailing ng sabay sabay.
Isang mahinang hikbi ang lumabas mula sa labi ko kaya naman sabay na napatingin sa akin si Gino pati yung babae. Unti unting napalis yung ngiti ni Gino at nagtataka naman akong tiningnan nung babae.
May sinabi sa kanya si Gino at tumango naman ito ng marahan.
Naglakad naman papalapit sakin si Gino. Hindi ako makakilos, basta ang alam ko lang ay wala na kong gustong maramdaman parang namanhid na yung buo kong katawan, kasama pati yung puso at utak ko dahil sa nakita ko.
“Let’s go outside.” Mahinahong sabi sakin ni Gino.
Nagpatianod naman ako sa paghila nya sakin.
Dinala nya ko sa parang library dun sa bahay na yun.
“Ba-Bakit ka nandito? P-Paanong... sinundan mo ba ko?” hindi makapaniwalang tanong nya sakin, nakasabunot pa sya sa buhok nya tanda ng matinding frustration.
Patuloy lang naman sa pagtulo ang mga luha ko. Nanginginig yung labi ko nung ibinuka ko yun.
“B-Bakit Gino?” nanghihina kong tanong sakanya.
“It’s not what you think..”
Napangisi ako sa sinabi nya.
“Yeah. It’s definitely not what I think.. because it’s more than that.” Marahas kong pinunasan yung mga luha ko.
Unti unting tumataas sa ulo ko ang pinaghalo halong sakit, poot, at frustration.
“ANO HA?! SINO YON?”
Nanlaki naman yung mga mata nya.
“MAGSALITA KA!!” sinugod ko sya saka ko sya tinulak.
Yumuko lang naman sya.
Napahagulgol naman uli ako.
“HAAHHH!” sumigaw ako ng malakas.
“SABIHIN MONG WALA LANG YON GINO! YOU TOLD ME... YOU TOLD ME THAT.. THAT WE WILL GOING TO WORK OUR MARRIAGE OUT, RIGHT?! GINO?!! RIGHT?!!”
Nanatili pa rin syang nakayuko. Napaluhod na ko sa sahig. Silence means YES right?!
This.
Is.
Not.
Happening.
Not with me.
Not with us.
Nanatili ako sa ganong posisyon ng ilang minuto. Hindi pa rin nagsasalita si Gino.
Napailing na ako at tumayo. Muli ko namang pinunasan ang mga luha ko pero useless dahil may tutulo na namang panibago.
“Say something Gino..” mahina ngunit mariin kong sabi sakanya.
Tumingin lang sya sa malayo at umiling.
“Say something... Gino... please...” nagmamakaawa kong wika.
Tumingin lang sya sakin na parang nahihirapan.
“Say something because I’m giving up on you.”
(T____T)
BINABASA MO ANG
Marry Me Or Marry Me?! *FIRST-HALF COMPLETED*
HumorEvery girl's dream is to have a perfect wedding with their perfect prince. And every man's dream is to have a big YES to their princess when they proposed. What if two souls didn't get what they want and Mr. Cupid made his way to make this two souls...