KABANATA 6
Don't cheat.
.
.
.
.
.
.
"May apat na kwarto dito. Kwarto ko, master's bedroom, guest room, atsaka bakante yung isa. Nasa taas yung apat na kwarto, nandito naman sa baba yung maid's quartter, library, study room, entertainment room, tsaka yung mini clinic ko. Sa 3rd floor may parang greenhouse na garden, si Mama may idea nun. Pero maganda dun kase may bench saka di mainit kaya kung gusto mo makalanghap ng sariwang hangin, punta ka lang dun. Then sa likuran, nandun yung pool if you want to swim." sabi ni Gino habang nagmimini tour kami sa bahay nya.
"Wow.. Ikaw lang mag-isa dito?"
"Well, not anymore." tsaka sya ngumiti sakin.
Ngumiti rin naman ako sakanya saka nagkibit balikat.
"Manang!" tawag nya dun sa katulong nya siguro.
Agad naman may humahangos na middle age na babae galing sa kung saan.
"Giovanni.. Nandito ka na pala." bati nya kay Gino sabay tingin sakin.
Ngumiti sya sakin saka lumapit.
"Ikaw ba si Ma'am Victoria?" tanong nya sakin.
Kandangiwi naman ako dun sa pangalan na tinawag nya sakin.
"Eh Krystal nalang po o di kaya eh Kria po. Si Dad lang po tumatawag sakin nung Victoria, haha, medyo naiilang po kasi ako sa pangalan na yon." paliwanag ko sakanya.
"Osya. Kria. Ako nga pala yung mayordoma ni Giovanni, matagal na ko sakanila kaya parang kapamilya na rin nila ko kung ituring. May dalawa pa kong kasama dito, si Sabel tsaka si Doris, pinamalengke ko muna kaya wala dito."
"Ah. Ganun po ba? Hmm. Manang dito na po ako titira simula ngayon, sana po magkasundo tayo." nakangiti kong sabi sakanya.
"Oo naman hija. Basta makakapagpangiti dito sa poging to kahit ano!"
"Thank you po!"
"Manang, punta muna kame sa kwarto, baka napagod si Krystal kanina eh makakasama sa baby yun." paalam ni Gino.
"Ah. Oo naman. Hala sige. Basta kapag may kailangan ka Kria ha? Tawagin mo lang ako."
"Opo Manang. Salamat!"
Hinawakan ko na sa braso nya si Gino para makaakyat na kami.
"Are you tired?" tanong nya sakin habang umaakyat.
"Konti lang." tsaka ko nag-act ng konti lang sa daliri ko.
"Do you like our wedding ring?"
"Syempre! Ako kaya pumili nun!"
"Gusto mo sumama kapag pwede na kunin?"
"Ahmmm.. Kapag sinipag ako." tsaka ko sya nginitian.
"Ok." nagkibit balikat naman si Gino.
"Nga pala. Dun ko na pinadala sa kwarto ko yung mga gamit mo. Is that ok with you?"
"Yeah. Of course. Magpapakasal na rin naman tayo." nakangiti kong sagot sakanya.
Napatulala pa syang saglit saka nalang ngumiti.
Kakaiba talaga sya sa lahat. Napatulala pa ko sakanya nung sinabi nyang ok lang na magsama kame sa kwarto ko. Napapadami ata yung pagbabasa ng author ng mga stories kung saan magmamatigas pa yung girl sa pagtulog dun sa kwarto nung boy but eventually papayag din naman may bonus pang something something kaya binago naman nya. Haha. Pati wala sa character ni Krystal yung nag-iinarte sya. Astig talaga ng mapapangasawa ko!
BINABASA MO ANG
Marry Me Or Marry Me?! *FIRST-HALF COMPLETED*
HumorEvery girl's dream is to have a perfect wedding with their perfect prince. And every man's dream is to have a big YES to their princess when they proposed. What if two souls didn't get what they want and Mr. Cupid made his way to make this two souls...