KABANATA 29
C.I.A.
“San ba talaga tayo pupunta?” tanong ko kay Gino habang iminamaniobra nya yung kotse palabas ng bahay namin.
It’s 5 am in the morning and we’re already up. At, seriously, wala talaga akong kaide-ideya kung saan ako dadalhin ng magaling kong asawa.
At kagaya ng kanina pa nya ginagawa, humarap lang sya sakin para ngumisi. “Easy sweetheart. Di naman kita ililigaw, pati ayaw mo bang masundan na si Ash? Nalulungkot na raw sya sabi nya sakin kagabi.” Nang-aasar na tugon nya sa akin.
Inirapan ko naman sya saka ako bumaling sa bintana nung kotse. Umingos ako para maitago ang pagngiti ko. “Kakalimang buwan pa lang ni Ash, di pa sya marunong magsalita.”
“Sus. Natatawag na nya ko. Pinakita ko pa nga sayo kanina yung video na nagda-DADA sya diba?” Tama. Ang bilis ng panahon ano? 5 months na si Ash. At tatlong buwan na rin akong nakabalik sa industriya na pinanggalingan ko. Kahit napapagod, masaya ako dahil nagagawa ko na uli yung mga bagay na gustong gusto kong gawin. Nagpapasalamat din ako dahil meron akong supportive na asawa. Every weekend ay lumalabas kaming dalawa, kahit saan lang. malilibot na nga namin yung buong Pilipinas dahil kay Gino. Last week we went on Coron. All I can is that it is indeed a heaven there. Isa pa sa gusto ko kay Gino ay yung paghahanap nya lagi ng oras para magkasama kaming dalawa. Ang hirap pagsabayin ng pagtatrabaho naming dalawa pagkatapos ay pag-aalaga kay Ash. It’s really a huge effort we pour into everyday.
“Whatever Gino. Drive safely. Kung saan mo man ako dadalhin this time make sure hindi mo sisirain yung ganda ng lugar.” Pang-aasar ko sa kanya. As you all know, kahit lagi ko syang pinupuri sa inyo, madalas pa rin talaga akong mapikon ng isa na ‘to. Mapang-asar sya e, pikon ako. Match made in heaven? O God, what have you done?! Napangisi naman ako sa naisip ko.
“Lumingon ka nga dito. If I know, ngiti ka lang ng ngiti dyan. Alam mo ikaw Kria, napapansin ko lang sa’yo, parang lagi kang nagpapacute sa akin.” Nagmamalaki nitong wika.
Napaawang naman ang mga labi ko at hinarap ko sya.
“Excuse me?!” hindi ko makapaniwalang sabi sakanya.
“Ako?” tinuro ko pa yung sarili ko. “Nagpapacute sayo?” saka ko naman sya itinuro.
“Dream on Gino! Dream on!” malakas na sabi ko sa pagmumukha nya.
“Kuuuh. Kunwari pa kasi e. Dream. Dream. Ang sabihin mo lagi mo akong napapanaginipan.” Hindi pa rin sumusukong pang-aasar nya sakin.
“Ewan ko sayo! ANG KAPAL NG MUKHA MO!” gustong gusto ko na syang sabunutan kaso nagda-drive sya at baka maaksidente kami kaya mamayang paghinto na lang namin ko sya bubugbugin. Hah!
Tumawa naman sya ng malakas. See?! May mas lalala pa ba sa asawa ko?! ><
“Ayaw pa kasing umamin na mahal mo ako e.” tudyo nya sa akin.
Napahinto naman ako, ngayon na lang nya uli binanggit yang mahal mahal issue na yan. Tinitigan ko naman sya. Nakangiti sya habang nakatingin sa daan. Nakahawak sa labi nya yung isa nyang kamay habang nasa manibela naman yung isa. Yung mahaba at malantik nyang pilik mata, matangos na ilong, yung panga nya, yung mapupulang labi. Mahal ko na ba sya?
“Eerrr. Matutulog muna ko, gisingin mo na lang ako kapag nakarating na tayo sa pupuntahan natin.” Saka na ako pumikit.
“Hey. I’m just kidding. Ang pikon mo naman.” Sabi nya pero nanatili pa rin akong nakapikit. Naramdaman ko ang pagbuntong hininga nya bago ako tuluyan ng hilahin ng antok.
“WAKE up Kria. We’re here.” Tinapik tapik pa ni Gino yung pisngi ko.
Nag-inat naman ako at tiningnan kung saan kami naroroon. Kalat na ang liwanag sa labas at kitang kita ko mula sa loob ng kotse ang isang malawak na kapatagan.
BINABASA MO ANG
Marry Me Or Marry Me?! *FIRST-HALF COMPLETED*
HumorEvery girl's dream is to have a perfect wedding with their perfect prince. And every man's dream is to have a big YES to their princess when they proposed. What if two souls didn't get what they want and Mr. Cupid made his way to make this two souls...