Kabanata 16

300 3 0
                                    

KABANATA 16

GIRL, BOY, BAKLA, TOMBOY

“You really look perfect together.” Nakangiting sabi nung photographer samin ni Gino habang nirereview nya yung mga nakuha nyang shots samin.

Nagkatinginan namin kami pareho saka kami sabay ngumisi.

“Kaya nga KrysGin na ko forever!!” eskandalosang tili ni Stefano habang papalapit samin na may hawak na mga kape.

Inirapan ko naman sya habang nakangisi. Nakita ko naman si Gino na umiiling iling habang nakangiti.

“Oh kape. Ako kinakabahan sa magiging anak nyo eh.” Saka pa itinirik ni Stefano yung mga mata nya.

“At bakit?” natatawa kong tanong sa kanya habang inaabot ko sa kanya yung kape.

“Sa ganda at gwapo nyong dalawa baka alien na yung maging anak nyo.”

“Pffftt..” muntik naman nang maibuga ni Gino yung inabot ko sa kanyang kape.

“Hey..” natatawa kong hinagod yung likuran nya.

“Don’t you think that’s too much?!” nakangiwing tanong nya kay Stefano.

Nagkibit balikat naman si Stefano saka kami tinalikuran, may aayusin pa raw kasi sya. Kumuha sila ng ilang shots namin ni Gino pagkatapos ay sinabi nilang ipapadala na lang daw nila via email or facebook yung mga nakuhang pictures then kami na raw yung bahalang pumili kung alin dun yung gusto naming ilagay sa invitations, souvenirs, pati na rin dun sa gagawin nilang slideshow sa simbahan at sa reception. Haaayy.. iniisip ko pa lang yung mga gagawin sumasakit na yung batok ko. Bakit ba kasi nagmamadali?! (>_<)

“Hey.. you look tensed.” Sabi sakin ni Gino nung pumasok sya ng kwarto namin.

Nginitian ko naman sya saka ko iminuwestra na tumabi sya sakin. Sinunod naman nya ko at umupo sa tabi ko.

“Tulungan mo kong mamili ng mga pictures.” Saka ko itinuro yung mga napili ko na.

“Ayan na pala ehh..” sabi nya sakin habang tinitinganan isa isa yung mga napili ko na.

“Baka may gusto ka pang idagdag o tanggalin.” Sabi ko uli sa kanya habang minamasahe yung batok ko.

“Magaganda na yung napili mo pati ikaw talaga ang may mata sa mga ganito. I trust your taste anyway. Halika nga dito.” Isinara na nya yung laptop matapos isend dun sa photographer yung mga napili kong pictures saka nya ko inalalayan para makapwesto sa may harapan nya. Bale nakatalikod ako sa kanya habang nakagitna ako sa hita nya. Urgh. Sorry for my descriptions, I know I sucked in it. I can’t have it all naman diba? That’s unfair to others. Huehue.

Unti unti nyang minasahe yung batok ko pababa sa may likuran ko, tataas pabalik sa batok ko sa noo ko, sa leeg. Sa balikat, sa braso. “Hhmmm..” di ko na napigilang ungol ko dala na rin ng ginhawa na dulot nung pagmamasahe nya.

“Masarap ba?” bulong nya sa punong tenga ko.

“O-Oo. M-Masaraaaapp.” Napangiwi naman ako sa sagot ko, bakit parang ang halay?! HAHAHAHA.

“Nagpaturo talaga ako sa PT sa ospital para mamasahe kita. Importante rind aw kasi na once in a while ay naimamassage ang isang buntis dahil nababawasan yung stress na nararamdaman nya pati na nung baby.” Napatango naman ako sa mga sinasabi nya.

Ilang beses pa nyang pinasadahan ng masahe yung balikat pababa ng bewang ko at dahan dahan nya akong isinandal sa dibdib nya at ikinulong sa mga braso nya. Ipinatong naman nya yung dalawa nyang kamay sa tyan ko na bahagya na ng nakaumbok. Minasahe nya ito ng dahan dahan na nagdala sakin ng kakaibang kiliti. Urghh.. Namatay ata yung aircon, uminit kasi bigla yung pakiramdam ko.

“Kinabahan ako kanina sa sinabi ni Stefano..” sabi pagkuwan.

Nanatili naman akong nakatahimik kasi naiinitan talaga ko, nahihiya naman akong umalis sa pagkakahilig sa kanya pati ang sarap sa pakiramdam.

“Pero alam mo Krystal.. Kahit ano pa yung magiging anak natin. Girl, Boy, Bakla, Tomboy, tatanggapin ko sya ng buong buon kasi anak natin sya. Syempre, hindi ko naman winiwish na magkaron ng kahit anong kapansanan yung magiging baby natin pero basta kahit maging ano man sya, mamahalin at mamahalin ko pa rin sya.”

Napangiti naman ako sinabi ni Gino. Hindi ako nagkamaling isipin na he can really make a wonderful Daddy.

“Ang sarap naman pakinggan nun.” Nakangiti kong sabi sa kanya.

“I wanted all the best for the both of you.” Naramdaman kong hinalikan nya yung buhok ko. “Ayokong magsisi ka na pinakasalan mo ako.” Pagkatapo nun ay huminga sya ng malalim.

“Of course, I won’t regret that  you are the father of my baby. Papakasalan ba naman kita kung ayaw ko sayo?” nilingon ko sya nung sinabi ko yun.

“You mean you like me?”

Natigilam ako sa tanong nya.

Iniiwas ko naman uli yung tingin ko sakanya saka ako kumapit sa braso nya.

“Tinatanong pa ba yun? Of course, I like you.” Mahina kong sagot sa tanong nya.

“And I like you too.” Humigpit naman yung pagkakayakap nya sakin.

“Get ready because in just a span 4 days, you’ll be married to me. There’s no turning back now. Hindi kita papayagan.” Dugtong nya nung hindi ako sumagot. Nag-uumapaw ng kasiyahan yung puso ko sa kaalamang kahit papaano ay may nararamdamn din naman pala sya sakin.

“At sino namang nagsabi sayo na magbaback out pa ko? HELL NO!”

And I heard him chuckled softly. What a lovely music to my ears. Ayan na baby ha? Masaya ka na?

Para namang walang ano ano’y parang may kumibot sa tyan ko., napangiti naman ako kasi parang ang talino ng magiging anak namin ni Gino. Tama sya. Kahit maging ano ka pa baby, mamahalin ka namin ni Daddy mo. Always remember that.

Marry Me Or Marry Me?! *FIRST-HALF COMPLETED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon