Kabanata 4
Slumbook ka ba?
Bumaba na kaming lahat para makapag-ayos na si Krystal. But i'm still worried about her, baka madulas sya sa banyo dahil sa pagkahilo nya. What if makunan sya? Mawala yung baby namin? Argh.
Ginulo ko yung buhok ko out of frustration.
"Giovanni, anak, you're spacing out."
untag ng Mama ko sakin.
"Sorry po." hinging paumanhin ko sakanila.
"Uhrmmn. So as i was saying, dapat makasal na kayo ni Victoria bago pa mahalata yung tiyan nya." maawtoridad na sabi nung Dad ni Krystal. Medyo nanibago pa ko when he addresses Krystal as Victoria. Lalo akong nafrustrate dahil nun ko lang narealize na hindi ko pa talaga ganun kakilala yung nanay ng magiging anak ko.
"That's fine with me. Kukuha nalang po ako ng wedding coordinator para mapabilis lahat. Maybe 2 weeks from now we can have our wedding already." nagmamadali kong sabi sakanila. Di ko na talaga kaya, i need to see her.
"Nagmamadali ka hijo?" kunot-noong tanong sakin ni Papa.
"I need to checked on Krystal, she's not feeling well kanina baka po maaksidente sya, so i really need to assist her. Excuse me." saka ako tumayo at naglakad papunta sa kwarto ni Krystal.
"I'm ok Stefano. Everything's settled now. Maybe you should help me finding the best gown in town, no, you must help me. What friends are for?!" then i laughed seductively.
Disclaimer: Stefano's gay, ok?
| Of course, yes. Uhmm. | then he paused.
| Kria, i need to tell you something. | nag-aalangan nyang sabi sakin.
"What is it?" tanong ko sakanya habang nagboblow dry ng buhok ko.
| Nagpunta dito sa agency si Julio kanina, hinahanap ka nya! Di mo pa ba sinasabi sakanya? Por Dios Por Santo Krystal Victoria! | histerikal na sabi nya sakin.
Nabura yung malaki kong ngiti kanina. I'm out of words now, seriously.
Then suddenly, i heard a soft knocked on my door. And a greek god went it. Bigla tuloy bumalik yung ngisi ko.
"I'll talk to you later Stefano." may sinasabi pa sya sakin pero pinindot ko na yung end button nung phone ko.
"Sino yun?" kunot noong tanong sakin ni Gino.
"Ah! Si Stefano, friend ko." sabi ko sakanya.
Mukha namang naniwala sya agad sakin. Base na rin sa pagtango tango nya.
Humarap na ulit ako sa salamin at pinagpatuloy ang pagboblow dry ng buhok ko. I smiled at his reflection in the mirror. Nakita ko naman na lumapit sya hanggang makarating sya sa likuran ko.
"How are you feeling now? Di ka na ba naliliyo?" he asked. So he's really concerned, with me? Or with the baby? Whatever.
"I'm fine now. Kailangan ko lang pala iligo." then i chuckled.
Nakita ko naman na nakahinga sya ng maluwag sa sinabi ko.
"Akin na nga yan." sabay kuha nya sa blower na hawak ko saka in-off.
Kumunot naman yung noo ko sa ginawa nya. Ngumiti naman sya. Baliw? Adik? O naka-high? Yung totoo?!
"Kung hindi ka rin naman nagmamadali, mas magandang patuyuin mo yung buhok mo in natural way." sabi nya sakin habang kinuha yung towel na nakasampay sa gilid ko.
"Halika nga dito." saka nya ko hinarap sakanya para punasan yung buhok ko.
Kaya ayan, nakatapat tuloy yung fez ko sa abs nya. Enebenemenyen! Hehe.. Namamanyak tuloy ako. Pumikit na ko, kailangan ko ng distraction!
"Uhmm.. Gino... Slumbook ka ba?!" napakagat ako sa labi ko nung nasabi ko yun. Syet. Ano daw?!
"Huh?! Baket?!" then he laughed softly.
"Eh kase i want to know more about you eh." mahina kong sagot habang ipinikit ng mariin ang mga mata ko. Ang corny nun sh't.
Narinig kong tumawa uli sya ng mahina habang pinapatuyo pa rin yung buhok.
"Eh si Kris Aquino ka ba?" tanong nya sakin.
"Pfft.." muntik na kong bumunghalit ng tawa sa sinabi nya.
"B-Baket?" nauutal kong tanong sakanya dahil sa pagpipigil ng pagtawa ko.
"Kase may tama ka." then ginaya pa nya yung way ng pagsasalita ni Kris.
Para kong time bomb na sumabog. Di ko na talaga napigilan. I laughed my heart out.
Sa sobrang pagtawa ko naramdaman kong sumakit yung tyan ko kaya naman napahawak ako agad dito.
"Ah.. A-aww.. Ouch.." nakakunot noong daing ko.
"Are you ok? Anung nararamdaman mo?" panic na tanong sakin ni Gino.
"Ang sakit ng tyan ko." sagot ko sakanya.
Sukat nun ay lumuhod sya sa harapan ko.
"Let me see." saka nya tinaas yung summer dress ko at hinaplos yung tyan ko.
Napasinghap ako sa ginawa nya habang seryoso naman sya ineeksamin yung tyan ko.
"Nagcontract lang yung muscle mo sa tyan dahil sa sobrang pagtawa. Pero ok lang yan, that's normal. But don't laugh hard again next time, alright?" paliwanag nya sakin habang nakahawak pa rin sa tyan ko.
Feeling ko tuloy kulay kamatis na yung buong mukha ko. Naka-panty lang ako for Pete's sake! Wala pa ba syang balak ibaba yung dress ko?!
Nakita siguro ni Gino yung pamumula ko kaya yung pisngi ko naman yung hinawakan nya.
"Ahh.. Ehh.. A-Ano..." sabay tayo ko tsaka pasimpleng baba nung dress ko.
"Ok ka lang ba?" nagtataka nyang tanong sakin.
"O-Oo naman. Alam mo, kailangan natin ng slumbook! Tara. Bili tayo!" saka ko na sya hinila palabas nung kwarto ko.
"Ano? Slumbook? Aanhin natin yun?!" tanong nya sakin.
Nilingon ko naman sya saka tinaas yung mga kilay ko.
"May parada bukas, qualified kang kasama." nakangisi kong sabi sakanya.
"What are you talking about? Ganyan ba talaga yung mga buntis? Weird?!" tapos tumingin pa sya sa taas na parang nandun yung kasagutan.
"Parada ng mga bingi at stupid. Psh." bulong ko.
"Anong binubulong mo dyan?!" kunot-noong tanong nya sakin.
"Wala. Wala." saka ko na sya hinila ule.
Nung makarating na kami sa baba ay nag-uusap pa rin yung mga parents namin. Looks like they're having fun with each other.
"Tara. Papakilala muna kita kay Mama at Papa, di pa kita napapakilala ng pormal." then sya naman yung humila sakin.
Bigla naman kumabog yung dibdib ko sa sinabi nya. Shocks! Pano nalang kapag di nila ko nagustuhan?
"Ma.. Pa.. Tito.. Tita.." agaw atensyon nya sa mga parents namin.
"Ma.. Pa.. This is Krystal, my fiancee. Krystal.. My parents." pagpapakilala nya sakin sa parents nya.
Lumapit naman ako para ibeso sila.
"Nice to meet you po. Tita.. Tito.." then i smiled sweetly.
"Nice to meet you din hija. You're so pretty! Parang blessing in disguise talaga yung hindi pagpayag ni Candice sa proposal nitong si Gino! See? May dadating palang mas deserving sakanya! I'm so happy for the both of you." then she hugged me.
"T-Thank you po." nahihiya kong sabi sa Mama ni Gino, sinilip ko naman sa Gino sa gilid ko na biglang dumilim ang aura.
"Ahm.. Aalis po sana kami ni Gino eh. May bibilin lang po kame." paalam ko sakanila.
"Oh. Sure hija.. Ano bang bibilin nyo?" tanong nung Papa ni Gino.
"Slumbook po." nakangiti kong sagot sakanila.
BBM: ANG HIRAP! HAHAHA. Pengeng laptop! Hirap magtype sa cellphone! May dalawa kong midterm ng wednesday so baka thursday na uli yung next update. Wala namang nagmamadali diba? Hahahaha. Pilit lang to. Halata naman. Ciao! :)
BINABASA MO ANG
Marry Me Or Marry Me?! *FIRST-HALF COMPLETED*
HumorEvery girl's dream is to have a perfect wedding with their perfect prince. And every man's dream is to have a big YES to their princess when they proposed. What if two souls didn't get what they want and Mr. Cupid made his way to make this two souls...