KABANATA 19
WE’LL GOING BACK TO THE START
Sandali pa kaming nagkwentuhan ni Dada bago sya bumaba, kakausapin pa raw nya sila Mommy. Ayaw ko pa nga syang paalisin e, pero sabi nya kailangan ko pa raw magpahinga para may lakas ako mamaya. Wala na rin akong nagawa. Haaaay.
Nakipagtitigan naman uli ako sa kisame nung kwarto ko nung umalis si Dada. Ayaw ko mang mag-flashback pero hinihingi ng pagkakataon kaya naman ilang sandali pa ay natagpuan ko na lang ang sarili kong inaalala yung nangyari nung gabing YON. Kung saan wala akong pakundangang nakipagHALIKAN kay Gino sa harap ng mga balasubas kong mga kaibigan.
Nauuna akong maglakad kay Gino kasi ang awkward pa rin nung atmosphere na nakapalibot saming dalawa! Haaayy.. ginulo ko yung buhok ko dahil sa frustration.
“Ok ka lang ba?” nag-aalalang tanong sakin ni Gino habang hawak hawak yung braso ko. Napatingin ako dun kaya naman nung narealize nya na nakahawak sya sakin agad agad nyang tinanggal yon. Para naman akong tangang may naramdamang panghihinayang. Pusa ko po! Ano bang nagyayari sakin?
“Ahh.. ehh.. O-Ok lang ako.” Ikinunot ko ng todo yung noo ko. So kailangan talaga mag-stammer Kria?!
Humugot ako ng isang napakalalim na hininga saka ko tiningnan si Gino.
“Gino.. look.. sorry sa ginawa ko kanina. Alam kong naging mapangahas ako. I-Im sorry.” Yumuko ako pagkatapos manghingi ng sorry sa kanya.
Napaangat naman yung ulo kung narinig ko syang tumawa ng mahina.
“So yun pala yung iniisip mo kanina pa kaya ka tahimik?” nakangisi nyang tanong sa akin.
Inirapan ko naman sya. “Malamang.” Saka na ko uli tumalikod sa kanya. nagawang pa kong ngisihan? WTF!
“Wait up Krystal!” saka nya uli ako hinigit sa braso ko. Idinikit nya yung noo nya sa noo ko. Uhh. Ohh.. eto na naman yung paghinto ng mundo ko.
Pumikit ako para hindi ko sya makita. Whoo.. breathe Kria.. kaya mo ‘to! Whoo..
“Don’t be sorry dahil hinalikan mo ako sa harap ng mga kaibigan mo. That’s your privilege you know, being my future wife, you have all the right to kiss me anywhere and anytime you want.” Saka sya tumawa. Unti unti ko namang binuksan yung mata ko saka ko sya nginitian.
I encircle my arms over his nape and push myself more to him. Gusto mong maglaro Gino ha. Maglaro tayo.
“Talaga?!” I asked him seductively. Nakita ko naman ang pagdaan ng nalilitong ekspresyon sa mata nya pero napalitan agad yun ng mapaglarong kisap ng mata nya.
“Wanna try me?” MAS mapang-akit na tanong nya sakin. SHT. Di ako dapat patalo. Try me. Try me. Bakit ba lagi na lang nyang line yun?!
I smirked at him. “Wala ng bawian yan ha?!”
“Ang dami mo pang sinasabi Krystal, just show what you’ve got..” mahina nyang bulong.
Pumikit ako ng mariin at inihanda ko na yung sarili ko para halikan sya. Whatevs Kria. Alam ko namang gusto mo to kaya wag ka ng magpatumpik tumpik pa. unti unti kong inilapit yung mukha ko sa kanya. nararamdaman ko na rin yung hininga nya na humahalik sa pisngi ko.then,just when I’m about to touch his lips….
KRIIINNGGG..
Napahinto naman ako agad saka madaling kumalas sa kanya.
Medyo naiiritang tiningnan nya kung sino yung tumatawag sa kanya pero nagbago rin agad yung ekspresyon nya nung sinagot nya yung phone nya.
BINABASA MO ANG
Marry Me Or Marry Me?! *FIRST-HALF COMPLETED*
MizahEvery girl's dream is to have a perfect wedding with their perfect prince. And every man's dream is to have a big YES to their princess when they proposed. What if two souls didn't get what they want and Mr. Cupid made his way to make this two souls...