CHAPTER 6

27 1 0
                                    


"Jinri Loyzaga"

Yes pasado na ako!!!!!!Yayaman na ako!

Pinapasok kami sa room at kinausap kung kelan ang start blah blah blah. Marami sinabi samin yung babae at wala na akong maintindihan. Pagkatapos nun ay pinalabas na kami syempre ako naglakwatsa muna sayang pamasahe ko noh kaya naglakad lakad muna ako upang mamasyal kahit malapit ng dumilim matagal narin kasi akong hindi nakakapamasyal dahil tutok ako sa trabaho. Dinala ako ng aking mga paa sa isang park, kitang kita ko na ang saya-saya ng mga taong nandito at isa pa, buo silang pamilya. Nangiti nalang ako at napabuntong hininga, alam ko sa sarili ko na hinding hindi na muli mangyayari yun.

'Sometimes you have to fall down and endure the pain coz' no one will understand the feeling inside you'

Next Day....

"Rin mukha ka ng menopause"

Ganun na ba talaga ako kapanget?

"Anyare sayo gurl?"

Tao parin naman ata ako.

"Pumanget ka na first day mo pa lang maglipstick ka nga."

Baka hindi lang ako sanay.

Sige Rin lokohin mo pa ang sarili mo. Gaga ka inaalipin ka lang nila dito. Gigil na gigil ako sa basong hawak ko ngayon kasama ko ang mga kaoffice mate ko kasi break namin ngayon.
Pumasok ako ng maaga at magandang maganda pero ngayon para akong ginahasa dahil hindi pa ako nakakapagpolbo simula kanina. GRABE SILA!!.

'Rin pigilan mo ang sarili mo!' Konsensya No.1

'Rin murahin mo sila at huwag kang magpapaapi' konsensya No.2

'Masama yun Rin kailangan mo ng trabaho' konsensya No.1

'Diba ayaw mong.....' konsensya No.2

"TAMA NA!!!"

Bigla na lamang akong napasigaw punyenta naman oh!

"Hoy girl manahimik ka nga paparating na si Mr. Lix"

"WALA AKONG PAKI SA SIR LIX NA YAN HA!"

"Gaga gurl parating na sya"

Paparating na nga siya si Mr. Lee so iisa lang sila so antanga ko pala. Patay na ako neto. Yumuko ako sa baso na iniinom ko isipin niyo nalang kung paano ko naawa yun.

"Sinong sumigaw?"

Sa tono palang galit na siya alam ko.

"Ahhmmm si"

Oh guys please wag kayong ganyan.

"Sasabihin niyo o ipa-fire ko kayong lahat? At ikaw huwag kang yuyuko yuko kapag kinakausap kita"

Ako yung tinutukoy niya dun so iniangat ko ang ulo ko at tumayo.

"Sorry po sir ako po iyon, pasensya na po"

Nabawasan na naman ang pride ko 97% nalang. Hindi ko naman kasi alam na iisa lang pala sila sorry naman hindi ako nainform.

"Go to my office now, you have a lot of work to do"

"Patay ka na talaga Bes"

"Illana tinatakot mo siya gurl pero dapat ka lang matakot gurl kasi baka bangkay ka nalang paglabas mo"

Kinabahan ako sa sinabi ni Mikaela samantalang si Merck ayun kain lang ng kain payat. Sumunod ako sa pupuntahan ni sir kasi hindi ko talaga saulo itong lugar na toh feeling ko palasyo ito at ako ang reyna at siya.....ay di bale nalang. Ang ganda talaga ng kisame dito bawat floor iba ang design.

"Aray!"

Muntik na akong matumba ng mauntog ako sa likod ni sir pero hindi niya ako sinalo tulad ng napapanood ninyo hindi ko lang napansin na sobrang lapit ko na pala sa kanya at nadistract ako sa kisame. Napatingin nalang siya sa akin pero walang emosyon. Pumasok kami sa elevator kasi nasa taas pa ang office niya

"Sorry po sir"

Mahinhin kong sabi pero kunware lang plastikan toh mga pre.

"Para saang kasalanan yang sorry mong yan"

Aww! Parang andami dami ko ng kasalanan sa kanya, sabagay madami na nga pala.

"Masyado po ng marami, gusto niyo po bang dagdagan ko pa?"

Pamimilosopo ko sa kanya na parang ikinairita pa niya. Itinaas niya bigla ang kanyang kamay na parang mananapak kaya naman napapikit nalang ako.

"Aishh! Wag mo akong sinasagot ng pabara"

"Wag ka po kasing magtanong ng patanga"

Itinaas ko ang ulo ko kaya medyo malapit na kami sa isa't isa. Napatingin ako sa mata niya at ganun din siya sa akin. So sobrang awkward talaga. Feeling ko kinakabahan ako kasi ang bilis ng palpate ng puso ko at para akong nakukuryente sa titig niya kanina.

"Good girl ka lang ha"

Pinat nya yung ulo ko gamit yung kamay niyang nakataas kanina para mawala yung awkwardness. Hay! Umayos ka Rin nandito ka para sa trabaho hindi para sa puso.

"Ting"

Lumabas na kami ng elevator at pumasok

Unbranded HeartWhere stories live. Discover now