CHAPTER 11

26 1 0
                                    

Ang gara naman neto para siyang pangcouple na resto o pang family reunion kasi ang sosyal at yung mga pagkain ang sarap tingnan at yung mga tao halatang sosyal at mga milyonaryo pero bakit may bata? Parang grade 6 student din katulad ng kapatid ko, kulot din katulad ng kapatid ko, kaso bakit may kasamang matanda? Baka tatay niya yun. Teka lang, tiningnan kong maigi yung bata hanggang sa naalala ko, "Ate i'm hungry, Hindi pa ba tayo kakain?" Tinitigan kong mabuti yung bata hanggang humarap mukha na nga akong tanga dito e at yung bata tuwang tuwa pati narin yung lalaking kasama niya na hindi makita ang mukha kasi nakatalikod. May pinulot yung lalaki parang napkin ata tapos juskopo!!! Nanlaki ang mata ko kasi si Audrey kumakain kasama yung lalaking yun.

"Audrey?"

Agad akong pumasok sa loob at pumunta sa kinauupuan niya. Napansin niya naman ako at nagulat din.

"Ate?"

"Oo, ate mo ko! AT SAN KA BA NAGSUSUSUOT AT BIGLA KA NALANG NAWALA, HINDI MO BA ALAM NA HALOS MALOKA NA AKO KAKAHANAP SAYO, PANO KUNG MAWALA KA, AT SUMASAMA  KA PA SA TAONG DI MO KILALA, PAANO KUNG ANUNG GAWIN NILA SAYO MARAMING MASAMANG TAO NGAYON AT HALANG ANG KALULUWA. GUSTO MO BA KONG MAMATAY SA PAG-AALALA SAYO? juskonaman Audrey"

NapaFace palm nalang ako at namumula na ako sa galit.

"Halika umuwi na tayo"

Iniabot ko ang kamay ko sa kanya kaya tumayo na siya sa kinauupuan niya. Humarap ako sa lalaki at yumuko.

"Pasensya na po kayo, naabala pa po ang pagkain niyo. Hindi na po mauulit."

Teka parang kilala ko ito muli kong tiningnan yung lalaki para sure akong siya nga at confirmed siya nga. Bull's eye. Bingong bingo na ako. Lintik is layf.

"Sir sorry po! Sorry po! Sorry po! Sir"

Paulit ulit akong yumuko at nagsorry.

"Okay na,wag ka na magsorry at tinulungan ko lang naman yang kapatid mo kasi gutom na daw siya pero plano din namin na hanapin ka."

"Magkakilala kayo kuya Cal?"

Makakuya naman itong kapatid ko feeling close teh?Humarap ako sa kanya at umupo na magkalevel kami upang magpaliwanag ng mahina.

"Drey siya yung boss ko okay? Siya ang may-ari ng magazine company na pinapasukan ko kaya nakakahiya talaga itong ginawa mo"

Gigil na gigil kong sabi sa kanya pero hininaan ko para hindi marinig ni sir.

"Ate siya ba yung kinikwento mong nagpapahirap sayo?"

Bumulong din siya gaya ng ginawa ko.

"Oo kaya manihik ka dyan okay?"

"Pero sabi mo, panget siya tsaka meron siyang sungay kasi masama siya? Hindi naman ah ang hot niya nga at ang gentlemen pa"

Tas parang kinikilig kilig ang loka.

"May pa-hot hot ka pa san mo natutunan yan?"

Para kaming tangang dalawa na naguusap ng bulungan dito sa tabi ng mesa.

"Hmmm."

Tumikhim si sir at signal iyon kasi papansin siya. Joke lang. Haha letche bakit ko binabawi. Basta. So tumayo na ako at humarap sabag ngiti.

"Tapos na ba kayo magbulungan diyan?"

Pero parang ang cold ng drama niya ngayon samantalang kanina ang saya-saya nila ng kapatid ko.

"Sir uuwi na po kami baka nakakaisturbo na kami tsaka salamat po ulit"

Pride=94% . Bumababa ang rate ko anu bang nangyayari sa akin. Dati sa mga ganitong instances nakakapagsungit pa ako pero pag dating sa kanya hindi ko magawa ng bigla bigla kasi siguro dahil masyado siyang mabait.

"Hindi pa kayo nakakakain diba? tapusin niyo na yan sayang naman, bawal tumanggi sa grasya"

Baka naman nagbabait-baitan lang ito pakitang-tae. Kasi maraming tao dito pero pag kaming dalawa grabe niya ako apihin. Medyo kinilig ako dun sa 'kaming dalawa' malandi ako eh.

"Hindi na..."

"Upo na ate alam kong gusto mo narin kumain at hindi ka pa nakakain sa ganitong resto"

Nakaupo na siya at nilalantakan niya na yung ice cream pati ako nalalaway na rin

"Hindi noh! Nakakain na ako sa ganitong resto"

Anung hindi pa? Kami dati nina mommy at daddy pati si ate laging kumakain sa ganitong resto, kung alam mo lang na ang yaman natin dati. Kung hindi lang dahil sa kapatid nating bruha.

"Talaga? Kelan?"

"Matagal na"

"Naku ate wag mo nang isalba yang pride mo, isalba mo yang tyan mong walang laman"

Abat itong batang to matapos ako pahirapan gaganituhin lang ako, ngiting-ngiti naman si sir.

Unbranded HeartWhere stories live. Discover now