CHAPTER 19

20 1 0
                                    

Katulad na katulad iyon ng coffee na nakapatong sa table ko hinawakan niya iyon at itinaas. Out of my curiousity tinanong ko si Calix.

"Sir yung kape..."

Bigla niyang naitapon yung kape kaya nadumihan ang damit niya at biglang napatayo sa gulat. Lumapit ako sa kanya at pinahidan yung stain sa damit niya ng tissue.

"sorry po sir, sorry talaga, hindi ko po sinasadya"

Tuloy parin ako sa pagpunas ng mantsa niya at ang pinagtataka ko lang hindi siya nagalit at hindi niya ko pinigilan na hawakan siya. Tinitiknan niya ako sa mukha habang ako naman nagpupunas ng damit niya. Nakakailang pero masarap sa feeling, i can feel the love. Napangiti ako at wala akong paki kung halatang kinikilig ako. Babae ako e, mahina ang puso ko.

"WHAT IS HAPPENING HERE! AHHHHHH!"

Napatingin kami pareho sa nagsalita, ayy may clown si Calix sinong may birthday? Nasa edad 40 na siya at naka all red attire pa, ang kapal pa ng lipstick.

"Ereda!"

Tapos lumapit si sir at nakipagbeso yung babae samantalang ako naiwan dun nakatayo at nabalewala.

"Who's she?"

Tanong nung babae, alam kong ako ang tinutukoy niya.

"One of my employee"

Employee kalang wag ng mag-assume.

"Why are flirting with her"

Ako flirt, tarantadong babae to ahh. Sumingit na ako sa usapan nila.

"Ako? Flirt? Excuse me mam hindi ako nakikipaglandian kaya mana....."

"Shut it! Loyzaga"

Sigaw ni Calix kaya natigilan ako sa aking aasabihin. Sinigawan niya ako at hindi ako makapaniwala dun.

"Excuse me"

sabi ko at lumabas na. Bakit ang sakit pakinggan na parang balewala ka lang sa kanya. Ganito ba talaga kapag nagmamahal kailangan big deal ang lahat? Nasasaktan na ko ah.

Bumalik na ako sa desk ko. Parang tinutusok ang dibdib ko. Sobrang sakit, bakit ganun. Akala ko magiging masaya lang ako kapag nagmahal ako e bakit ganito mas nangingibabaw pa yung lungkot.

"Uyy guys alam niyo na ba? Nandito si Ms. Erida Candelario yung may-ari ng VELPO Company"

Si Ereda yung clown? Siya ang may-ari ng VELPO? Ang walang hiyang yun. Halos punitin ko na itong papel na pinapirmahan ko kay sir kani-kanina lang. Dahil sa kanya sinigawan ako ni Calix, dudokdukin ko siya.

"Teka sino ba yun?"

Tanong ni Mikaela na Newbie din katulad ko.

"Siya yung isa sa shareholder ng LINEXX Group of Companies, isa siya sa may pinakamalaking share"

Sabi ni Richard.

"At alam niyo ba ito ang chika, may relasyon daw sila ni Sir Lix kasi madalas yun dati pumunta dito at dinadalaw si sir"

Chismis naman ni Emily, medyo hurt yun.

"Talaga?"

Kunware di affected.

"Yun ang sabi nila"

At kibit-balikat nalang si Emily

"Ang tanda tanda na nun hindi sila bagay 24 tas 42 opposite ang edad nila hindi pwede."

Sabi naman ni Illiana

"But remember opposite attracts,hahahhaha"

"Age doesn't matter kapag love na ang pinaguusapan,hahhhahah"

Nakitawa nalang ako kahit medyo masikip ang dibdib ko, hindi ko na kaya ang naririnig ko at nararamdaman ko kaya pumunta muna ako sa rest room. Naghilamos ako at tinitigan ang sarili ko. Sobrang plain ko, walang kaayos-ayos nakaslacks ako at long sleeve at nakahills. Hindi ba ako kamahal-mahal? Biglang tanong ko sa sarili ko.

Pumasok naman si Merck at nginitian ko lang siya ng isang matipid na ngiti.

"Anung problema Rin?"

"Wala naman"

Kahit meron naman talaga.

"You're not good at lying"

"Sobrang obvious ba?"

"Nakakapagod pala noh?"

"Yung anu?"

"Yung ganito, one sided"

Hindi na siya sumagot at naghilamos din at nagpunas ng panyo.

"Are you free tommorow? Lunch tayo sa labas"

"Okay"

Umuwi na ako at medyo masakit si puso, ako kasi si tanga paasa-asa pa ayan napala.

Kumakain lang kami ni Rin pero tahimik lang ako.

"May problem ka ba ate?"

"Bat ang tahimik mo?"

"Pagod lang siguro ako"

"Sinungaling ka ate hindi ako naniniwala,hindi ka magaling magsinungaling noh"

My sister knows me very well than myself.

"So, what is it? Pera?"

"Nah"

"Puso?"

Napatingin ako sa kanya pero hindi ako umiimik.
At tulong lang ako sa pagkain.

"Sino siya ate?"

"Kahit sabihin ko sayo hindi mo ko maiintindihan, masyado ka pang bata para sa mga ganitong bagay"





Unbranded HeartWhere stories live. Discover now