CHAPTER 10

27 1 0
                                    

"Hi ate!"

Tinulak ko yung mukha niya palayo kasi ang aga-aga e.

"Ate! Gising na!"

"Hmmm"

"Sunday ngayon, Time for Him at bonding time natin to, kaya gising na!"

"Pwede bang bukas nalang"

"Hindi pwede"

Medyo bumaba yung tono niya na parang nalungkot. Naku nagpapa-awa na naman ito e. Minulat ko yung isa kong mata para silipin siya at ayun nakabusangot ang bata at bihis na bihis na.

"May magagawa pa ba ko?"

"HHAHAHAHAHAHAHA"

Lakas ng trip ng batang ito. Naligo na ako at nagbihis pangsimba.

Pagkatapos ng misa ay nagsilabasan na ang lahat
"Ate bilhan mo ko ng cotton candy!"

"Saan ba?"

"Ayun oh!"

Tumingin ako sa direksyon na itinuturo niya pero iba ang nakit ko. Siya nga! Ang ate ko, nagkatinginan kami alam kong nakikilala parin niya ko ngunit katulad ng dati hindi niya kami pinapansin. Mayaman na siya ngayon, sana lang maging maayos na ang lahat.

"Ate kilala mo ba yun?"

"Ang ganda ng kotse niya noh? Balang araw makakasakay din tayo diyan."

"Magjejeep nalang tayo kesa sumakay dun"

"Ate naman"

"Tara na magmall nalang tayo"

"Sige"

Tuwang-tuwa naman ng makarinig ng mall. It been two months na hindi kami nagbobonding, i really miss this moment. I'm so glad at nagkaroon ako ng kapatid, blessed ako at alam kong kayo rin kahit minsan parang isusumpa niyo na sila sa kakulitan. Nabasag ang pantasya ko ng makarinig ako malakas ng kalabog at nakita ko ang kapatid ko na umiiyak.

"What the hell just happened?"

Ume-english ang lola mo!

"Ate"

Niyakap niya ako habang umiiyak, napatingin na lamang ako sa basag na picture frame na sigurado akong nabasag niya. Patay na ko, pano ko babayaran ito. Kakasabi ko lang diba na minsan parang gusto na natin silang isumpa dahil sa kakulitan, and this is what i'm talkin' about.

"Mam kailangan niyo pong bayaran yan"

"Magkano po ba yan?"

Tanong ko sa kanya at nagsign of the cross muna ako at tinawag ang mga santo pati narin sina iron man total billionaire naman si Mr. Stark.

"1, 499 po"

Tarantadong price yan may potal pa talaga, nahiya pa sila maglagay ng piso. Pasalamat nalang kami at may dala akong pera para sana pang shopping namin kaso mukhang maibabayad pa namin sa frame na ito. Nakakapanlumo.

Binayaran ko na nga at umalis na kami kaso parang nagbabaldahan na yung mga bulate ko sa dyan at wala naman ming pera. Mga ilang oras na kaming naglalakad at paikot ikot dito sa SM at picture ng picture. Anyways kahit ganito kami kahirap updated to tol, add nyo ko sa facebook mga besh at follow sa twitter at idamay niyo nadin ang ig ko, di na nahiya si author noh. Nakakadiri ka author ews! peymur ka! Bakit ka ganyan?. (Eh kung patayin na kita sa eksenang ito?) Okay naman kami ni author masaya kami together, happy. Tama na commercial.

"Ate i'm hungry? Hindi pa ba tayo kakain"

"Kanina sana oo, pero ngayon hindi na!"

"Pero mahihimatay na ako sa gutom"

"Edi magpaparty tayo, ice cream na maraming flavor"

"Talaga?"

"At siyempre joke yun, support mo ko"

Naglakad na ako upang di na siya mangulit samantalang nasa likuran ko lang si Audrey.

"Audrey tara umuwi nalang tayo at sa bahay nalang tayo kumain"

Yaya ko sa kanya pero di siya sumasagot siguro gutom narin yun. Tumingin ako sa likuran ko para i-che...

"AUDREY!!!!"

Nasan na siya??? Kanina nandito lang yun aa likuran ko tapos ngayon nawawala na??

"AUDREY!!!! AUDREY!!"

Bumalik ako sa dinaanan namin kanina pero wala siya nasan na kaya yun. Audrey naman wag mo naman akong pahirapan ng ganito, magpakita ka na. Sana lang walang masamang nangyari sa kanya hindi ko talaga kakayanin yun.

Patuloy parin ako sa paghahanap, nagtanong na ako sa guard at nagpatulong sa paghahanap sa kanya, pinasok ko na mga fast food chain medyo marami kasing tao ngayon kasi sunday e. Pati hardware, botique at lahat-lahat na.

Medyo nagpahinga muna ako at mag 4:30 narin ng hapon ngayon. Pawis na pawis na ako at gusto ko ng umiyak at maglupasay dun sa pwesto ko kaso nakakahiya baka mapagkamalan pa akong baliw pero although malapit na talaga akong mabaliw kaya please Audrey magpakita ka na.

Nakaagaw ng atensyon ko ang isang resto na pangmayaman





Unbranded HeartWhere stories live. Discover now