CHAPTER 18

19 1 0
                                    



"Jirin Hilary Loyzaga, go to Mr. Lee's office now"

"Uyy anung ginawa mo Rin?"

Nagtataka din ako gaya ng iba, anu nga bang ginawa ko? Tapos narin yung trabaho ko sa kanya dun sa paper. Anu na naman kaya this time?

Kumatok ako at pumasok sa loob at nakita ko si nakaupo at may binabasa pero di man lang siya tumingin sa  akin nakakainis na talaga siya. Gusto ko pa naman tingnan niya ako, kashe kinikilig ako.

"Sir bakit po?"

"Kayo na ba ni Merck?"

Wag ka namang magselos wala naman kasing kami, ikaw lang ang bebe ko. Pakipot muna tayo ng konti pahard to get.

"Anu naman sayo sir kung kami o hindi?"

Hinuhuli ko lang siya para umamin na siya sa akin kasi GOLDEN RULE NI JIRIN: PAKIPOT MUNA BAGO MAGPALANDI. ews

"Wala naman natanong ko lang"

Aww. Para akong binatukan, wala naman palang concern umaasa na naman ako.

"So bakit po ako nandito?"

"Nabasa ko na yung letter ni lil sis"

Wow sir, kapatid mo? Kapatid mo? Parang sila ang magkapatid ah anu ako dito sampid lang?

"At?"

Tanong ko, sasabihin ko sana ay 'pakiaalam ko' medyo harsh naman kung ganun, naiinis lang kasi ako sa kanya kasi ang manhid ng Calixto na toh.

"Aren't you forgetting something?"

Ako may nalimutan? Tiningnan ko ang sarili ko at nakadamit naman ako, kinapa ko ang bulsa ko pero dala ko naman ang cellphone ko.

"Wala naman po"

"Sabi niya dito na nagbilin daw si hmm. Audrey sayo"

Medyo nahihiya niyang sabi ang cute nga niya. Kakainlove baka marape ko to ng wala sa oras. Bilin ba kamo ni Audrey? Nagisip ako ng bongga.

"Ahh naalala ko na sir"

Then nakatingin lang siya na parang may hinihintay.

"Then? Nasan na?"

Yung letter? Hawak na nya diba. Nabulag na ata toh.

"Yan na po sir hawak niyo na"

"No the other message she told you"

What? The other message, eh wala namang other, naputol ang thoughts ko at naalala ko na yung dapat sasabihin ko kay sir na 'I miss you, thank you, i love you na yun'.

"Ahh"

Napakamot nalang ako sa ulo, kasi nakakahiya naman sabihin yun.

"Oh? Anu pang hinihintay po?"

Nakangiti lang siya sakin na para akong maiihi na matatae. Inhale inhale lang Rin wag ka ng mag exhale. Ho! Eto na.

"I miss you"

napatulala siya at natameme, parang nagulat siya sasinasabi ko ngayon.

Namimiss ko na siya, miss na kita Calix.

"Thank You"

Maraming salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin, sa tulong at kabaitan mo.

"I Love You"

Humina ang boses ko at medyo basag sa huling mga salitang lumabas sa bibig ko.

Oo sir mahal kita, mahal na kita, ngayon malinaw na sa akin ang lahat na mahal talaga kita.

Nakatitig lang siya sakin ng puno ng emotion hindi ko alam pero pakiramdam ko may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi. Pakiramdam ko mahal niya din ako.

Unti-unti siyang lumapit sa kinatatayuan ko, pero hindi niya tinatanggal ang titig niya sa akin.

Hinawakan niya ang dalawa kong balikat na parang nangungusap ang kanyang mga mata.

"Do you mean that"

Napalunok ako kasi ang lapit na niya sa akin. Hindi ako makasagot, hindi ko alam ang dapat kong sabihin. Aamin na ba ko? Kasi yun naman talaga ang totoo. Sasabihin kong 'Oo' pero anu namang kapalit nun? Iiwasan niya ko? Tatanggalin sa trabaho? Ipapatapon sa ibang lugar? Pero mas masakit ata yung unang posibleng mangyari.

Pag sinabi kong 'Hindi' alam kong pagsisihan ko ito balang araw. Andami kong pero sa isipan ko. Bawal ko siyang magustuhan kasi mayaman siya at mahirap ako. Hindi kami bagay.

"Yan yung sabi ni Audrey"

Sabay halik sa kanyang kanang pisngi tulad nung sinabi ni Audrey at dali-dali na akong lumabas sa opisina niya at hindi na ko tumingin pabalik dahil sa hiya.

Nakapuntos na ako beh. Kilig si ako beh. Pasapak namn beh.

2 weeks na ang lumipas at tumitindi na ang feelings ko para sa kanya. Yung tipong dadaan lang siya mapapatingin ka na tas bisibisihan kunware. Kapag kinakausap niya ko di ako makatingin sa mata niya.

Nandito ako ngayon sa office niya para sa form ng VELPO Company. Pirma lang siya ng pirma at ako iniikot ko lang yung mata ko sa loob ng opisina niya. Hanggang napunta ito sa desk niya at napansin ko ang isang coffee sa table niya

Unbranded HeartWhere stories live. Discover now