CHAPTER 2

52 1 0
                                    

"Bakit ka nagdadrama ate?"

"Hindi ako nagdadrama.."

Nag-isip muna ako ng palusot kasi mabenta na yung napuwing e.

"...kakagising ko lang kasi tas nahikab ako kaya naluha ako"

"Natulog kang mulat"

"Oo, andami mong tanong. Anu bang nangyari sayo bat ka nabaril?"

Gulat na gulat siya sa tanong ko.

"Ate hindi naman ako nabaril e. Hahaha"

At ako naman ang nagulat sa sinabi niya.

"Ha-ha-ha"

Sarkastiko kong tawa sabay lapit sa kanya at may binatukan ko siya.

"ALAMMO BANG ALALANG-ALALA AKO SAYO AT AKALA KO KUNG NAPANO KA NA! TAPOS TATAWA TAWA KA PA DIYAN. AYUSIN MO YANG TEXT MO."

"OA mo kasi ate e, sabi nung nurse dahil lang daw sa init ng panahon kaya dumugo ang ilong ko, pero okay na daw ako"

"Wag kang magpapaniwala dun sa panget na nurse na yun ha, niloloko ka lang nun"

Pagpapaalala ko sa kanya.

"May regla ka ba ate?"

Natahimik ako sa sinabi niya, actually nireregla ako at may period ako ngayon kaya ganun ko nalang sigawan yung lalaki o lahat ng taong makausap ko. Hard bes.

"Wag ka munang magtanong high blood ako, iniisip ko kung paano ko babayaran yung bill natin dito dahil sa kalokohan mo!"

"Natanggal ka na naman ba sa trabaho?"

"Dun sa dati, oo kasi tinarayan ko yung costumer na hingi ng hingi ng tubig, napakatamad. Pero kakatanggap ko lang ulit sa trabaho."

"Alam kong nahihirapan ka na pagsabayin yung studies mo at work para lang may makain tayo, sana lang makatulong ako."

Ang bata bata pa niya pero mas matured pa siya sakin magisip. Ang hirap ng kalagayan namin ngayon, nagungupahan kaming magkapatid at walang permanenteng trabaho. Wala na kaming magulang patay na sila. Si Mama sa panganganak kay Audrey at si papa naman di kinaya ang pagkawala ni mama. At si ate Nicka hindi kami matanggap bilang kapatid. Hindi alam ni Audrey na may ate pa kami, hindi pa ito ang tamang oras.

"Makakatapos din ako, yayaman din tayo"

Problemado parin ako sa pagbubudget ng pera lalo na kung wala ka namang pera. Hindi pa ako nakakagraduate ng Accountancy losyang na ako di bale 1 month nalang graduate na ko.

(1 week later)

"Kuya, ansharapp  ng fishmall mo"

Habang kumakain ng fishball kinakausap ko yung tindero baka kasi tuluyan na akong mabaliw

"Oo naman ako may gawa niyan e."

Yabang ni kuya e hindi naman talaga masarap yung sauce ang unti-unti at ang liit liit pa. Baka kasi siya masaktan kapag sinabi ko yung totoo.

"Alam mo kuya yung guard diyan sa building na yan, crush ko yun"

Oo, si Klein crush ko siya lagi ko siyang inaabangan, tinititigan sa malayo, kasi sobrang gentlemen niya pinagbubuksan niya ng pinto lahat ng boss niya at nakangiti sana naging pinto nalang ako. Kinikilig ako enebe.

"Sa lahat ng pwedeng magustuhan yan pa? Sa ganda mong yan?"

Aba may masarap na talga ang fishball mo dahil sinabihan mo ako ng maganda. Pero wala siya sa standards ko na may lahi at mayaman. Pero sa ugali. Sapul.

"Mabait naman siya kuya e."

"Kabataan nga naman."

"May problema ka sa kabataan kuya?"

"Abnormal ka na talaga Rin, dun ka na nga, bayaran mo nalang ako kapag yumaman ka na."

Actually utang lang yun, wala pa kasi akong pera. Mabait naman si manong eh kaya ayun libre niya ko araw-araw.

"Goodbye Mang Kulas Salamat sa fishball mong napakasarap. Mwah"

Uuwi na ko at sisilay muna kay bebe kong Klein ng makita ko ang isang magarang kotse na humarang sa napakagandang view. Pusang inihaw lang. Pagkababa nung nasa kotse parang nagslow mo at humangin ng malakas, nagkaroon ng music ang paligid. Isa lang ang lumabas sa bibig ko.

"Papabols"

Tinanggal niya ang salamin niya at nawasak ang pantasya ko. Ang slow mo ay naging fast forward, yung hangin effect naging tornado at yung music naging kaba sa dibdib. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ng makita kong muli ang lalaking papansin na iyon. Ang lalaking nakaaway ko sa restaurant. Tumingin siya sa direksyon ko kaya tumalikod ako upang hindi niya ko makilala. Unti-unti na akong naglakad palayo pero feeling ko sinusundan niya ko kaya tumakbo nalang ako ng mabilis na parang tanga kaya ayon napatid ako at nabitawan ko yung plastik ng fishball.




Unbranded HeartWhere stories live. Discover now