CHAPTER 14

26 1 0
                                    

"Ganun ba kadaling magmahal para sa iyo kahit hindi mo pa gaanong kilala?"

"Kung tungkol dito kay Audrey? She's a sweet kid"

"How about the other way around"

"Like?"

"Sarili mong pananaw sa love?"

Antanga ko beshy ako pa talaga nag open ng topic ah, galing eh. Sarcasm girl.

"Kung ako ang tatanungin oo madali para sa taong madaling magtiwala at ma-fall"

"Tulad ko"

Tumingin siya sa akin pero saglit lang at nagpatuloy.

"kasi mas nakikita nila ang mabuti kaya natatabunan ang masama, mas nangingibabaw yung saya kesa sa lungkot, no buts mo siyang magugustuhan for just the way she is."

Ramdam ko ang titig niya habang binibitawan ang mga linya kaya hindi nalang lumilingon at tinuon ang mata ko sa daan.

"Siguro uto-uto lang kami"

At napabuntong hininga ako sa sinabi ko kasi totoo.

"Paano mo naman nasabi?"

"Kasi nauuto kami ng mga lalaki dahil sa mga gesture, sweet words at kaekekan nila kahit hindi naman totoo"

"What if totoo naman pala?"

"Boys are always boys nature na nilang saktan ang mga babae"

"Hindi lahat ng lalaki intensiyon na saktan kayo, masyado lang kayong sensitive"

"Pustaan lahat ng lalaki nakapagpaiyak na ng babae,lima lima anu kol?

"I don't play bet"

"At lahat ng babae tanga para umiyak sa taong hindi naman talaga sila mahal"

"Lahat ng nagmamahal, nasasaktan"

"Bakit kailangan nating masaktan kung ang dahilan kaya tayo nagmamahal ay para sumaya? Para san pa yun?"

Para sakin useless yun dahil yun ang reason ko, yun ang gusto kong maranasan.

"Para matutuhan mong maging matatag dahil hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan mong umiyak at maging tanga"

"Siguro yun ang way namin para ilabas yung sakit at baka makapatay pa kami ng wala sa oras, tulad ng mga oras na to"

Natigilan nalang siya at natawa ganun din ako, nawala yung awkwardness at parang mas nakilala pa namin ang isa't isa. Ay mali! Ako lang pala, mas nakikilala ko pa siya.

"So nagiisang anak ka lang? Asan parents mo?"

Pag-iiba ko ng topic.

"Nasa London sila at dahil only child naiwan sa akin ang responsibility sa company"

"Umuuwi pa ba sila?"

"Honestly, ako yung pumupunta dun"

"Bakit? Ayaw na ba nila sa bansang Pilinas tahanan ng ating lahi at lipi?"

"Hindi sa ganun, gusto lang nila akong maging independent"

"So kelan sila uuwi?"

"Kapag ikakasal na ko"

Medyo nabingi ako dun ahh. Ikakasal na pala siya,so hindi niya na ako maaanakan. Nalungkot ako bigla para nabroken hearted ako kaya napasimangot nalang ako.

" Uyy bat naksimangot ka na diyan?"

"Ha? Anu yun?"

Bingi-bingihan ang role ko ngayon.

"Nabanggit ko lang yung kasal ko, nalungkot ka na!"

"Hindi no, may naalala lang ako"

Palusot@yahoo.com

"Ahhh sige"

Nakangiti parin siya at parang wala sa itsura yung gagawa ng krimen basta gwapo lang siya at hot kahit aling side.

Nakarating na kami sa pagkahaba-haba ng talk show. Pagkadating namin sa parking area syempre hinanap yung sasakyan, malamang no.

Binuksan niya yung back seat. Ipinauna niya muna akong paupuin saka binuhat niya papasok si Audrey upang iabot sa akin. Dahilan para mahawakan ko ang kamay niya at every seconds na lumalapit siya kinakabahan ako, palapit ng palapit sakin nayayanig ang mundo ko, konting konti nalang at magkakadikit na ang ilong namin. Parang ang pwesto namin, siya ang nakatayo sa pinto ng kotse habang buhat sa harap niya si Audrey at ako ang nakaupo.

My world stops for a moment, My heart stops beating. Alam kong gasgas na yan pero uulitin ko ulit kasi yun ang totoo hindi literal pero nakakaramdam ako ng kakaibang emotion i can feel his breath touching my skin at yung mata niya na nakatitig lang sa akin. We both know kung anung nangyayari pero sa titigan n iyon parang walang gustong bumitaw. Ito yung moment na ayaw ko ng baguhin. Please author wag mo ng baguhin yung eksena. (At dahil kontrabida ako sa buhay mo rin, sorry ka babaguhin ko na)

Ako ang unang umiwas ng tingin kasi parang may mali, parang kaylangan ko na atang magising sa panaginip na ito. Half of me wants to stay the way it is right now, and the other half wants to leave all the memories behind.








Unbranded HeartWhere stories live. Discover now