CHAPTER 10 (REAL ENDING)

4.2K 137 18
                                    

MAXENE’S EYES fired as she looked at the girls flirting around Zeus. Nagmamartsang nagtungo siya sa kumpulan. “Excuse me, excuse me.” aniya habang tinutulak ang mga babaeng nakaharang sa kaniyang dadaanan. Zeus smiled at her when their eyes met. She gave him her sweetest smile.

Hinila niya ito sa kamay. “Sorry to disappoint you girls, babawiin ko na sa inyo ang lalaking mahal ko.”

Wala siyang pakialam kahit na may humila pa sa buhok niya dahil sa ginawa niya. Basta ayaw niyang may mga babaeng dumidikit dito lalo na kung kampon ni Catwoman.

Nakita niya ang gulat sa mga mata ni Zeus. Pero huli na para bawiin ang pagtatapat na ginawa niya. Mukhang kailangan niyang panindigan ang sinabi niya.

Huminto sila sa ilalim ng puno ng Narra na malayo mula sa mga ibang bisita. “You love me?” anito sa manghang boses.

“H-huh? A-ano bang sinabi ko?” Iniwas niya ang mga mata.

“You said you love me.”

“Sinabi ko ‘yon?” Nang lingunin niya ito ay nakangiti ito habang nakatitig sa kaniya. “I missed your smile.” Tinakpan niya ang traydor niyang bibig. Baka wala nang matira sa kaniya kapag hindi pa niya pinigilan iyon.

“You always manage to make me smile. Whatever mood I have.” Nilipad yata lahat ng ngitngit at selos niya sa sinabi nito.

“Kahit hindi mo nakikita. I always smile… for you.”

Natigagal siya. Nakita niya ang sinseridad sa mga mata nito. It was as if he was confessing love to her.

“Max!” Nakita niyang palapit si Sed sa kanila.

“Sed. B-bakit?”

“I just wanted to see my girl. Baka kasi magselos kana sa mga kasama ko.”

“Your girl?” Ang kaninang nakangiting si Zeus ay magkasalubong na ang mga kilay.

“Maxene is my girlfriend now.” Ngali-ngaling ihampas niya ang katabing upuan kay Sed. Girlfriend daw siya nito. Wala man lang siyang kaalam-alam. Tapos na nga ang usapan nilang panliligaw nito ng isang linggo. Ni hindi nga niya ito nakaka-usap nitong nagdaang mga linggo dahil si Zeus ang palaging kasama niya. “Oh well, I have to go, tinatawag na uli nila ako.” He planted a quick kiss on her cheek. “I hope you don’t mind. Faithful naman ako sa’yo eh.” Huli na nang makabawi siya sa pagkabigla. Nakalayo na ang walangya.

“Sa kwarto lang ako.” Nakatalikod na sa kaniya si Zeus. Alam niyang galit ito.

“Sandali, magpapaliwanag ako sa’yo.”

“You don’t have to. Hindi mo naman ako totoong boyfriend. Why bother?”

Hindi siya makapagsalita. Oo nga naman. Hindi naman niya ito boyfriend. Bakit kailangan niyang magpaliwanag? Naiwan siyang naka-upo sa bench sa ilalim ng puno nang umalis si Zeus.

“Max, are you okay?” tanong ni Mitchelle na nakalapit na sa kaniya.

“Mapapatay ko si Sed. ‘Wag na ‘wag na siyang magpapakita sakin.”

NAKAUPO sa tabi ng bintana ng attic si Maxene. That part of the house was creepy. At mikhang wala naring nagpupunta roon dahil maalikabok na. Pero wala siyang pakialam. Kaysa naman sa emotional torture na mararanasan niya sa ibaba. And it was all because of what Sedric said last night.

Ang buwisit na iyon! Kung pwede lang na ito ang i-torture niya. Kaya lang ay tinakasan na siya ng kulugong iyon.

Nakaalis na ito paggising niya. Bumalik na raw ito ng Maynila dahil may kailangan itong asikasuhin. Kaya walang makikinabang sa ngitngit niya.

My Chocolate Princess (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon