CHAPTER 9

4.4K 98 23
                                    

KUMAKAIN ng almusal si Zeus sa garden. Kasama niyang nag-aalmusal sina Maxene, Sedric, Sabrina, Roberto at Adelina sa malawak na hardin. Masayang nagku-kwentuhan ang mga ito habang nakamasid naman siya.

A day before he got there, Sabrina asked him if he wants to have a vacation in Albano Family’s ancestral house. Tatanggi sana siya dahil ang balak niya ay manatili lamang sa bahay ngayong semestral break. But when she mentioned Sedric will be taking Maxene for a vacation there, too, he suddenly had a change of mind. Imagining two weeks without the noisy talkative girl around changed his mind. Just thinking about it made him feel bored and empty. Hindi siguro makokompleto ang araw mga niya kung hindi niya maririnig ang boses nito.

Masokista siguro siya. Alam naman niyang masasaktan lang siya kapag nakita niyang magkasama si Sedric at Maxene pero sumige parin siya. Gusto niyang magngitngit dahil nakikita niya kung paano inaasikaso ni Sedric si Maxene. Nasasaktan siya sa nakikita niya. but still, he kept on looking.

What’s with all the hurting anyway?

I am hurting because I love her. And I’m jealous.

How long was he in denial? 7 years? Or maybe 10? He’s been loving her for a long time. He just didn’t want anyone to know. He didn’t want her to know. He was too scared that she might walk away.

But thinking about the kiss she gave him—or if she did it accidentally—gave him hope. May pag-asa pa siya. Nanliligaw pa lang naman si Sedric. Hindi pa sila. Pwede pang maging kanya ang puso ni Maxene.

“Zeus? Are you with us?” untag sa kaniya ni Sabrina.

“O-oh yeah, may iniisip lang ako.” Tumikhim siya. “What were you saying again?”

He tried to focus on what Sabrina was saying but he kept his eyes on Maxene’s smiling face. The special girl in his life. The reason why he gets up early just to wake her up and see her face more closely. The reason behind his smile despite the tiring day he’s been through. She is the reason for all of that.

Nabanggit ni Roberto na malapit lang ang beach mula sa bahay ng mga ito. Bisikleta ang pinakamadali at pinakamabilis na paraan para marating iyon. Sinubukan niyang pigilan si Maxene para mag-bisikleta dahil alam niyang hindi naman ito marunong. Pero as usual, ipinilit nito ang gusto nito. All he could do was to give in with what she wants.

HUMINGA ng malalim si Maxene bago sumampa sa bike niya. Marunong na siyang mag-bisikleta but she still needed a lot of practice. Kailan palang ksai siya natuto.

Nauna na ang kambal habang naiwan si Zeus sa tabi niya. Tumingin siya sa malayo at nagsimulang pumidal. Maya-maya ay nasa tabi na niya si Zeus. Bahagya niya lang itong nilingon dahil abala siya sa pagba-balanse.

“I didn’t know na marunong ka nang mag-bisikleta.” anito habang nakaagapay parin sa kaniya.

“Tinuruan ako ni Kuya.” sagot niya na nasa daan ang paningin. Sinadya niya talagang hindi ipaalam sa iba noon dahil nahihiya siyang may makaalam na sa edad niyang iyon ay saka pa lamang siya natutong mag-bisikleta.

“You look stiff.”

“Pwede ba, ‘wag mo muna akong kausapin?” Stiff talaga siya dahil hindi niya magawang mag-relax dahil hindi pa siya sanay. Naninigas pa kasi ang mga braso niya dahil sa pagba-balance.

“Bakit naman?”

“Nagko-concentrate ako.”

Matagal itong hindi umimik kaya akala niya ay tatahimik na ito. Pero nagkamali pala siya. “Ang cute mo pala ‘pag nagko-concentrate.”

Cute?! Hindi na niya alam ang sumunod na nangyari dahil sa isang iglap ay nakasubsob na siya sa lupa. Inilaglag siya ng lapastangan niyang bike! Napasinghap siya nang makaramdam ng sakit sa kaniyang tuhod. Iyon ang napapala niya sa katigasan ng ulo niya. dapat ay nagpaiwan nalang siya kagaya ng sinabi ni Zeus.

My Chocolate Princess (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon