CHAPTER 5

3.8K 124 4
                                    

NILAKASAN ni Maxene ang kaniyang loob. Hindi pa siya pwedeng mamatay. Hindi pa siya yumayaman, nagkaka-anak, at higit sa lahat, hindi niya pa napapakasalan si Zeus. Hold that thought! Pakakasalan? Sino? Si Zeus? Nagdedeliryo kana.

“Kung sino ka man po, ‘wag niyo po akong saktan! Bata pa ako! Madami pa akong pangarap! Pangarap ko pang libutin ang buong mundo, at yumaman. Pangarap ko ding makapasa ang nobela ko at mai-publish. Teka, hindi pa pala ako nagsisimulang magsulat. Anyway, Please naman po..” minsan talaga, ‘di ko din maintindihan ang sarili ko. Natatakot na talaga ako sa lagay na ‘yan. Madilim pa at wala pang katao-tao sa paligid kaya wala siyang mahingan ng tulong.

She heard a chuckle. It was a familiar chuckle. Well, it sounded nice. Pwede paki-ulit?

“Ano bang sinasabi mo niyan? Tsaka ano’ng ginagawa mo dito sa ganitong oras?” Si Zeus pala. Kaya pala ang ganda pakinggan ng tawa. “Balak mo bang looban ang bahay namin?”

“N-Nakakainis ka! You scared me. Akala ko mamamatay na ako.” Nawala nga ang kabang nararadaman niya dahil sa takot na niya kanina. Pero ibang kaba naman ang nararamdaman niya ngayon. It was a peculiar feeling yet her heart was getting used to it. Ikaw ba naman ang paulit-ulit na dalawin ng ganoong pakiramdam ay baka masanay narin ang puso mo.

Nakahinga rin naman siya ng maluwag nang malamang si Zeus pala iyon. Ang masama nga lang, kung sino pa ang dahilan kung bakit magulo ang utak niya, ay ang siya pang kasama niya ngayong gusto niya ibalik sa tamang takbo ang nervous system niya.

“Ano bang ginagawa mo dito?” ulit nitong tanong.

“A-Ah.. N-Naligaw lang.” parang timang na sagot niya.

“Naligaw? Your house is just on the other side of the fence. Tapos maliligaw ka pa?” takang tanong nito.

“H-Hihiramin ko lang sana itong si Voltaire para may kasama akong maglakad-lakad.”

“Iistorbohin mo pa ang tulog niya. Ako nalang ang sasama sa’yo.”

“Ah.. Eh..” Huwag po.

“I, o, u. Tara na.” Hinila nito ang kamay niya at naglakad na palabas ng bakuran.

Hawak parin nito ang kamay niya habang naglalakad. Habang siya naman ay humihiling na sana lang ay hindi nito naririnig ang abnormal na pagtibok ng puso niya. Jeez! Bakit ba ganito?

“Maxene.”

“Ha?”                                                             

“Ang tahimik mo.”

“I-Inaantok pa kasi ako.” pagdadahilan niya. Pero ang totoo ay ayaw niya lang magsalita dahil natatakot siyang ibuking siya ng sarili niyang bibig na mahal niya ang lalaking may hawak ng kamay niya ngayon. Mahal? Ayan na nga at inamin niya na sa sariling mahal niya ito. Siguradong mas lalo pang magugulo ang takbo ng nervous system niya nito. Madadamay pa ang pag-function ng puso niya.

Kaya pala mabilis ang tibok ng puso niya. Kaya pala gusto niyang sa kaniya lang ang atensyon nito. Kaya pala nasasaktan at nagseselos siya kapag kasama nito si Sabrina. Kaya pala. Ganito ba talaga ang pag-ibig? Masyadong magulo. Pero masarap sa pakiramdam.

Akalain mo ‘yon? Parang  kanina lang ay nalilito pa siya sa nararamdaman niya. Gan’on lang pala kadali ang sagot. Pero mas mapapadali nga ba talaga ngayong inamin na niya sa sarili na mahal na niya ito?

“Maupo muna tayo.” untag nito sa kaniya. Nakarating na pala sila sa playground ng village nila ng hindi niya namamalayan. Masyadong okupado ang isip niya tungkol sa bagong damdaming ngayon niya lang nalaman at naramdaman. Sa isang swing siya nito hinila para umupo. “Bakit ba ang aga mo nagising ngayon? Wala naman tayong pasok ah?” tanong nito nang makaupo na sila.

My Chocolate Princess (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon