SEMBREAK na nila Maxene. Two weeks away from school at puro pahinga at kain ang aatupagin. Ipinagpaalam siya ni Sedric sa mga magulang niya na isasama siya nito sa ancestral house ng pamilya Albano sa Batangas. She thought it was a good idea para mapahinga naman ang puso niya sa mga stunts na ginagawa nito tuwing nasa malapit si Zeus. Pwede na ngang action star ang puso niya. Tila nakikipagpatintero kasi ito sa bomba ng sakit at tinik sa puso.
Ang korni mo.
At first, her parents hesitated dahil hindi nga kasama si Zeus. But Sedric assured na magiging safe siya. Her parents also trusted Sed but not as much as they did with Zeus. Matagal narin naman itong kilala ng mga magulang niya. Makakasama naman nila doon ang lolo at lola nito.
Humalik siya sa pisngi ng kaniyang Mommy habang inilalabas naman ni Sed ang travelling bag niya. “Pakibantayan mo nalang itong anak namin ha, Sedric? Pagpasensyahan mo narin at may kakulitan kasi ito.” bilin ng Mommy niya.
“Okay lang po. Don’t worry, Tita.” nakangiting sagot ni Sedric.
Binalingan siya ng Mommy niya. “Ikaw ha, magpakabait ka! At wag kang sakit ng ulo.”
“Of course, Mommy. Sa tingin niyo po ba gagawa pa ng kalokohan ‘tong maganda niyong anak?”
“Oo.”
Eksaheradong sumimangot siya. “Mommy naman, adult na nga ako eh!”
“Then act like one.”
Ngumisi siya at nag-peace sign.
“Honey, pabayaan mo na si Maxene. Dalaga na ‘yan. Kahit hindi halata.” wika ng Daddy Nathan niya. Sinimangutan niya ang ama. “Joke lang, baby.” Natatawang sabi nito. Hinalikan niya ito sa pisngi. “Mag-iingat kayo.” bilin nito.
“Aye-aye captain.” nakasaludong sagot niya.
Kumaway pa siya sa mga magulang bago sumakay ng kotse. Nilingon niya ang bahay nina Zeus nang paandarin na ni Sed ang kotse. Hindi kais alam ni Zeus na sasama siya kay Sedric sa bakasyon. Hindi parin kasi niya ito maharap ng maayos pagkatapos ng ‘accidental first kiss’ niya. Dapat siguro ay sinabihan niya ito.
Bakit naman kailangan ko pang magpaalam sa kaniya? Baka i-open niya lang ang tungkol sa paghalik ko sa kaniya kapag nagka-usap kami. Na hindi ko naman sinadya! Pero sa loob-loob niya, naisip niyang mas magiging masaya ang bakasyon niya kung kasama niya ito.
NATANAW NI Maxene ang isang lumang bahay na nakikita niya lang sa mga Spanish films. Papasok na ang kotse ni Sedric sa malaking gate. Hapon na nang makarating sila ng Batangas. The old house looked a set of a horror film. An old house filled with elemental beings and strange creatures. The setting sun gave more horror effect to the house. She loved it. She would surely enjoy this vacation,
Kumunot ang noo niya nang makita ang isang pamilyar na kotseng nakaparada sa malawak na bakuran. It looked like Zeus’ car. “Kaninong kotse ‘yan, Sed?”
“Maybe its Sabrina’s. Nauna siyang umalis sa atin kanina.”
Dalawang nakangiting matanda ang nabungaran nila sa malaking pinto ng lumang bahay. Sinalubong agad ni Sedric ng yakap ang dalawa.
“Abuelo, Abuela, parang hindi man lang kayo tumanda mula nang huli ko kayong nakita.” nakangiting bati ng binata. At hinalikan ang mga ito sa pisngi.
Natawa siya nang kurutin ng matandang babae si Sedric sa tagiliran. “Bolero ka parin.”
“Totoo naman po ah?”
Napalingon sa kaniya ang matandang lalaki. Nakangiting sinipat siya nito. “Sino ba ‘ireng magandang dilag ‘dine?”
Napansing niyang walang accent ng mga Batangueño ang matandang babae. Halata namang Batangueño ang matandang lalaki. What does she expect? Eh sa Batangas nga nakatira ang mga ito.
BINABASA MO ANG
My Chocolate Princess (PUBLISHED UNDER LIB)
Novela Juvenil"Hindi mo narin kailangan matakot na maunahan ka. Dahil noon pa man, ikaw na ang una. Kahit wala kang sabihin, kahit hindi ka magsalita. Loyal sa'yo ang puso ko noon pa man." Zeus Montera is Maxene's legendry 'frienemy'. Her friend, and enemy at the...