©Meloerise
“MAXENE, it’s time to wake up. Male-late na tayo.” Nagising si Maxene sa pagtawag ng isang pamilyar na boses. Iyon ay klase ng boses na masarap sa pandinig niya na tila hinihila siya ulit na matulog ngunit mas gugustuhin niyang gumising nalang para marinig pa iyon. Idinilat niya ang isang mata. “Tumayo ka na.” Nakita niya ang gwapong mukha ng isang lalaking matangos ang ilong at maaamo ang mga mata ngunit nakakunot ang noo. Nanaginip pa ata siya.
“Good morning gwapong Zeus. Sinusundo mo na ba ako para dalhin sa Mt. Olympus ? Mamaya nalang huh? Matutulog muna ulit ako.” Ipinikit na ulit niya ang kanyang mga mata at isiniksik pa ng mabuti ang katawan sa kanyang kama.
“Kapag natulog ka ulit, bubuhatin kita at hindi ako magdadalawang-isip na dalhin ka sa eskwelahan ng naka-pajama lang.” banta nito.
Kinakabahang napabalikwas siya ng bangon. Kapag nagbanta kasi ito ay ginagawa talaga nito kaya mas mabuting sumunod nalang siya kaysa isugal pa ang kahihiyan niya.
“Magbihis ka na. Hihintayin nalang kita sa baba.”
“Okay!” Pupungas-pungas na nag-thumbs up pa siya habang palabas ang lalaki.
Si Zeus iyon. Ang kanyang “frienemy”, Friend kung minsan at enemy madalas. Pareho silang nasa ika-apat na taon sa kolehiyo ngunit magkaiba ang kanilang kurso. Pareho din sila ng Unibersidad na pinapasukan. Matagal nang matalik na magkaibigan ang mga magulang nila kaya naman magkasabay silang lumaki at nagka-isip. Pero hindi katulad ng ibang magkababata, hindi sila matalik na magkaibigan. Magka-iba kasi sila ng hilig at ugali kaya mas madalas ay hindi sila magkasundo. Pero paminsan-minsan naman ay nagkakasundo sila.Siguro mga “once in a blue moon”.
Sinusundo siya nito tuwing umaga at isinasabay siya sa pagpasok. Ayaw kasi siyang ibili ng mga magulang niya ng kotse dahil hindi pa daw siya responsible. Maaga itong nagpupunta sa kanila para gisingin siya dahil kahit anong gawing pang-gigising ng mga kasama niya sa bahay ay hindi epektib. Kahit pa talakan siya ng kaniyang ina o tapatan ng alarm clock sa tenga ay hindi umeepekto. Sa hindi malamang kadahilanan, ito lamang ang tanging tao na nakakagising sa katawang tao niya. Kaya hayun, sinuswerte ang pagkababae sa loob ng katawan niya dahil araw-araw ay ang gwapong mukha nito ang nakikita niya tuwing gumigising sa umaga. Minsan nnga ay iniisip niya kung siya si Sleeping Beauty at ito ang kaniyang prinsipe. Pero napapangiwi lang siya kapag naiisip niya kung gaano ito kasungit.
“I’m ready!!” masiglang sabi niya nang matapos siyang mag-ayos at makababa ng hagdan. Naka-upo sa sala si Zeus kausap ang kanyang ina na si Cherry. Maagang pumapasok ang kanyang ama kaya mga ganoong oras ay wala na ito sa bahay. “Good morning ‘my!”
“Good morning ka diyan. Hindi ka na nagbago. Lagi ka nalang ginigising ni Zeus. Nakakahiya na sa kanya.” sermon ng mommy niya.
Kumuha siya ng kapirasong tinapay at ininom ang tasa ng gatas na nakalaan para sa kanya. “Okay lang po ‘yon ‘my.” Binalingan niya si Zeus. “Diba Zeus?”
“Dahil wala naman akong choice.” Tumayo na ito na hindi man lang pinansin ang pang-aasar niya. “ Tara na.”
Humalik siya sa pisngi ng kanyang ina. “Sige po ‘my.” Binulungan niya ang ina. “Baka magalita na si Haring Zeus, delikado ang Earth.” nakangising biro niya.
“Naku bata ka! Umalis ka na nga.” Tatawa-tawang sinundan niya si Zeus. “Mag-iingat kayo.”
Okay lang naman sa kanya ang sumabay kay Zeus. Malaking tulong nga iyon dahil hindi siya nale-late at tipid pa sa pamasahe. Ang nakakainis lang ay sa araw-araw na ginawa ng Diyos, nakikita niya ang mga babaeng nagfi-flirt dito. Hindi naman sa nagseselos siya. Naiinis lang siyang isiping may mga ka-uri siyang nagpapakababa para lang sa ka-uri ni Adan sukdulan nalang na traydurin pa ang kapwa Eba.
BINABASA MO ANG
My Chocolate Princess (PUBLISHED UNDER LIB)
Teen Fiction"Hindi mo narin kailangan matakot na maunahan ka. Dahil noon pa man, ikaw na ang una. Kahit wala kang sabihin, kahit hindi ka magsalita. Loyal sa'yo ang puso ko noon pa man." Zeus Montera is Maxene's legendry 'frienemy'. Her friend, and enemy at the...