CHAPTER 3

4.5K 121 0
                                    

TAHIMIK LANG si Zeus habang nagbi-biyahe sila papunta ng airport. He had been very bothered by the way Maxene dressed today. He just pretended not to care. Naiinis siyang isiping nagpaganda pa ito para sa pagdating ni Sedric. Nangangamba din siyang baka dumalas na naman ang pagsu-sungit nito sa pagdating ni Sabrina. Hindi kaila sa kanya na ayaw nito kay Sabrina. Lalo na ‘pag ito ang inaasikaso niya

 Napalingon siya dito. Matagal naring panahon iyon at mga bata pa sila noon. Siguro naman ay nagbago narin ito ng pananaw kay Sabrina.

“Wala ka bang napapansin sakin ngayon Zeus?”

“Meron.” Bahagya niya itong sinulyapan. “Tumaba ka at mukha kang puyat ngayon.”

Nakita nyang lalong sumingkit ang mga mata nito at sumimangot. “I really hate you.” anito at itinuon ang tingin sa bintana. Tila ito batang inagawan ng candy sa itsura nito.

He knew she was disappointed. Hinihintay siguro nitong purihin nya ito. But he would never do that. Hell no. Kung nagpaganda lang ito para kay Sedric, wala siyang balak na pansinin ang ganda nito ngayon.

Bata palang sila ay crush niya na si Sabrina. Pero crush lang naman iyon. Mabait kasi ito, maganda at matalino. Pareho pa sila ng hilig at personality. Madalas niya itong kasundo at gusto niya rin itong kasama. Everything goes out fine when he’s with her. Na opposite naman ang nangyayari kapag si Maxene ang kasama niya. Pero alam niya sa sarili niya na mas masaya siya kapag si Maxene ang kasama niya.

Sakto ang pagdating nila sa airport dahil kalalapag palang ng eroplanong sinasakyan ng kambal. Sinalubong nila ito sa arrival area. Kapansin-pansin ang pagbabago ng kambal. Lalo pang gumanda si Sabrina at nagmukhang sopistikada. Lalo din naman gumwapo ang kakambal nito. Napansin niyang nagliwanag ang mukha ni Maxene nang makita nito si Sed. Bigla siyang nakaramdam ng pagka-irita. Kadalasan kasi tuwing nag-aaway sila ni Maxene ay buong araw itong nag-susungit at nababadtrip. Hindi naman sa gusto niyang mabadtrip si Maxene, naiinis lang kasi siyang isipin na napapasaya agad ni Sed si Maxene sa pagkakita palang nito sa binata.

Baka naman nagseselos ka?

Nagseselo? Ako? Nagpapatawa ka ba?

“Zeus!” masayang salubong ni Sabrina sa kaniya. Hindi niya tuloy maramdaman ang saya sa pagdating nito dahil mas nangingibabaw ang inis na nararamdaman niya. Sinalubong siya nito ng yakap. “I missed you so much!”

“I missed you too.” aniya pero nakatutok ang mga mata niya kay Sed at Maxene.

“Aren’t you happy to see me?” naghihinampong sabi nito.

“O-Of course, I’m happy.” Masaya naman siya sa pagdating nito. Pero mas nangingibabaw ang inis na nararamdaman niya sa nakikita niyang kasiyahan sa mukha ni Maxene nang makita si Sedric. Hindi niya napigilang makinig sa usapan ng dalawa.

“Babae ka pala?” nang-aasar na sabi ni Sed kay Maxene. Pero halata naman sa mukha nito na nagagandahan ito kay Maxene.

“Nakakainis ka.” Hinampas pa nito ang balikat ng binata. “Babae talaga ako! Matagal na!” natatawang sagot nito.

“Kidding aside, that dress really fits you well.” He can see the admiration in his eyes. Hindi naman kaila sa kanya na may gusto si Sed kay Maxene. Si Maxene nga lang ata ang hindi nakakaalam ng bagay na iyon. Sa ibang bagay kasi nakatutok ang atensyon nito at wala ata itong kaalam-alam tungkol sa ganoong mga bagay. “You’re really beautiful.” Ewan niya ba kung bakit naiinis talaga siya kapag pinupuri nito si Maxene.

“Thank you.” magiliw na sabi ni Maxene. “Hindi kana uhugin ngayon ah? Gwapong-gwapo kana.” Ganting asar nito sa binata.

“Siyempre. Pinaghandaan ko kaya ang pagkikita natin.”

My Chocolate Princess (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon