TILA HILONG-TALILONG si Zeus sa loob ng kwarto niya pagkatapos ng tanghalian nila sa bahay nina Maxene. Hindi siya mapakali nang marinig niyang tawagin ni Maxene si Sedric para ipaayos ang computer sa kwarto nito. Pwede namang siya nalang ang mag-ayos ng computer nito. Bakit pa kaya kay Sedric ito nagpatulong? Galit ba ito sa kaniya? Wala naman siyang maisip na dahilan na ikagagalit nito sa kaniya.
Lalo siyang nabahala nang itabing ni Maxene ang kurtina sa bintana nito. Hindi na tuloy niya nakikita ang ginagawa sa kabila. Why is she always giving him headaches? Sabagay, hindi naman siya nito inoobligang mag-aalala pero hindi niya naman mapigil ang sarili na mag-alala para dito. Not because he needed to protect her, but because he wanted to. He picked up his cellphone and started dialing the number of the only girl he will waste his time on worrying about stupid possibilities.
BAHAGYA PANG humihikbi si Maxene gawa ng pag-iyak pagkatapos niyang ikwento kay Sed ang tungkol sa simula ng paglalakbay niya sa mundo ng pag-ibig at maaga niyang pagkabigo roon. Kagaya noong mga bata pa sila, he eagerly listened to her. No matter how immature those dialogues of hers were. Hindi ito naiinis sa kakulitan at childishness niya. Hindi katulad ng lalaking mahal niya na lagi nalang naiinis sa kaniya sa mga kalokohang ginagawa niya. Itutuloy pa sana niya ang pagsisentimyento nang mag-ring ang cellphone niya. Zeus’ name registered on her screen.
At first, she hesitated to answer his call. Pero natalo parin siya ng damdamin niya. Sinagot niya din ang tawag.
“Hello Maxene!? Anong ginagawa niyo ni Sedric diyan at kinailangan niyo pang tabingan ang bintana?” It sounded more of an accusation than a question. Hindi pa man siya nakakapagsalita ay naakusahan na siya nito.
“A-Anong bang sinasabi mo diyan? Inaayos nga niya ang computer ko. Ano pa bang gagawin niya dito?” Hiniling niya na sana lang ay hindi nito mapansin na umiiyak siya. Barado pa kasi ang ilong niya dahil sa pag-iyak kaya halata iyon sa pagsasalita niya.
“Sorry.” Tila nagbago ang mood nito. Huminahon na ang boses nito. “Sinisipon ka?” Napalitan ng pag-aalala ang tono nito kanina. Lagi naman talaga siyang nag-aalala para sakin. Dahil kailangan niyang gawin ‘yon. Dahil tungkulin niya ‘yon. Hindi dahil gusto niya ako.
“A-Ah…Oo. Medyo.”
“Uminom kana ba ng gamot? Uminom ka ng madaming tubig. ‘Wag ka munang magpapagod. You need lots of rest.” And there he goes again making her fall for that thoughtfulness of his.
“Huwag kang masyadong paranoid. Kaya ko ang sarili ko.”
“Oo nga pala, kaya mo ang sarili mo.” Somehow she felt bad about what she said. Para kasing nasaktan niya ito.
C’mon Maxene, as if he’s not hurting you anyway. At least makakaganti kana. “Don’t worry Zeus, I’ll be fine. I’ll call you if I still have a cold after I drink my medicine, OK?” pagbawi niya.
She dried her tears when the call ended. There’s no use in crying anyway. Wala rin naman siyang mapapala. Wala namang mangyayari kahit na mag-iiyak siya. Siya parin ang talo.
“Can I court you, Max?”
Literal na napanganga siya sa tanong ni Sed.
“Niloloko mo ba ako? Eh kung hinahagis kaya kita diyan palabas ng bintana ko?! Katatapos ko lang magdrama sa’yo tapos ganyan ang tanong mo?” aniya nang makabawi sa pagkabigla.
“Don’t worry, I’m not expecting anything from you. Just let me do my thing. Para sa’yo din ito. Payag kana?”
“Hindi.”
BINABASA MO ANG
My Chocolate Princess (PUBLISHED UNDER LIB)
Teen Fiction"Hindi mo narin kailangan matakot na maunahan ka. Dahil noon pa man, ikaw na ang una. Kahit wala kang sabihin, kahit hindi ka magsalita. Loyal sa'yo ang puso ko noon pa man." Zeus Montera is Maxene's legendry 'frienemy'. Her friend, and enemy at the...