SLR [First part]

1.6K 35 10
                                    

SLR [First part]

*CLICK!*

Tinignan ko sa SLR ko yung ika-19th shot ko ngayong araw.

I smiled.

Isa nalang at tapos na ang 20 shots per day quota ko.

Nakakatuwa nga eh kasi puro candid mga kinukuha ko.

Natural na natural ang storyang gustong sabihin, hindi scripted o kung ano pa man.

NIlibot ko yung mata ko para maghanap ng pinaka-special shot for the day ko and after a minute of searching I found

it or most likely I found him.

Hindi ko alam kung bakit siya yung kinuhaan ko ng picture, siguro dahil may something sa kanya na nakapag-attract

sa akin?

I shrugged my thought away and focused my slr on him.

 

*CLICK!*

Lumabas sa screen ko ang isang lalaking nakaupo sa bench at nakapangulambaba habang naka-dekwatro.

Nung zinoom-in ko unang lumabas sa bibig ko ang mga salitang ‘ang gwapo’ pero halata sa mga mata niya ang

kalungkutan, kaya instead na magdiwang ako dahil nakakuha ako ng isang magandang shot ngayon at nagkaroon pa

ko ng dahilan para kalimutan siya eh nalungkot din ako.

Simula ng araw na yun lagi ko na siyang kinukuhaan ng shot at siya lagi ang aking pang-20th shot buti nalang hindi

niya ako nahuhuli sa pagkuha ng mga pictures niya kundi paktay na ako.

 Parang naging stalker na din niya nga ako eh dahil inalam ko talaga yung mga facts about sa kanya, Siya si Matthew

Enriquez. Sikat siya dito sa school na kakalipat ko lang. Soccer player siya. Heir sa isang telecommunications

company. Single. May magandang bestfriend. Mr. Intramurals 20**.

Siguro isang dahilan kung bakit na-drawn yung attention ko sa kanya eh dahil marami siyang similarities sa kanya

pero I must admit mas nalalamangan niya na yun pag dating sa puwang sa puso’t isip ko kaya natutuwa talaga ako.

Pero syempre pinipigilan ko ang sarili ko, mahirap na mahulog sa taong hindi ka man lang balak saluhin.

Hay tuwing inaalala ko yan napapa-‘hay’ nalang talaga ako. Ang hirap hirap niya kasing abutin! Hindi ko man lang

mapakilala ang sarili ko dahil sa mga nakapaligid na fangirls niya araw-araw! Sheesh! Makabalik na nga lang sa

pagkuha ng shots!

Ayan! Magandang angle ulit. Haaay~ ang gwapo niya talaga! Iki-click ko na sana yung button pero biglang may

tumabig.

*CRASH*

Their Point of ViewsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon