Ther X Lui [First Part]

1.4K 35 9
                                    

 I'm sick of this one-sided love! - Ther 

 I love her but I can't find the right words to express it. – Lui

 

Nagmamahalo Minamahal?

Pag pinili ka sa dalawang yan, ano ang pipiliin mo?

Siguro mas gugustuhin pa ng iba na sila yung minamahal dahil aside sa masarap sa pakiramdam na may taong nag-aappreciate sa buong pagkatao mo eh hindi ka pa prone sa sakit ng pagmamahal unlike pag ikaw ang nagmamahal kailangan handa na yung sarili mo sa sakit na pwede mong matanggap anytime. Sino ba naman kasi yung taong gusto makaramdam ng sakit diba? Pero kahit gustuhin nating pumili sa dalawang yan, hindi pa rin tayo makakapili dahil kusa yang dadating eh. Magigising nalang tayo na nasa ganyang sitwasyon na pala. Parang ako, laging nasa unang choice yung sitwasyon ko simula nung makilala ko siya.

[ Timeline: 3rd year high school ]

Si Luigi Anderson–yung gwapong supladong inglesero na kaibigan ni Blake eh kapit-bahay pala ng flat ko. Nakilala ko siya last year sa party ni Blake at nalaman kong  magkatabi lang pala yung condo units namin nung nagkasabay kami sa elevator. Unang kita ko palang sa kanya nagka-crush na ako sa kanya. Ang cute cute niya kasi eh lalo na yung mata niyang bluish at expressive. Tignan mo lang siya ng derecha sa mata, malalaman mo na kung ano yung emosyon yung pinapakita niya sayo.

“Ay palaka!” nabunggo ako ng isang babaeng palabas ng elevator at naglaglagan yung mga pinamili ko kanina sa lobby ng condo building na tinitirhan ko ngayon.

“Oh great! Sorry miss ha?! Haist! Ano ba naman yan! Huhu!” hinabol ko yung mga nag-gulungan ko na mga orange at apple.

Pulot dito, pulot doon. Itong mga taong ito tinignan lang ako! Mukhang entertained na entertained sa paghahabol ko sa mga pagkain ko hindi na lang ako tinulungan! Psh.

“Oraaaaange! Huminto kaaaaa!” alam kong mukha akong ewan eh sa wala na akong magawa at gumugulong na yung mga prutas pababa eh!

Buti nalang huminto sa paanan ng kung sino yung mga orange ko kaya hindi na ako pinatakbo pa.

“Haay huminto ka rin!” nag-squat ako para makuha ko yung mga prutas na nagkumpulan sa paanan niya.

“Salamat sa paghinto ng mga prutas ko mister pero maganda sana kung pinulot niyo nalang po at iniabot niyo nalang sana po sa akin eh no?” I smiled fakely pero nawala agad yun nung makita ko kung sino yung nakatayo sa harapan ko ngayon.

O//O! Omaygaleee~ mukha ko paniguradong namumula na!

“L-lui!” shet nakakahiya! Nakakawala ng poise itong pinag-gagawa ko!

“G-gusto mo?” I smiled sheepishly then offered him one of my oranges.

He just breathe a smirk then shrugged.

Tumayo ako at nag-bleh sa likod niya.

“Suplado!” I murmured pero narinig niya ata dahil napahinto siya.

Inunahan ko siya papunta sa lobby at nagpatuloy sa pagkuha ng mga ginrocery ko.

Nagulat nalang ako nung tumulong si Lui sa akin at nilagay sa paper bag ko yung mga goodies.

Binuhat niya yun at tinulungan akong makatayo.

Sheeeems ang mga kamay niya >//<

“Clumsy girl.”  Pumasok na siya ng elevator.

Their Point of ViewsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon