Spike X Elle [Part 3.0]

1K 30 9
                                    

Part 3.0

Excited na pumunta si Elle sa restaurant na katapat ng fountain na lagi nilang

pinupuntahan.

Pinareserve niya ang buong second floor ng restaurant at sinamahan pa ng bandang tutugtog

as a surprise kay Spike niya.

Lagi kasing si Spike ang nagsosorpresa sa kanya kaya this time gusto niya siya naman ang

mangsurprise.

“Mademoiselle, your accounts here in the restaurant has been settled.” sabi ng butler ni Elle

“Thanks Ms. J! By the way, there’s no need for you to wait for me,

Spike will drive me home. You may go” Elle smiled brightly.

“Enjoy your night Mademoiselle, au revoir” Ms. J [Good bye]

Elle waved at her butler then texted her boyfriend

To: Spikeeeey

Spikeeey! Asan ka na? Puntahan mo na ako sa meeting place natin ha? I love you.

 

 

Elle sighed.

Oo nga’t excited siya sa preparations na ginawa niya pero hindi mo pa rin maaalis yung lungkot

na nararamdaman niya kanina pa.

Hindi kasi siya tinext ni Spike mula kaninang umaga.

Kahit simpleng greeting wala talaga.

Kanina niya pa tinetext ng paulit-ulit si Spike pero hindi pa rin ito nagrereply.

Imagine, 8pm na ngayon tapos kaninang umaga pa yun kaya nagtataka na talaga

si Elle at kinakabahan kung bakit hindi pa rin nagtetext sa kanya si Spike.

...

“Ma’am.. ma’am”

Dahan-dahang dinilat ni Elle ang mata niya at nakita ang waitress na nag-aassist sa kanya

kanina sa restaurant.

Nakatulog na pala siya kakaantay kay Spike.

“Ma’am wala pa rin po ang boyfriend niyo, sigurado po ba kayong darating siya?”

Kinusot-kusot ni Elle ang mata niya.

“Anong oras na po ba?”

“Uhm, 11 pm na po ma’am”

“E-eleven?!”

“Yes Ma’am at kailangan na po naming magsarado. Sorry po”

Dahan-dahang tumulo ang mga luha ni Elle.

 

Their Point of ViewsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon