Spike X Elle.
“ELLE!”
Tumingala siya at nalaglag ang mga dalang gamit sa gulat ng dahil sa nakikita niya ngayon.
Yung Black racers, may dala-dalang tig-iisang banner na pag-pinagsama-sama eh magfoform
ng salitang…
’Can I court you Chantelle?’
“Ohmygod” Napatakip ng bibig si Elle.
Nawala lahat ng mga naiisip niya kanina at sa unang pagkakataon,
naramdaman ni Elle na may nagpapahalaga sa kanya.
Tumakbo papalapit sa kanya ang isang ngiting-ngiting Spike.
Inabutan siya nito ng flowers.
“Hello Elle! For you.. Uhm, I’ll repeat what is stated at the banner” tumikhim si Spike at
napakamot sa batok niya.
Biglang nalang nautal at nahiya si Spike.
Hindi siya makatingin kay Elle.
“Ano yung irerepeat mo Spike?” nakangiting tanong ni Elle.
Gusto lang niya marinig mula kay Spike yung nakasulat sa mga banner.
“Uhm ano c-can I ano uhm oh fck” mahinang sambit ni Spike.
Nakita yun ng Black Racers kaya naman sumigaw sila.
“Huy! Wag ka ngangmabading!” sigaw ni Raven
"Ayos ayos din aba!” sigaw din ni Andrew
[AN: si Andrew at Blake ay iisa. First name ni Blake ang Andrew para sa
mga hindi na maalala :)]
Hinarap ni Spike yung mga kaibigan niya at itinaas yung middle finger niya.
Elle scrunched her nose and let that pass.
"Spike ano na? Nagmamadali po ako." Naiinip ng sabi ni Elle
"Uh ano uhm whew! C-c-can I c-court you?” nahihiyang sabi ni Spike
Ngumiti ng malapad si Elle.
"Of course." Elle smiled lovingly.
Nanlaki yung mga mata ni Spike.
"T-t-talaga?" Nagulat na tanong ni Spike.
"Yes. Bakit ayaw mo?" Elle raised her brow.
BINABASA MO ANG
Their Point of Views
Teen FictionWe've seen a glimpse of their lives in "The Arranged Marriage". Now it's their turn to have their POVs.