Siostick Couple [Last part]

1.2K 37 10
                                    

dedicated kay jean na nagmamahal kay Bash hehe~ ^^

*******

I’m singing my blues~ paran nunmure paran seulpeume gildeulyeojyeo~ 

Napabangon agad ako sa kama ko at naramdaman kong maga yung mga mata ko.

“Panaginip lang lahat..” Bumuntong-hininga ako at dumiretso sa kwarto ni Bash.

Pinihit ko yung door knob.

“Good morning! Happy Anniversary Chopstick ko!” sumigaw ako at ngumiti ng malaki.

No response.

Dumilat ako at tumambad sa akin ang isang kwarto na walang gamit bukod sa kama at kurtina.

Napaluhod nalang ako sa sahig at humagulgol ulit.

Akala ko.. akala ko panaginip lang.. akala ko hindi totoo yung nangyari kagabi.. akala ko lang pala yun.

Tumalon ako sa kama at nag-iiyak.

Bakit ba kasi hindi ko siya binibigyan ng oras?

Bakit ba kasi napakaselfish ko at yung simpleng hiling niya eh hindi ko mabigyan?

Patuloy lang ako sa pag-iyak ng may makapa akong papel malapit sa braso ko.

Kinuha koi yon at napansing handwriting ni Bash yun kaya dali-dali akong tumayo.

Ikaw na bahala dito, sayo na itong condo na ito. Iniwan ko yung susi sa may dining table. Mag-ingat ka palagi. – Basherson.

 

Walang I love you tapos buong pangalan niya pa ang gamit niya.

Hah. Asa ka naman na mag-‘I love you’ pa siya sayo pagkatapos mo siyang saktan.

Umiyak ako ng umiyak ng magdamag.

Ang gandang anniversary gift sa akin ito. Ay hindi na pala namin anniversary dahil wala na pala…kami

Ang sakit, sobra. Lalo na nung makita ko na puro “Happy Anniversary Lem and Bash!” ang laman ng

Inbox ko. Pang-asar lang diba?

Maya maya pa nagbeep ulit yung phone ko, concert na nga pala ng Super Junior dito.

Pumunta ako dun kahit ito yug dahilan kung bakit naghiwalay kami ni Bash baka sakaling mawala yung

sakit kahit panandalian lang.

True enough, nawala yung sakit pero bumalik agad nung tumawag si Sophie sa akin, yung kapatid ni

Bash.

“Hi Ate Lem! Happy Anniversary sa inyo ni Kuya Bash! Hehe!”

Natahimik ako, paano ko sasabihin sa kanya na break na kami ng kuya niya? Ayoko naming madamay

sa lungkot ko yung bata.

“Ah eh hehe s-salamat?”

“Walang anuman hoho! Ano ate sinagot mo na si Kuya ko? Magkakaroon na ba ako ng mga pamangkin? Hehehe!”

Their Point of ViewsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon