Domz' Story

1.3K 34 7
                                    

-DOMINIC ARCILLA-

 

Ako si Dominic Arcilla, dalawang beses umibig at dalawang beses ding nasaktan.

#First love and first heartbreak:

Nakilala ko siya sa isang computer shop.

Nag-dodota kasi kami nung mga kaibigan ko dati sa dati kong school nung may sumigaw na babae at pinaghahampas kami dahil sa sobrang ingay daw namin tapos ni-lecturan pa kami na sinasayang namin yung mga baong binibigay sa amin ng mga magulang naming blah blah blah. Huminto lang siya nung hilahin siya nung kasama niyang bading. Napatanga kaming lahat sa sobrang lakas ng personality nung babaeng yun at di ko namalayang na-love at first sight pala ako sa kanya.

Ang totoo niyan hindi naman talaga ako ganito, front ko lang ito para mapalapit kay Ther dahil nalaman kong mas close siya sa mga bading at ginawa ko yun para mapalapit sa kanya.

Akala ko may pag-asa pa para sa aming dalawa, pero akala ko lang yun dahil dumating yung araw na hindi ko kailanman inakalang dadating.

Nagpatulong siya sa akin na ievaluate yung crush niyang nanliligaw sa kanya. Being the best friend that I am, I evaluated him. Nakita ko kung gaano kagusto ni Ther yung lalaki kaya tinulungan ko na din silang mapalapit sa isa’t-isa kahit na nasasaktan ako.

Alam niyo yung feeling na pinagsisigawan mo na mahal na mahal mo siya pero yun pala naka-ear phones siya at naka-maximum yung volume na pinapapakinggan niyang kanta? Ganun. Ganun yung naramdaman ko nun. May pag-asang marinig pero dahil masyadong gustong gusto yung kanta, hindi na pinansin yung nasa mga sigaw sa paligid. Ako yung nasigaw, si Ther yung naka-earphone at yung manliligaw niya na gustong gusto niya yung kanta.

 

Malapit ng maging sila kaya by that time tinuloy ko nalang yung pagpapanggap na ito para kay Ther.

Nakakatawa nga eh kasi biglang nawala yung pagpapanggap ko na bading nung malaman kong ginago si Ther nun eh, sinuntok ko yung soon-to-be-boyfriend niya sa lahat ng madaming estudyante. Lahat sila nagulat sa ginawa ko pati na rin si Ther. Binalik ko kasi yung lalaking Domz. Sino ba naman kasi hindi magagalit kung magsumbong yung babaeng pinakamamahal mo na nakita niyang nakikipaghalikan yung lalaking nanliligaw sa kanya at sasagutin na niya sana sa pinsan niya? And it’s not just a kiss. She saw him making out with her cousin. Kaya naman galit na galit talaga ako sa lalaking yun. Hindi pa nga sila pero nakukuha na niyang manloko paano pa kaya kung sila na? Nung araw na din yung napa-amin ako kay Ther pero alam niyo kung anong sagot niya?

“Gaga ka talaga bakla! Bakit ngayon mo lang sinabi kung kelan hindi na kita mahal?! Ay nako! Alam ko namang hindi ka bading simula nung makilala kita sa computer shop na yun! Crush na crush kaya kita nun kaya nagpapansin lang ako nung pinagsisigawan ko kayo dun! P-pero bakit ngayon lang kung kelan… Aish ano na bang nangyayari sa buhay ko?!”

Gradually, natanggap ko na ding hindi talaga kami para sa isa’t-isa ni Ther kaya nakapag-move on na din ako agad. Pinagtatawanan na nga lang naming yung topic na yun ngayon eh. Simula nung araw na yun napag-desisyunan ko ng panindigan ko nalang yung pagiging bading ko at nagtuloy tuloy na nga! Hohoho. Pusong babae na akey~

#Second love and second heartbreak:

Hay nako, hindi pa rin nadala itong puso ko sa nangyari dati at heto nainlove nanaman ako, and worst sa lalaki na.

Hindi ko akalaing capable akong mainlove sa lalaki kasi nasa mentality ko na ang magkacrush lang sa mga lalaki pero hinding hindi maiinlove dahil masasaktan at masasaktan lang ulit ako pag ginawa ko yun at gaya ng nakalagay sa caption sa taas, nasaktan nanaman ako. Sino siya?

Siya si Wesley.

Oo yung tropa ni Blake.

Literal na huminto talaga yung mundo ko nung nakita ko siya dahil halos himatayin na ako sa sobrang kapogian niya. Tsk tsk.

Kung bakit pa kasi ako pinakilala dun though hindi ko rin naman pinagsisisihan na nakilala ko siya. Isa kasi siya sa mga lalaking hindi naiilang kahit na ganito ako. Yung iba kasi kung itrato kami parang may sakit pero siya? Hindi. TInuring niya talaga akong kaibigan at talagang ang bait bait niya sa akin yun nga lang naulit nanaman ang dati. Only this time in a relationship na talaga siya and worst, closest cousin ko pa.

Nung malaman ko yun, isang linggo ata ako nagkulong nun sa kwarto eh? Saklap ko lang talaga ano? Oh well wala na ata akong magagawa sa love life ko haha. Hindi ko na iniisip yang mga love love nay an, crush na lang. Hindi ko rin naman pinangarap magkaboyfriend talaga tsaka nililimitahan ko na yung sarili ko ayoko na mag-strike 3! Saklap saklap kaya!

Nag-fofocus nalang ako sa pagiging fashion designer ko atleast nakakasalamuha ako ng mga pogi kekekeke~ tsaka busog naman ako sa pagmamahal ng mga kaibigan ko at ng aking mga inaanak kahit na busy sila sa buhay buhay nila. Sapat na sa akin na malamang masaya yung mga kaibigan ko tsaka tanggap ko naman na tatanda na akong dalaga—este binate pala pero atleast naranasan ko pa ring mainlove at masaktan sa buhay ko yun naman ang mahalaga diba? Ang experiences dahil matututo ka para lalong tumatag.

Well I’m Dominic Arcilla and their love is enough for me to be inspired.

Their Point of ViewsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon