Spike X Elle [Part 1]

1.2K 31 5
                                    

First part ng Spike X Elle is here

---

 I hate him but I love him so much! - Elle

 She will be the first and the last girl that I will ever love. – Spike

 

2nd year high school nung maging new student si Chantelle Fontanilla sa Elizabeth Academe,

ang sikat na all girls school sa Manila. Akala niya madaling matatanggap ng mga tao sa bago niyang school na isa

siyang nerd since tanggap naman siya nun sa France pero nagkamali siya. Grabe grabeng pambubully ang

ginagawa sa kanya na umabot hanggang second grading pero gayunpaman, wala kang maririnig na

kahit anong reklamo sa kanya. Tinitiis niya kasi ito naman ang pinili niya eh, ang bumalik sa Pilipinas

para makaranas ng pag-aaral dito kahit tutol ang buong pamilya niya na pabalikin siya dito.

Tanging si Kuya Jed niya lang na bestfriend at pinsan niya lang ang sumusuporta sa kanya.

Intrams ngayon. Since iisa lang ang may-ari ng Elizabeth Academe at ang Ford Academe na all boys school,

pinagsasama lagi ang dalawang school tuwing intrams.

Taimtim na nagbabasa ng libro sa gym si Elle—kasi required—sa kabila ng ingay ng mga schoolmates niyang

nagsisigawan dahil sa basketball players ng Ford Academe.

*Boom!*

Tumama ang bola ni Spike sa mukha ni Elle at nabasag ang eye-glasses nito.

Nagtawanan ang buong gym kaya nahiya naman agad si Elle.

“Paktay ka dre! Bwahaha” pang-asar sa kanya ng bestfriend niyang si Blake.

“Lul! Kasalanan mo ito eh.” sabay lakad ni Spike papunta sa direksiyon ng natamaan niya ng bola.

“Sorry Miss” sabi ni Spike sa nakatungong si Elle.

“Hm.” Sagot ni Elle habang kinakapa kung nasaang lupalop napunta yung salamin niyang

nabasag.

“Y-you can’t see your glasses?” Spike asked stupidly while squatting near Elle.

Kinabahan siya bigla. paano pala kung kaisa-isa lang ang salamin niyang iyon?

Nakadamage pa tuloy siya ng dahil sa kaharutan ng mga kaibigan niya.

“Yeah I can’t see things clearly without my glasses. You see, I have bad eyesight.”

Lumingon si Elle sa pwesto ni Spike ng hindi namamalayan na sobrang lapit na

pala nila.

Na-stunned si Spike nung nakita niya ang mukha ni Elle.

Hindi na niya napigilan ang bibig niya nung sinabi niyang

“Wow, ang ganda mo pala lalo na pag walang salamin”

Their Point of ViewsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon