"Letlet gising na dyan, maaga ka pang mamalengke " anubayan , keaga aga ang ingay na naman .Pero imbis na bumangon ako eh, nilagay ko na lang sa ulo ang unan para mabawasan ang naririnig kong mga bunganga
"Letlet abay bangon na dyan, lunes ngayon kaya paniguradong madaming kakain kaya kailangan mo ng mamalengke" tawag ulit sakin ng aking magaling kong tiyahin.
Ngunit Pinagsawalang bahala ko na lang ang narinig sapagkat, nakakaabuso na ata sya. Ako na lang palagi ang nakikita. Makatulog na nga ulit
Nang akmang pipikit ako, naramdaman ko na lang ang pagbukas ng pinto. Shit, nilock ko yun ah? Aish oo nga pala, may spare key sya ng kwarto ko.
"Hoy letlet, gumising ka na kung ayaw mong buhusan kita ng mainit na tubig " dahil sa kataga na binatawan ni tiya Nida ay agad akong napabalikwas ng bangon
Ang siste, nagkabuholbuhol yung kumot sa paa ko kaya "bogggshh"
"A-aray ko po"
Shete, ang sakit ng ilong ko
"Yan, yan ang napapala ng mga tamad. Dalian mo na at maligo ka na para mamalengke " naramdaman ko na lang ang yabag nya palabas
Habang ako eh, nakikipag lips to lips sa floor. Haist, ang garapal ko talaga. Wala nakong nagawa kundi ang bumangon at maligo
Matapos kong maligo at magbihis, pumunta nako sa palengke para mamili ng mga kakailanganin ni tiya sa canteen na pagmamay ari nya .
Araw araw ganito ang scenario, ako ang mamamalengke at minsan ako na din ang nagluluto. Pero depende yun sa mood ng tiya. Pagkasi, talo sya sa sugal syempre mainit ang ulo kaya ako lahat ang pinapagawa nya. Simula sa pamamalengke, pagluluto at pagbabantay . Kapag naman panalo yan, isa sa mga gawain lang ang aatupagin ko.
Tuwing bakasyon ganito ang ginagawa ko. Pero sa isang linggo, pasukan na kaya naman kukuha na sya ng ibang katulong sa pagpapalakad ng canteen nya. Hinihiling ko nga na pasukan na kasi namimiss ko ng mag aral.
Pero stop muna tayo dyan at bibili muna ako.
"Good morning kuya Frets, yung dati ho" bati ko sa pinagbibilhan ko ng manok. Kaclose ko to eh, parang kuya ko nadin talaga sya
"Goodmorning din ,fresh na fresh tayo ngayon letlet ah" pahayag nito habang nagchachopchop ng manok
"Syempre naman kuya Fretz, para naman makasungkit ng foreigner haha" biro ko dito na ikinatawa nya
"Ikaw talagang bata ka, eh kahit ata di ka maligo. Maganda ka padin tignan kaya di malabong makasungkit ka nga haha"
"Bolera ka talaga kuya frets, magkano pala lahat? "
"Nagsasabi lang ng totoo letlet, 520 lahat"
"Sige po ito bayad, salamat kuya Fretz " mabilis akong nagpaalam at pumunta sa may mga gulay
"Ang aga natin Letlet ah" sabi nung nakasalubong kong si Mang kalbo. Di naman talaga ganyan ang pangalan nya, kung baga, yan ang tawag ko sa kanya kasi ang kinis ng ulo nya haha
"Opo Mang Kalbo, kailangan kumayod eh" sagot ko dito na ikinangiti nya
"Hanggang ngayon ba Mang Kalbo padin tawag mo sakin? Hay kungdi ka lang maganda eh haha" napangiti ako sa turan nito.
Halos karamihan kasi sa mga tao na nagbebenta dito sa palengke ay, sinasabihan na maganda daw ako pero tingin ko naman sa sarili ko ay sakto lang, kung imemeasure nasa pagitan ng panget at maganda.