Naglalakad ako ng tahimik papuntang classroom. Ala sais emedya palang ng umaga pero ito ako papuntang library para sa report na gagawin ko. Wala naman kasi akong pera para mag surf sa internet tsaka mas maganda pa ang magbasa sa libro kesa sa mga social sites no
Try nyo kaya? Napapansin ko kasi na halos karamihan na sa mga estudyante ay nakadepende na kay Google. Pano na lang kapag wala ito? Sabihin na lang natin na lahat ng pwede mong itanong ay pwede nyang isagot pero paano ka naman matututo kung isang click lang eh instant tapos ka na sa gawain mo. Di gaya ng libro na hahanapin at magbabasa ka pa para mahanap ang topic na hinahanap mo. Kung gaano kadami ang magandang bagay na naidudulot ng technologies ngayon ganun din kadami ang masamang bagay na naibubunga nito. Nagiging bobo at dependent ang mga tao dito.
Pero di naman ako against Kay Google ang akin lang. Use them wise and properly para ikabuti nyo naman . Wag kayong umasa sa kanila ng sa ganun di kayo mabigo pagdating ng panahon .
Hugot na ba yan?
Sinasabi lang ang pwedeng mangyari .
Pumasok na kong library. Maaga itong magbukas para sa mga gustong magbasa o magresearch sa mga project o assignment nila. Umupo ako sa pinakasulok at hinanap ang book na related sa love . Di ko alam kung nang aasar lang si Ma'am Coleen dahil sa binigay nya sakin na topic o gusto nya lang talaga akong mamulat sa pagmamahal. Minsan may saltik din yun eh. Pinagkakatuwaan ako minsan porket half sister ko sya.
Yup, may kapatid ako sa side ni Papa. Pero tanging kami lang nakakaalam ng ate ko. Gusto kong itago dito sa University. Ayokong sabihin nila na bias sakin si ate .
Binuklat ko ang libro na sa tingin ko ay related sa love. Pero laking pagkadismaya ko ng walang natopic about sa love. Madami na ata akong libro na nabasa pero wala ni isa ang nagsasabi tungkol sa pagmamahal. Mamaya pa naman ang reporting ko dito sa Pananaliksik
Siguro self explanatory na lang ang gagawin ko. Bigla tuloy ako kinabahan sa pwedeng mangyari sa reporting ko. Una sa lahat wala akong alam sa love. Pangalawa wala akong experience sa ganyang bagay. Kaya siguro ganun na lang ang pagtutulak sakin ng magaling kong kapatid para ireport ko to
Wala nakong nagawa at ibinalik lahat ng librong nakuha ko sa mga bookshelves nito. Tahimik akong umalis at pumuntang classroom. Meron pakong thirty minutes para isipin ang sasabihin sa unahan.
Pagpasok ko ay naupo agad ako sa pangalawa sa panghuling linya ng upuan.
Hmm love? Ano nga ba ang meaning ng mga salitang yan?
Bigla naman nag ingayan ang mga kaklase ko kaya alam ko na ang dahilan. Di ba sila nagsasawa sumigaw at tumili sa kanila kahit araw araw na nila itong nakikita?
Nadako ang mata ko sa taong deretso lamang ang tingin sa unahan nya at walang pakialam sa paligid. Yung mga kasama nya naman ay panay ang kamay at flying kiss sa mga fans kuno nila kaya mas lalong lumalakas ang tili nila. Ang sakit sa tenga sa totoo lang
Tumingin na lang ako ng deretso sa unahan at nag isip ng sasabihin ko mamaya.
Maya maya pa ay humupa na ang tilian at nagsiayos sila bigla ng upo.
Yun pala ay pumasok ang isang dyosa na nakangiti ng sobrang lapad. Isang kapirasong papel at ball pen lamang ang hawak nya. Geez di naman sya excited sa lagay na yan . Kasunod nya din si Shiela na hingal na hingal. Panigrado late na tong nagising.
"Good morning Bessy " salubong nya agad sakin at umupo sa tabi ko
"Morning bes,late ka na nagising no?"