"Bes magkasama ba kayo kahapon ni Ellis? "
"Hindi no. "
"Eh bakit pareho kayong wala kahapon ? "
"Ano naman ngayon Shiela Mae? Porke wala kami, magkasama na agad? Di ba pwedeng may iba akong pinuntahan at meron din sya kaya parehas kami wala? " halos nanlitid na ang ugat ko sa may leeg dahil sa inis. Gosh bakit palagi na lang yung bruhang yun ang bukam bibig nito?
"Uy relax bes, nagtatanong lang eh. Malay ko ba kung nagdate kayo. Tsaka napapansin kong kanina ka pa bad mood. Meron ka ba bes?"
Sinamaan ko sya ng tingin habang sya ay di pa din maalis alis ang ngiti.
"Wala"
Paanong di masisira ang araw ko kung paulit ulit na nagfaflasback yung nangyari kahapon? Gusto ko syang sugudin kanina pa kung di lang ako nakapagtimpi. Gusto kong sirain yung pesteng labi nya eh. Nakakainis. First kiss ko yun, utang na loob. Tapos makukuha lang nung babaeng kinamumuhian ko pa? Gosh, sumasakit ulo ko dahil sa kanya
"Si Ellis ba yan?"
"Ano? "
"Sabi ko kung si Ellis yang iniisip mo? "
"Pwede ba Shiela, Ellis ka ng Ellis kanina ka pa. Mas mabuti pa ngang si Juancho na lang ang bukambibig mo kesa sa bruhang yun"
Mas gusto ba sya Kay Ellis kaya sya na lang ang kanina pang binubuka ng bibig nya? Grrrr Di pwede . Di ako papayag
What?
I said di pwede dahil bruha at masama ugali nun. Baka saktan lang nya si Besty. Oo, tama. Ganun na mga. Kaya di sya nababagay sa bruhang yun. Dun na lang sya kay Juancho nya
"Bakit Bessy, nagseselos ka ba?"
"Ano?!!!! " nagpantig ata tenga ko sa sinabi nya. Wtf? Nagseselos? Sino? Ako?
"Di no, wala along dahilan para magselos"
"Paano kapag sinabi kong gusto ko si Ellis? "
Tinignan ko sya at seryoso lamang itong nakatingin sakin. So totoo nga? Na gusto nya talaga si bruha?
"Kala ko ba si Juancho ang gusto mo? "
"Ewan, narealize ko ata na masyado yun mahangin para sa magandang katulad ko "
Napaikot na lang ako ng mata dahil sa sinabi nito
"So bakit mo sya na gustuhan, eh bato yun, masama ang ugali, walang kaemo-emosyon, bruha pa. Tsaka magnanakaw. Kaya sinasabi ko sayo, wag ka na dun. Di kayo bagay."
Yung akalang kong magagalit sya ay mail pala dahil nakangiti pa ito sakin. Baliw na talaga to. Ito na nga ba ang sinasabi ko, nahawaan na sya ng virus ng Elites. Mabuti na lang at di ako sumama kahapon sa kanila.
"Ano naman ngayon? Di ba ang nagmamahal, tatanggapin lahat ng flaws na taong mahal nya? Tsaka Bessy, paano naman magiging magnanakaw si Ellis KO eh ang yaman yaman nun "
Mas lalo atang kumulo yung dugo ko sa sinabi nya. Grr, walang hiyang bruha yan. Baka ginayuma na nya best friend ko. Mamaya talaga at susugudin ko na sya
"Wala kong pake. Basta magnanakaw sya. Ninakawan nya ko"
"Ano naman ninakaw nya sayo aber? Eh wala ka ngang gamit na meron dito sa school maliban sa notebook at ballpen mo. Andyan naman cellphone mo. Maliban naman kung ninakaw nya yung virginity mo "
Oh shit!
"Damn Shiela"
"Hala sorry bes. Sorry, ito tubig " kinuha ko naman yung tubig na hawak nya at nilagok iyok. Nabilaukan man lang ako. Saktong pang may laman bibig ko.