Three

2.3K 60 5
                                    

Mataman kong tinitignan ang babaeng bore na bored habang nakatingin sa pisara. Siguro sa ilang taon na nakikita ko sya, ni minsan di ko yan nakitang ngumiti. Yung totoong ngiti ha, madalas kasi poker face o bored face ang pinapakita ng maganda nyang mukha.

Minsan, hinihiling ko na sana ay makita ko man lang syang ngumiti. Wag kayong mag isip ng kung ano ha. Ang akin lang, kahit isang beses lang sana ngumiti naman sya . Gagraduate na kami , isang taon na lang kaya wish ko ngumiti na sya.

Nakatutok lang ang tingin ko sa kanya ng bigla itong lumingon sakin . Hindi nako nag abala pang Alisin ang tingin ko. Para san pa ang pag alis ng tingin kung nahuli na ko? Tsaka, di naman masamang tumingin diba?

Tumaas ang kanang kilay nito bago unang nag iwas ng tingin . Inalis ko na lang din ang tingin ko dito at tinuon sa kanan ng mabungaran ko ang nakangising si Shiela habang papalit palit ang tingin samin ni Ellis .

"Ano yon, huling huli ka bes. Anong titig yun ha? " ayan na naman sya sa pag uusisa. Hay, lahat ng lang binibigyan ng mailsya

"Wala, nadako lang tingin ko. Manahimik ka na, dadating na si Ma'am "

"Nadako daw, hoy beks. Wag ako. Kitang kita ko kung pano kayo magtitigan at kanina pa kita napapansing sumusulyap sa pwesto nya. " di ko na lang sya pinansin at tinuon ang atensyon sa teacher na kadadating lang.

"Okay class, dahil first day of class ngayon. I want you to find a partner at pagkatapos, mag uusap kayo about sa buhay nyo in 10 mins. After nun, pupunta kayo dito sa unahan para sabihin ang mga nalaman nyo sa isat isa. Understood? Okay, you may find your partner. " kanya kanya naman silang tayuan habang ako eh nakaupo lang. Hahanap pa ba ako? Nandito naman si Shiela

"Shiela tay--

"Btw, bawal ang malapit na kaibigan o kamag anak na maging partner dahil alam kong ,kilalang kilala nyo na sila " haist, ma'am naman eh .

Tinignan ko si Shiela na ngiting ngiti sa sinabi ni Maam, pero di lang dahil dun kundi tanging si Juancho at si Ellis na lang ang walang partner. Oh no, bat mga Elites pa? Malas!

"Bes, dun ka na sa crush mo ,akin si my loves hihi " pero bago pako maka oo ng no choice ay mabilis na lumapit sa pwesto ko si Juancho

"Tayo na lang partner Miss?! " sabi nito sabay kindat pa at di pa man din ako umuoo ay nahila na nya ko sa dalawang bakanteng upuan.

Aish, naman eh!

Tinignan ko si Shiela at ayun, nakasimangot na parang iiyak na ang mga tingin nya. Ano ba naman kasing lalaking to, hamak naman na mas maganda si Shiela, ako pa napagtripan.

"So miss, let's start,ako una? " tumango na lang ako sa kanya

"Well, I'm Juancho Hernandez Chua. Galing sa mga mayamang angkan ng Hernandez. At my young age ako na ang isa sa humahawak ng hacienda namin. Kilalang chic magnet dahil sa angkin kong kakisigan at kagwapuhan . Madami na din akong napaiyak na babae, well di ko sila masisisi. And isa akong model ,syempre sa kataw-- blah blah blah blah

Ito na nga ba ang sinasabi ko eh, puros kahanginan lang ang mapapala ko sa lalaking to. My ghad, di ko na sya pinakinggan dahil nabaling ang tingin ko sa babaeng kausap ni Shiela. Serysoso lang itong nakikinig habang dumadada ang kaibigan ko.

Well, kilala nyo na siguro kung sino ang tinitignan ko? Sya si Ellis Villarreal, ang leader ng Elites, ang queen bee at anak ng may ari ng school nato. Ang pinakahinahangaan ng mga estudyante, mapababae o lalaki man. Sino ba naman kasi ang hindi mahuhumaling sa angking alindog nito? Ang ganda ng katawan nya, sobrang sexy. At mala dyosa ang kagandahan nito. Pero para sakin , sya ay isang Cold-Hearted bitch.

Cold-Hearted Bitch (Girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon