"Ang layo na naman ng isip ng besfren ko"
"Ay mali, malapit lang pala talaga. Naku naku Nicolette bat di mo kasi lapitan kung namimiss mo na."
Inirapan ko na lang si Shiela bago napatingin uli sa babaeng kanina pa hindi napapansin ang presensya ko.
Okay edi wag !
"Goodmorning Nicolette" napaangat naman ang tingin ko sa nakangiting si Demitri.
" Morning " ngumiti ako ng pilit dito para di magmukhang rude. Wala talaga ako sa mood!
Umupo ito sa tabi ko kaya naamoy ko ulit yung manly nyang scent. Kahapon nung ihatatid nya kami, gantong ganto din amoy nya. Siguro madaming nabibighaning babae sa amoy nya
"Nicolette sabay tayo mayang break pwede?" hopeful nitong tanong sakin, siniko naman ako nitong besfren ko kaya sasagot na sana akong oo pero naunahan ako nitong si Shiela.
"ahh Demitri di kasi sya pwedeng mayang break kasi pinapapunta sya ni Ms. Coleen sa office nito." napatingin naman ako ng nagtataka kay Shiela, wala akong alam sa pinagsasabi nito. Kung pinapapunta ako ni ate edi nagtxt na yun sakin.
" Ganun ba, sige next time na lang" parang dismayado nitong sagot. Siniko ko naman katabi ko at nagtatanong na tinignan. Lumapit naman sya sakin at bumulong. "Punta ka mayang library, hanapin mo daw yung libro na pinapahanap ni Ms. Coleen"
Napatango tango na lamang ako. Kala ko pa naman nahanap na yun, di pa pala, tas ako pa nautusan ng magaling kong kapatid. Ano pa nga ba kundi sumunod na lang.
Napatingin ako sa Elites na maiingay na naman, napansin kong bumalik sila sa dati nilang upuan nung di pa kami naging magkakaibigan kung magkakaibigan na nga ba talaga kami kahapon. Kaya pala maiingay kasi naglalaro yung mga boys ng Ml ata, while yung girls may kinakalikot sa phone ni Azaki. Nadako ulit yung mata ko sa babaeng kinaiinisan ko , nakatingin lang ito sa labas , di ko alam pero nababakas ko ang lungkot sa mga mata nya. Bihira ito magpakita ng emosyon pero ngayon parang gusto ko syang puntahan at yakapin.
Napahilamos na lang ako ng mukha sa mga pinag iisip ko, mukhang napansin naman ni Demitri "okay ka lang?" tanong nito sakin, tango na lang nasagot ko. Bumalik ulit ang tingin ko kay Ellis na nakatingin na pala sakin ng blangko as usual. Nagtitigan lang kami, gusto kong basahin kong anong iniisip nya pero ang galing nya talaga tumago ng emosyon. Sya na ang unang umiwas ng tingin bago ako bumuntong hininga at umiwas din. How I wish I can read you
" Best wag mo kasing tignan sa mata , sige ka mahuhulog at mahuhulog talaga ka sakanya" nabaling uli pansin ko kay Shiela ng sabihin nya yun. Nakangiti lang sya ng sakin, kakaibang ngiti. Ano ba yan, ito na naman sya sa mga pinagsasabi nya
"Alam mo Shiela kahapon ka pa, ano bang mga pinagsasabi mo?" bulong ko dito
"hmm wala lang frenship haha , basta wag mong kalilimutan pinapahanap na libro ni Ms. Coleen ha, lagot ako dun"
"okay" tanging sagot ko na lamang
Asan na ba kasi yun. Kalkal dito , kalkal doon. Yan lang ginagawa ko kanina pa, nandito nako sa library. After kasi ng classes namin, agad agad akong pumunta dito para hanapin yung libro na pinapahanap ni ate. Kailangan daw kasi yun ng magaling kong kapatid para sa next na lesson nya sa ibang klase. Hay naku ang hirap naman hanapin, san ba yun nagsusuot.
"Ito ba hinahanap mo?" nanigas naman ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko yung boses nya. Di ko alam kung lilingon ba ako or magpapanggap na di sya nadinig at umalis bigla na parang wala lang.
Pero in the end, lumingon ako dito at tinignan sya. Kita ko yung hawak nyang libro at naglalaking matang kukunin na sana yung libro kaso bigla nya agad naiwas sakin.
"Ano ba bruha akin na yan, kanina pako nagpapagod para hanapin yan tas nasayo lang pala" naiinis kong turan dito. Naalala ko na naman kasi kanina yung di nya pagpansin sakin, bat ba ang dali nyang paiba ibahin nararamdaman ko. Akmang kukunin ko na sana ulit pero mabilis nyang iniwas yung libro, nilagay nya ito sa bag nya then kinuha kamay ko at hinila palabas. Sa sobrang bilis ng pangyayari di nako nakapalag at namalayan ko na lang nasa labas na kami ng office ni ate.
Humihingal ko naman syang pinalo "Langya ka, dito naman pala tayo pupunta hinila hila mo pako "
" Why? you want to go somewhere else with me?" naka smirk nyang tanong, inirapan ko na lang sya at binuksan yung pinto ng office ni ate. Lakas loob ko namang hinila papasok si Ellis. Nagulat naman si ate nang makita kami.
"Nicollete and Ellis? Anong ginagawa nyo dito?" nagtataka nyang tanong at tinignan yung kamay naming magkahawak kaya agad akong bumitaw.
" uhh a- I mean, Ms. Coleen na kay Ellis po yung libro na pinapahanap nyo" okay muntik na yun hays
napa O shaped naman yung bibig ni ate at ngumiti saming dalawa, nilabas naman ni bruha yung libro at binigay sa kapatid ko. "Salamat dito" masayang wika nito pero di nakaligtas sakin ang pag bulong ng ate ko kay bruha na ikinapula nito. Tumaas naman agad ang kilay ko sa nakita, what was that? Mataray na tanong ng isipan ko
" May crush ka ba kay Ms. Coleen?" biglang tanong ko na ikinahinto nya sa paglalakad, napakagat labi ako habang hinihintay ang sagot nya
" Bakit?" nagulat na lang ako ng pag angat ko ng mukha , mata nyang nakakalunod ang bumungad sakin. Napalayo agad ako sa kanya at huminga ng malalim. Damn!
"Anong bakit?" balik tanong ko dito habang tinitignan ang mga estudyante sa soccer field na may kanya kanyang ginagawa. Namula naman agad ako ng maalala yung nangyaring yakapan sa spot na yun.
"Are you okay?" sinalubong ko tingin nya at ngumiti ng alanganin. " Yeah saka nevermind na lang yung tanong ko kanina, Salamat na lang sa paghatid nung book ni Ms. Coleen."
Lumakad nako sa next class ko ng may humawak sa braso ko. Napapikit na lang ako ng mariin, Ano na naman kailangan ng bruhang to.
"Bakit na naman ba?" nabobored kong tanong dito
"Do you like Demitri ........?"
ano daw? Do I like whom?
"huh?" tanging nasagot ko na lang
" Wala and btw, di ko crush si Ms. Coleen if that's what you think" nakatingin sa mga mata kong sabi nya. Eto na naman , I really hate her eyes! Naaapektuhan ako nito ng di ko malaman kung ano.
Tumango na lang ako dahil wala akong masabi. Naiinis padin ako sa kanya. Ang bipolar lang kasi, kanina di namamansin pero di nga naman pala kami close para pansinin nya pero ugh ewan.