"A-ahh Bruha di na ko makahinga"
Mahina itong napatawa at niluwagan ang pagkakayakap nito sakin
"Mianhae agi"
Ano daw?
"Huh? "
"Sabi ko Sorry "
"Ahh"
Walang akong ibang masabi kaya kumalas na lang ako sa yakapan namin. Tumingin ako sa orasan ko, 15 mins. na lang at next subject na namin.
"Bruha classroom na ko"
Di ko na sya hinintay pang sumagot at pumunta ng classroom. Ewan ko ba, nahiya ako bigla. Saka ayoko nitong nararamdaman ko. Masyadong malakas ang feeling ko na pwede akong mahulog sa malaking kawali ni bruha lol
"Bes san ka na naman galing ha? Magkasama na naman kayo ni Ellis no?" Bungad agad ng bestfriend ko pag upo ko agad. Teka bakit katabi na namin ang Elites?
Mukhang nabasa naman ni Shiela ang mga tanong ko sa isipan "gusto daw kasi nila friend na umupo katabi satin tutal friend nadin naman tayong lahat" tumango na lang ako dito
"Nicolette san si Ellis?"
Umangat ako ng tingin at nagkibit balikat kay Azaki. Tss mukha bakong tanungan ng nawawala.
Maya maya pa may sumundot sa tagiliran ko. Inis ko namang tiningnan si Shiela habang nakangiti lang ito sakin
"Friend alam mo bang parang magjowa kayo kanina ni Ellis?"
What?
"Ano bang pinagsasabi mo dyan Shiela? Kahibangan mo talaga jusko. Tigilan mo nga ako"
Magsasalita pa sana ito ng dumating na si Mam.
"Okay class , before we start our lesson. Please lets welcome your new classmate . Iho come here"
OMG 0_0
Isang matipunong lalaki, na sobrang gwapo lang naman ang pumasok . Wahhh shet. KaDestiny ikaw na bayan? Char xd. Landi ko pu .
Nang tignan ko ang mga classmates ko. Di ko maiwasan na matawa. May nakanganga,may nagpapacute , pero infairness yung Elites , iba ang reaction . Parang inis o galit sila dun sa tao? Owkay?
Ouch. Shet,si Shiela wild na naman . Panay hampas sa braso ko . Pustahan. Crush nya yung transferee.
"Friend, ang gwapo. Crush ko na sya. Ayoko na kay Juancho wahhh"
See? Hay naku .
Tumingin na lang ulit ako sa unahan. Nakatingin din pala sakin yung lalaki . Nakakailang naman si kuya . Jeskelerd.
"Hi! Demitri is the name . Please be good to me"
Kanya kanya namang reaksyon ang mga klasmeyts ko . Kesyo,ang manly ng boses,ang husky, ang ganda. Well totoo naman .
Pero yung Elites talaga eh , parang ayaw kay Demitri. Panay bulongan nila at nakatitig kay kuya na masama.
Namalayan ko na lang na may nakaupo na pala sa tabi ko.
"Hi,im demitri " tinignan ko yung kamay nya na nakalahad. Ang sama ko naman kapag hindi ko kinuha.
"Hello. Nicolette pala" ngumiti ako ng tipid dito . Huhu nakakastarstruck sya sa malapitan . My gas. Ang gwapo ni kyahh
"Friend pakilala mo naman ako" bulong naman ng isang katabi ko Shiela talaga o oh.
"Ahh, ano si Shiela. Best friend ko"