Sabado
Walang pasok ngayon kaya nandito ako sa canteen ng tita ko. Wala akong mga homeworks kaya naisipan kong tumulong. Cashier lang ako ngayon dahil may katulog naman si tita ngayon na kinuha nya dahil nga may pasok nako.
"Letlet puntahan mo nga yung nasa dulong mga kabataan na kararating lang , tanungin mo kung ano sa kanila" Pag utos ni tita sakin na ikinakunot ng noo ko.
Akala ko cashier lang ako ngayon , bakit kukuha din ako ng order ? "Tita naman , cashier lang ako ngayon diba?" Nagsimulang maningkit ang mata nya kaya napalunok ako. Sabi ko nga kukunin ko na order ng mga yun
"Joke lang po. Eto na pupunta na" mabilis akong umalis sa harap nya bago pa man sya magtatalak ng kung ano ano sakin.
Nilibot ko ang paningin at hinanap ang sinasabi ni tita na mga kabataan. Medyo may kalakihan din kasi tong canteen ng tita ko. Tumigil ang tingin ko sa isang grupo na nagkakasiyahan ata. Maingay kasi sila , dinig na dinig ang mga boses nila kahit malayo pa ako sa kanila. Alam ko na kung bakit ako ang inutusan ni tita. Halata naman kasing mukhang mga sosyalin tong mga to. Magagalitin kasi ang tita, baka masigawan nya patong mga to , mukha pa namang mga pasaway.
"Hi goodmorning , ano po ang sain-
Napatigil ako ng sabay sabay silang lumingon sakin. Laglag naman ang panga ko ng makilala kung sino sila.
A-anong ginagawa nila dito?
"Hello Nicolette , magandang umaga sayo." nakangiting bati sakin ni Breanna.
"Goodmorning din sayo Nicolette , ganda natin ngayon ah?" Si Juancho habang ngiting ngiti din sakin
Awkward naman akong ngumiti sa kanila. Nandito lang naman ang Elites at kompleto sila. Napatingin ako sa babaeng kanina pa nakatitig sakin. Napakagat ako ng labi , ano bang ginagawa nila dito, lalo na sya? Mayayaman sila kaya anong gagawin nila sa isang canteen? Huminga ako ng malalim , nakakapanglambot ang mga tingin nya. Nakakaconscious.
"A-anong sainyo?"
"Yung best seller nyo na lang , isang dinuguan, saka tig iisang kaming kanin. Samahan mo nadin ng krimstix Nicolette. Salamat" sagot ni Howard dahil mukhang sya lang ang nakakaalam kung anong meron dito.
"Sige" pero bago ako makaalis nagsalita si Aki.
"Nicolette , kumain ka na ba?"
"Hindi pa. "
"Kung ganun, samahan mo kami dito. Saluhan mo kami"
"Huh?" Inaaya ba nila akong kumain sa kanila?
"Saluhan mo kami mamaya. Kami bahala " tinignan ko si Howard pero kumindat lang sya sakin.
Napatango na lang ako. Napatingin uli ako sa babaeng kanina pa di umiimik. Nakakatitig padin sya sakin. Wala man akong mabasa sa mga titig nya , diko parin maiwasang matuwa. Ngumiti ako sa kanya bago umalis.
****
"Where's the restroom here?"
Kumakain kami ng magsalita sya. Tumingin ako sa plato nya. Mukhang tapos na sya. Samantalang tong mga ibang elites ang gana nilang kumain. Nakailang kanin na nga sila. Mukhang nasarapan sa mga niluto ni tita. Diko maiwasang matuwa, pano ba naman buong akala ko di sila kakain kasi nga diba maaarte at mayayaman sila at di sila sanay sa gantong mga pagkain pero tignan mo , mas madami pa nakain nila kesa sakin.
Tumayo naman ako pagkatapos ng huling subo ko "S-samahan na kita"
Tumango lang sya kaya nauna nakong tumungo sa kwarto ko. Dun ko na lang sya dadalhin. Medyo madumi kasi yung cr sa canteen kasi madaming kung sino sinong gumagamit. Ganun din sa cr nina tita.