Author's Note: The Story Behind All This

478 7 0
                                    

HI GUYS!

So sorry for the slow updates. Within next week , feel ko naman maaayos na yung laptop ko.

________________________________

Uhm, actually lahat ng tao slash characters sa storya ko na ito ay totoo. Hindi man totoo yung pangalan nila. 

Sa lahat ng naging section ko sa high school, yung St. Leander talaga yung pinakapaborito ko. Dito kasi kami may unity at kaya maging sarili namin. Mahal namin isa't isa na parang magkakapatid at accept namin ang flaws ng bawat isa.

May mga nabuo din na love team dito:

Katulad sa story, may true life love team si Justin at Katherine. During our fourth year in high school, first quarter ay click na agad yung chemistry nila. Hanggang sa kumalat na MU na sila. Ewan ko kung paano nag-unfold yung love story nila kasi kahit nung tinanong ko si Katherine ay hindi rin niya alam.

Si Melissa at Paolo naman ay ang isa sa pinakasikat na pair up sa room namin na nagsimula nung last quarter ng senior year namin. Nasa iisa silang tropa tapos alam ng lahat na type talaga ni Paolo si Melissa. Pero si Melissa, hindi namin maintindihan kung kinikilig o naiinis lang ang dating. 

Si Lerrica at Warlock ay minsan na ding na-mention (Chapter 13) na nagkaligawan yung dalawa. Madalas magkwento sa akin si Lerrica noon at talagang masasabi na ma-effort talaga si Warlock sa kanya. Masyadong personal ang mga nangyari or dahilan kaya naging friends lang ang hantungan ng almost love story nila.

Si Michy at Warlock. Shet. Gwapo naman ata masyado ni Warlock dalawa ang naging love team. Never naging sila. Never nagkaroon ng ligawan. Talagang pure asaran lang kaso maganda yung click nila nung second quarter ng senior high namin kaya nilagay ko sa story na 'to.

Si Kirsten at Blue. Ah. Oo. Real love story talaga ang nangyare sa dalawa na ito. Seatmate at once frenemy ko 'tong si Kirsten at bestfriend ko si Blue. Naging seatmates kami ni Kirsten at madalas nagkakakwentuhan about sa lovelife nila. Talagang seryosohan na sila hanggang sa makagraduate kami and on and on and on.

Arjie at Mercy? Seriously, walang click ang dalawang ito. Walang romance involved sa real life at story.

At ang main love story ng bida na isang love triangle ay sina Dessery, Kervin at Miranda. Para sa mga nacoconfuse, high school lovers si Dessery at Kervin. Naging malabo na nga lang sila nung mag-College sila kaya nakipagbreak na ang bida kay boy at after college ay dumiretso sa Brazil. Si Kervin at Miranda naman ay mas lalo naging close at romantically involved nang maging Head Stewardess si Miranda sa airlines na pag-aari ni Kervin. At ngayong nagkita na silang once na magkakaklase, malalaman natin kung saan mapupunta yung love triangle na yan.

MORE TANONG GUYS? MESSAGE LANG. :)

(c) lynsseje

CHANGE: Ten Years AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon