C21: The Ugly Truth

501 5 3
                                    

October 24, 2025. 6:00 pm (Korea Time Check)

Buong maghapon halos akong nasa hotel room ko na pagmamay-ari ng mga kaibigan kong si Caervie at Midge. Siguro dahil sa pagod ako buong magdamag at naguguluhan ako sa nararamdaman ko.

*Flashback 4 hours ago*

Nag-aayos ako ng gamit ko pataas sa room ko nang magka-eye to eye kami ng malanding si Kervin. Ugh. Kinilabutan na naman ako. What’s with his eyes and stares, jeez.

“Anong problema mo, Kervin at ganyan ka makatingin saken?” Sabi ko sa kanya. Nakakatakot naman kasi. Nakahagod siya ng tingin sakin mula ulo hanggang paa.

“Saan ka galing three days ago, ha, Des?” Matamang tanong niya saken.

Three days ago?

What the f-…

Yun yung araw na sinama ako ng kasama kong si Brandon Joseph Verbadim sa isang mini bar sa may Taguig. Why the hell would he be asking?

“Sa Taguig, bakit?” Kalmado kong sagot. Kinakabahan pa rin ako. May mali kasi talaga noong araw na ‘yon at ayoko lang na magpa-obvious lalo na sa tulad ni Kervin na mapanuri lagi.

“I wasn’t talking about that, Dessery. After that was what I meant.” Sabi niya na halatang naiinip at nabwibwisit.

No. Wala dapat siyang pakialam. At as far as I’m concerned, di ko maalala. Di ko matandaan kung saan ako nang magising ako from the bar.

Alam niya kaya? Bakit siya nagtatanong? Ano siya stalker? Paano niya nalaman na nandoon ako sa mini bar? Paano niya nalaman na may iba pa akong napuntahan after ng mini bar….

Pinakalma ko sarili ko. Nag-ooverthink lang siguro ako.

“A-ah. What are you talking about, Kervin? You’re hyperventilating siguro. Stalker ka na ba?” Pinamukha kong natatawa ang mukha ko para di niya mahalatang kinakabahan ako sa pag-iinterrogate niya sa akin.

“Geez, Des. You were drunk that night! Tapos hindi mo alam kung saan ka nanggaling?! And you were with that bastard the whole night!” Sigaw niya sa hallway na kung hindi lang soundproof ang rooms ay baka nagsipaglabasan na rin yung classmates namin.

“May pangalan yung kasama ko, Kervin. His name is Seph.” Ang tawag ko kasi kay Brandon na ngayon ay Seph. Shortcut sa pangalan niyang Brandon Joseph.

“Oh, so now you have pet names. Matutuwa na ba ako para sa’yo, Des?!” Akmang lalapit na siya nang biglang lumabas si Arjie na katapat na room ko lang.

“May toothpaste ba kayo?” Tanong ni Arjie.

I took the opportunity para dumiretso ko room ko at mag-lock doon.

*End of Flashback*

Hindi ko maalis ang guilt sa mukha ko. Kasi hanggang ngayon ay hindi malinaw sa akin.

Umalis kami ni Seph papuntang mini bar ng kakilala niya sa Taguig after work three days ago. Masasabi kong madalas na kaming mag-date. At fifth date na namin three days ago. Of course, it was a bar. Talagang magkakainuman. Pinakilala niya ako sa mga mukhang slutty friends niya na kulang na lang ay maghubad. Nevertheless, nginitian ko sila.

And then, I got drunk.

Hinilamos ko yung mukha ko gamit ang nanginginig kong kamay. Why is this shocking to me all of a sudden?

Pinikit ko ulit mata ko. Pagkagising ko kasi nang kinaumagahan, wala na ako sa bar na ‘yon. Wala si Seph. Wala na rin akong damit.

TOK!

CHANGE: Ten Years AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon