C22: Envelope

444 9 9
                                    

October 25, 2025. 12:07 midnight (Korea Time Check)

Isa – isang pina-assemble ni Kervin ang mga kaklase naming sa visitor’s area.

Maraming nagtataka. Lalo na si Richard at Arjie na naglalaro ng Xbox bago sila tawagin ni Kervin.

“Anmeron dude?” Nakakapagtakang tanong ni Alexander. Napatingin siya sa akin na galing lang sa pag-iyak ng ilang oras kasama ‘tong weirdong si Kervin na di ko alam kung bakit ako tutulungan. Hindi ko maiwasang maramdaman na parang betrayal ang ginawang pagpapaligaw nila Alex at Jae kay Seph saken.

“May problema guys. At hindi naman siguro maganda na pasikreto naming iso-solve ‘to.” Huminga ng malalim si Kervin. Ano kayang iniisip niya?

“Ikaw muna tatanungin ko Alex.” Lahat ay nakikinig kay Kervin magsalita. “Alam mo bang may asawa si Brandon?”

Nagtatakang sumagot si Alex sa amin. “Hindi ko alam, bro. Matagal akong namalagi sa ibang bansa remember? Ngayon lang ulit kami nagkita nun eh.”

Kumalma ako kahit papaano. At least, hindi ako pinagkanulo ng kuya-kuyahan ko sa section na ‘to.

“O sige. Point taken.” Bumaling naman si Kervin kay Jaeliana. “Ikaw, Jae. Alam mo ba na may asawa si Brandon?”

Naupo ng maayos si Jaeliana at mukhang gulat sa tanong. “Hindi, ‘Vin. Kung may asawa na yon ay di ko siya iba-blind date kay Dessery, ‘no.”

Oo nga. Mukhang magaling talagang mag-search itong si Kervin dahil ni isa sa dal’wang nakakakilala kay Seph ay hindi alam na may asawa siya.

“Ano bang nangyayare, Kervin? Bakit tinatanong mo sila? Bakit namumugto mata ni Dessery?” Nag-aalalang tanong ni Precy sa amin na halatang gulong-gulo sa nangyayare.

Pinadaan ni Kervin ang kanang kamay niya sa buhok niya. Halatang iritado siya sa mga nangyayare. Dahil bas a pwedeng na-rape ako nung gagong si Seph o dahil hindi niya alam gagawin niya?

Tsk. Wag assuming, Dessery.

Walang ibang nagawa si Kervin kung hindi ikwento ang storya sa lahat.

…..

“Ay pot@! Bakit di ka nagsasalita be?! Kaya pala tuliro ka these past few days!” Sigaw ni Kath na hindi kayang gawing malumanay ang boses.

Oo. Halos lahat sila ganyan ang reaksyon. Galit nag alit sila halos sa nangyare sa akin. Mukhang disappointed naman si Jaeliana, Alexander at Miranda.

“Pwede natin siyang sampahan ng kaso! Aba’y gago pala eh.” Hindi maalis sa pagmumukha ni Arjie at Richard ang inis. Mas lalo akong naiiyak. Hindi dahil sa awa nila. Kundi dahil sa concern nila sa akin dahil para na nga kaming magkakapatid lahat dito.

“Damn, anong gagawin natin? Paano kung buntis yang si Dessery?!” Bulyaw naman ni Nathalia na hindi maipinta ang mukha at parang naiiyak.

“Illegitimate child lang ang peg ng story mo, Dessery kung sakali. Bakit ka  naman kasi nalasing? Why go to a bar, you know na hindi naman disente ang mga ganon!” At mukhang sermon ang inaabot ko kay Alexander ngayon.

“Malay ko bang dadalhin niya ako sa lintek na hotel?! I HAD NO IDEA, ALEX.” Naiinis na akong sumagot. I viewed Seph as someone who is pure. Yung malinis gumawa ng trabaho.

“Then bakit mo siya hinayaang manligaw kung kasal pala siya?!” Utal naman ni Justin.

“To hell with him! Sa tingin mo alam kong kasal siya?! Hindi ako desperado maging mistress, Justin. I thought he was fvcking single!” At ayun. Iyak na naman ako ng iyak.

CHANGE: Ten Years AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon