C17: Enchanted Part 2

485 6 1
                                    

September 30, 2025. 3:03 pm.

Gaya ng sinabi ni Lerrica, dumating na si Melissa dito. 

At hindi nakakapagtakang mugotng-mugto ang mata niya kakaiyak. 

"Tahan na be. Gago talaga yang si Paolo eh no? Di natin inexpect na ganyan yan." Pagpapatahan ni Sandy kay Melissa habang pinapaypayan ito. Lintek naman kasi tong lugar namin tapat na tapat sa araw. Hayy.

"Anong di inexpect? Certified playboy talaga yang si Paolo nung fourth year tayo no." Sabi naman ni Katherine habang pinapatahan ang kaibigan namin.

Tintigan lang namin lahat si Melissa.

Hindi siya kumikibo. 

Natetempt tuloy ako sabihin na hindi naman talaga siya niloloko ni Paolo at surprise lang talaga 'to para sa 27th birthday niya.

"Grabe g-guys... Th-thank y-y-you ha. Pero d-di nyo b-ba naaaaaala-la ngayong a-a-araw?" Tanong sa amin ni Melissa habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi niya at nagpupumilit na ngumiti.

Napatahimik kaming lahat. 

Oo. 

Plinano namin na kunware wala kaming alam sa birthday ni Melissa at hindi namin siya babatiin o kahit ano.

"Ha? Ano ba meron ngayong araw?" Pagtatanong ni Lerrica na kunware walang alam pero halatang-halata na pinipigil ang pagtawa.

Napatungo na lang si Melissa. Ang pait ng ngiti niya. "Ay. Wala pala."

SHET. 

Akala niya talaga di namin naalala birthday niya.

"Alam ko na guys! Sakay tayo ng rides para naman kahit papaano ma-lift yung energy ni Melissa." Suggest ni Arjie sa amin na kararating lang kani-kanina bago dumating si Melissa.

"Teka guys! Suggest ko mag-Flying Fiesta muna tayo please." Pagpupumilit sa amin ni Jessa. Nakapunta na ako sa EK dati pero masasabi kong pinakasimple sa rides yung Flying Fiesta.

"Oh guyssss. Dali, Flying Fiesta na! Si Denver muna mag-ooperate so bale hindi siya makakasakay!" Pagbibiro ni Richard na kasabay dumating ni Arjie at Mercy dumating dito.

"Grabe naman 'tong mga 'to. Sa susunod na ride si Harry naman mag-ooperate haaa." Sabat naman ni Denver na nagtatampo dahil hindi siya makakasakay agad. Take turns kasi sila nila Chriz at Harry para i-operate yung rides.

Mukhang magkakatalo pa dahil sa pagsakay ah.

______________________________

"WOOOOOOOOOOHHHH!!!!Magbebelt na ako guyss!!"

Hiyaw ng hiyaw si Jessa. Ito ata yung first time niya na sasakay ng Flying Fiesta kaya nagpupumilit eh. Sayang wala si Xender dito. Matatawa siguro yon.

*Flashback*

Valentine's Day noon at hinaharanahan ng boys yung mga bebe nilang girls sa classroom namin.

Isa na doon si Xender. Siya ang nagigitara at kinakantahan niya si Jessa. 

Ewan ba namin basta patay na patay siya kay Jessa. 

At natatawa kami.

Yung tipong kinokorner na ng mga lalaki si Jessa para sagutin si Xender pero dedma pa din. HAHAHAHA.

*End of Flashback*

"WOOOO UMAANDAR NA YESS!!!" 

Natawa kaming lahat nang sumigaw si Chriz. Siya kasi yung tipong seryoso pero pag nag-enjoy wagas.

CHANGE: Ten Years AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon