C29: Restrictions

319 5 1
                                    

DESSERY’S POV

Kani-kanina ay nakaalis na yung mga babae kong kaibigan dito sa bahay. Kinakailangan na din kasi nila umuwi. Marami pa silang aasikasuhin at may mga trabaho pa na kailangan balikan. Sino ba namang mga tanga ang magle-leave sa trabaho ng isang lingo para magmuni-muni sa isang bansa. Kami lang naman.

Sa loob ng tatlong araw ay naging magulo ang isipan ko. Natapos ang mga araw na ‘yon sa mga pagmumuni-muni ko. At napag-isipan ko na ang gagawin ko.

Nakatapos na akong maligo at napadako ang tingin ko sa mga damit ko sa drawer at cabinets. Isa-isa ko itong nilabas. Oo desidido na ako. Buong gabi ako nag-isip at nag-isip. Baka talagang ganon nga. Sabi sa akin ng mama ko noon, hindi lahat ng second chances ay para magkaroon ng pagkakataon para magkabalikan ang mga tao. Minsan, kailangan ito para mas maging maayos ang paghihiwalay.

Paano mo nga ba tatapusin ang isang bagay na hindi pa nga nag-uumpisa? Sa isang linggo ba sa isang bansa may naumpisahan na?

Tatlong araw na lang ako dito sa Pilipinas. Kaya naman siguro ng iba kong kaklase yung branch namin dito sa Pilipinas. Ako naman yung isa sa maghahandle sa ibang bansa. Kung papakinggan ang cliché ng nangyayari sa buhay ko. Dapat ko din pala ayusin kung ano ang meron samin ni Brandon. Kahit wala naman talaga kaming relasyon.

Nakakaleche naman. Sana pala hindi ko na lang pinasok tong gulong ‘to.

Agad kong kinuha yung phone ko sa side table.

“Brandon.”

Panimula ko.

“Oh, goodmorning dear. Balita ko nakauwi ka na. Alexander updated me. And my nakwento nga siya na hindi ko alam kung ikakatuwa ko Dessery.”

Patay kang Alexander ka. Ano na naman kaya ang sinabi mo?

“Yes. Brandon. Ano naman kaya ang binalita ng magaling kong kaibigan sa’yo?”

“I believe a certain guy named Kervin managed to snag your heart sa Korea. I don’t mind waiting patiently for your ‘yes’ para maging girlfriend ko, pero I don’t feel happy about you seeing other guys.” Mahinahong sabi ni Brandon sa kabilang linya.

Napahinga ako ng malalim. Damn everything!

“Brandon, hindi kami ni Kervin. We were high school lovers. At… hanggang dun lang yon.” Napalunok ako. Hanggang dun na lang.

“Okay. You’re explaining this to me. Meaning ba non, sinasagot mo na ako?” Isang sarkastikong pananalita niya sa kabilang linya! Walangya ‘to! Napaka-antipatiko!

“Sorry Brandon. I can’t. I may have leaded you on. Pero, please understand na hindi ko na ‘feel’ tong magulong usapan natin. I found you wonderful during those dates. Pero I don’t see you in any of my futures anymore.” Kinailangan kong huminga ng malalim habang hinihintay ang pagsagot niya.

CHANGE: Ten Years AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon