C4: New York

1.1K 9 0
                                    

August 1, 2025. 4:00 am.

RING

RING

RING

RING

RING

Nakanangtokwa naman ohhh. Ang aga-aga nambubulabog na naman si Justin. Parang kagabi kausap ko pa siya ah. About na naman sa New York New York client client na naman to eh. Bwiset naman. Di pa ako nakakatulog na maayos. Wala naman akong choice eh. Bangon na nga ako.

Tiningnan ko yung dalawang maleta na dadalhin ko. Yung isang maleta nandun yung mga t-shirts, bra, panty, rubber shoes, high heels, fomal attires at business attires ko. Sa pangalawang maleta naman puno ng pagkain. SWEAR. Pagkain talaga. Iniisip ko pa nga kung dadalhin ko yung mini-stove ko eh. 

Kulang na lang pala maligo ako. Sobrang pawisan ako kagabi kakapunta't balik sa mga different districts ng information tungkol sa clients namin sa New York. Oo nga. Tama si Justin. Magugulat nga ako sa mga kliyente namin sa New York. Napangiti ako.

Isa isa ko ng inakyat sa trunk ng kotse ko yung dalawa kong maleta. Feel ko mas mabigat pa yung mga maleta na puno ng pagkain kesa sa mismong mga damit ko. Ugh.

Nagdrive na ako papunta sa airport.

_____________________________________

August 1, 2025. 9:00 am.

"Hindi na tayo high school, Des. Dika pwedeng ma-late lalo na't isa ka pa sa Manager ng kompanya naten." Pampitong beses nang paulit-ulit na saway saken yan ni Justin nang makaupo na kami sa eroplano. High class seats 'tong inuupuan namin na worth 10, 000 pesos. Woah. Ang mahal pala ng mga 'to. 

In-off ko na cellphone ko. Pero syempre bago ko in off yon kanina, kausap ko si Kirsten.

*Flashback*

30 minutes ago...

"GRABE BE. UMALIS SI BLUE. ALAM NIYANG BUNTIS AKO PERO INUNA PA DIN NIYA TRABAHO NIYA. GRABE GANON BA KAIMPORTANTE YUNG WINDOWS VERSION VP 9.0 NA YON KESA SAKEN?! TAS SA AFRICA PA?! BE ANO GAGAWIN KO AYOKO MALAGLAG SI BABY." Ang lakas ng hiyaw ni Kirsten sa phone. Dala lang siguro ng mood swings dahil buntis siya. Grabe tuloy-tuloy pananalita niya. Di ba siya nabibilaukan sa laway niya?

"Ugh, ganito kasi yan be. Nagtatrabaho si Blue para may maigastos dyan sa cessarian mo." Mahinay kong paliwanag sa nagwawala kong kaibigan.

"Eh mayaman naman kami ah. Bakit kelangan niya unahin yon?! !@#$%^&*(" Mga toot words na naman nitong babaeng to.

*End of Flashback*

"Grabe ka naman. Kausap ko kasi si Kirsten kanina. Tapos nagViber version 3.0 kami ni Jaeliana. Tapos nagstop over pa ako sa CityStop (bagong version ng Ministop). Kulang pa kaya yung dadalhin kong pagkain for 2 weeks sa New York." Inismiran ko siya. Ayoko talagang pinapangunahan ako eh. 

"Alam mo naman na importanteng makuha natin yung clients na yon. At sure akong, gusto mo na rin siyang makita no." Patuyang siyang tumawa. Bwiset na lalaki to ah.

"Okay, alam kong isa si Melissa sa clients natin sa New York. We need well-known publishers na magiging isang magaling din na Manager ng kompanya naten. We really need her." Sabi ko ng malumanay nang napatingin ako sa brand ng eroplano na sinasakyan namin. "What does 'KF' stand for?"

Natawa na lang si Justin na parang loko-loko.  Tawa to ng tawa ah. 

"Malalaman mo din." Saka natulog na lang ng biglaan. Mahaba-haba palang byahe to.

CHANGE: Ten Years AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon