M A X Y
Monday | 9:49 pm
"Wala ka na bang magawang matino sa buhay mo ha?! Puro ka nalang inom! Hindi ka ba nagsawa ha?!" galit na sabi ng Mom ko sa Dad ko.
"Ano bang pakelam mo ha? 'Wag kang mangialam dito." sabi ni Dad tapos umakyat ng kwarto n'ya ng pasuray-suray.
Napahinga ako ng malalim at sumandal sa sofa na kinauupuan ko.
Minsan na nga lang silang umuwi dito sa bahay pero lagi nalang silang nag-aaway.
Alam ko naman na galit parin si Dad kay Mom dahil sa arrange marriage na nangyari sa kanila matagal na.
Kinuwento sa 'kin ng Tita ko ang nangyari sa kanila.
Hindi nagkatuluyan ang Dad at ang Girlfriend n'ya dati dahil arrange marriage nga sila ni Dad kaya kinamumuhian ng Dad ko ang Mom ko.
Pero kahit gano'n, mahal kami ni Dad ng kuya ko pero si Mom, malabo na atang mangyari na mahalin n'ya si Mom.
Ni hindi ko nga alam kung paano kaming nagawang buuin ni Mom and Dad eh hahaha.
Napatingin naman ako sa hagdan dahil narinig ko na may bumaba.
Si Mom, may dalang maleta.
"Mom, saan ka pupunta?" tanong ko at tumayo.
"Kayo muna ang bahala sa Dad n'yo Maxy, hindi ko na s'yang kayang pakisamahan." sabi ni Mom.
"Mom! 'Wag kang aalis!" sabi ko at hinawakan ang braso n'ya.
Napakagat labi ako dahil sa anumang oras ay tutulo nanaman ang luha ko.
Lagi nalang akong umiiyak nitong mga nakaraang araw, hindi pa ba nauubos ang luha ko?
"Maxy baby, bibisitahin ko nalang kayo. Sa ngayon sa Lola mo muna ako titira dahil hindi ko na talaga makayanang pakisamahan ang Dad mo." sabi ni Mom na halatang pinipigilang umiyak.
"Mom, don't leave." sabi ni kuya na nasa likod na pala ni Mom.
"Kiel, ikaw na muna ang bahala sa kapatid mo at sa Dad mo ha?" sabi ni Mom.
"Mom, No!" sigaw ko at hindi ko na napigilang umiyak.
"Maxy baby i'm sorry." sabi ni Mom at hinawakan ang pisngi ko pero tinabig ko lang ito at tumakbo palabas ng bahay.
"Maxy!" rinig kong sigaw nila pero hindi ko sila pinansin at tuloy-tuloy lang sa pagtakbo.
Nararamdaman ko na ang sunod na mangyayari sa oras na umalis si Mom sa bahay.
Alam ko na makikipaghiwalay s'ya kay Dad anytime at ayokong mangyari 'yun.
Nitong mga nakaraang araw, mas lumala ang mga away nila kaya hindi ko mapigilan na maging malungkot.
Buti nga hindi napapansin ni Celes eh dahil malungkot din s'ya alam ko.
Pero nakakainis lang dahil kung sino pa ang kabangayan mo, s'ya pa ang mapapansin na malungkot ka.
Si Clyde.
S'ya 'yung nakakapansin na malungkot ako.
Alam ko obvious na sa kanya dahil nakita n'ya ko kahapon sa 7/11 na mugto ang mata.
Napahinga nalang ako ng malalim at napaupo sa gilid ng kalsada.
Hindi ko na napigilan at napahagulgol na ako ng iyak.
-
C L Y D E
Pauwi na ako galing sa 7/11. Ang walangya ba naman na kapatid ko ay inutusan ako na bumuli ng pepero.
Hindi naman ako nakatanggi dahil siguradong iiyak 'yun ng pagkalakas-lakas.
Habang naglalakad ako pauwi ay hindi ko mapigilang hindi matakot dahil ako lang ang naglalakad sa madilim na kalsada na 'to.
Lord God, kayo na pong bahalang gumabay sa 'kin.
Naglalakad parin ako pauwi ng bigla akong makakita ng isang babae sa 'di kalayuan na nakaupo sa gilid ng kalsada habang nakatakip ang buhok sa mga mukha n'ya.
Ohmygat, ito ba si Lucia Joaquin?
Oh no!
Sa pagkakalaam ko mahilig si Lucia sa gwapo!
At alam ko na gwapo ako kahit bakla ako oh my!
Pumikit ako ng mariin tapos naglakad ng dahan-dahan.
Ayoko s'yang makita nakakatakot!
Nagulat ako ng bigla akong nakarinig ng malakas na iyak tapos nagsalita pa.
"Bakit ba sa 'min nangyayari 'to?" tanong ng umiiyak.
Wait, parang kilala ko 'yung boses na 'yun ha.
Napadilat ako at napatingin ng mabuti sa umiiyak.
"Maxy?" bigla kong tanong at napalapit ako sa kanya saka lumuhod para mapantayan s'ya.
"Clyde.." sabi n'ya at nagulat ako ng bigla n'ya akong yakapin saka humagulgol sa pag-iyak.
"H-hoy babae! Anong problema mo?" tanong ko pero wala manlang akong sagot na nakuha mula sa kanya.
Patuloy lang s'yang umiyak.
"Ho-hoy! 'Wag ka na umiyak! Hindi na ako magnanakaw ng gluta sa'yo tapos hindi na rin ako mang-aagaw sa'yo ng customer saka isasauli ko na rin 'yung diary mo basta 'wag ka lang umiyak!" taranta kong sabi pero hagulgol lang ang naging sagot n'ya sa 'kin.
Napahinga ako ng malalim tapos hinagod ko nalang ang likod n'ya at tinapik-tapik.
"Sige, iiyak mo lang 'yan." sabi ko sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit pero bakit ng makita ko s'yang umiiyak...
Nasasaktan ako.
Bigla nalang akong nakaramdam na gusto ko s'yang protektahan at ayoko s'yang makitang umiiyak.
Napahinga ulit ako malalim.
Siguro nasanay ako na bungangera s'ya at laging hypher.
Oo nga tama, gano'n nga siguro.
--
Oh 'yan na po, hindi si Clyde ang dahilan kung bakit malungkot si Maxy kaya 'wag n'yo ng awayin si Clyde guys! 😂
BINABASA MO ANG
Magnanakaw ng Gluta ¦ m.yg
Short Story「 COMPLETED 」 chat my heart series 2 out of 7: ❝ang epistolary na nagsimula lahat sa gluta, galing diba?❞ ✽ 05/16/2017 #33 in short story ✽ 05/21/2018 #9 in minsuga tag date started: 01/03/2017 date finished: 05/15/2017