45

467 51 7
                                    

M A X Y

Sunday | 01:19 pm

Kakagaling ko lang sa bahay nila Celes pero wala ang gaga sa bahay nila kaya wala akong napala.

Habang naglalakad, nagii-scroll ako sa news feed ko.

Tindi ko diba?

Bigla akong napatigil sa paglalakad ng makita ang bagong profile picture ng glutangina.

Glutangina talaga?!

Namatay aq — este ako.

Napanganga ako ng bahagya at napatitig ng matagal sa dp ng glutanginang Clyde na 'yan.

Tangina?! Bakit sa isang iglap naging gwapo s'ya sa paningin ko?

Nakasuot s'ya ng eyeglasses at iyon pa naman ang isa sa type ko sa isang lalaki— like Nathan.

“Hoy babaita.” nagulat ako ng may nagsalita sa likod ko kaya agad akong napalingon.

Nagsisi naman ako sa paglingon ko dahil nakita ko lang naman ang Clyde na nakasuot ng eyeglasses.

Agad kong tinago ang phone ko sa bulsa ko at hinarap s'ya.

Saglit akong napalunok saka tinaas ang kilay ko.

“Linggo na linggo pagmumukha mo agad ang nakita ko?” pagtataray ko sa kanya pero deep inside nagwawala na ata ang lahat ng lamang loob ko sa katawan dahil lang sa naka-eyeglasses s'ya.

Oh gosh! Take it off please?! Pigilan n'yo ko, mahahalikan ko na 'to.

“Dapat ako ang nagsasabi n'yan sa'yo.” sabi n'ya at nagpameywang pa ang glutangina saka tinaasan ako ng kilay.

Kalimutan n'yo na pala ang sinabi ko na hahalikan ko s'ya dahil sa isang iglap, gusto ko na agad s'yang sabunutan!

“At bakit naman aber?” tinaas ko ulit ang kilay ko.

Pataasan kami ngayon ng kilay!

“Tumingin ka sa kaliwa mo.” sabi n'ya at umirap pa.

Tumingin naman ako at napanganga ng konti dahil tapat pala ng bahay nila ang natigilan ko.

“Tutal nandito ka na, may iuutos ako sa'yo.” hindi pa ako nakakapagsalita ay tinulak na n'ya ako papasok ng gate ng bahay nila.

“Hoy! Anong gagawin ko dito?” tanong ko ng makarating kami sa garden nila.

“Tutal wala ang parents ko dito at maraming ginagawa ang maids namin ngayon, diligan mo ang mga halaman namin.”

Magnanakaw ng Gluta ¦ m.ygTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon