80

425 55 22
                                    

J A S P E R

Monday | 12:57 pm

Kakatapos lang ng lunch namin at wala pa ang teacher namin ngayon.

Kakaantok talaga kalerkey! I'm so tired gusto ko na mag-beauty rest!

Tumingin ako sa paligid at no where to be found si Clyde dahil s'ya ay absent.

Wala na raw kasi s'yang inspiration, charot!

Tutungo na sana ako sa desk ko ng bigla may padabog na nagbukas ng pinto.

Akala ko 'yung magaling na teacher na namin pero nagkamali ako, si Clyde pala.

Si Clyde na gulo-gulo ang buhok at basang-basa pa tapos 'yung uniform n'ya naka-unbutton 'yung dalawang buttons.

OMAYGASH! ANG HOT HOT NI FAFA CLYDE NGAYON! TAPOS FIERCE PA S'YA NGAYON GOSH!

Mukhang pumasok s'ya para sa afternoon class.

Natigil ang pagpapantasya ko ng bigla n'yang hinampas ng malakas ang table gamit ang dalawa n'yang kamay kaya nanamihimik lahat ng classmates ko.

“Sino ang nagbigay ng diary ni Maxy sa guidance?” seryoso n'yang sabi na halatang pinipigilan ang galit n'ya.

Napatingin naman ako kila Vincent at nakatingin din pala sila sa 'kin.

Shems, alam naming magalit si Clyde.

Halimaw 'yan kapag nagagalit.

Parang hindi s'ya bakla kapag nagagalit.

Ay, 'di na ata s'ya bakla ngayon huehue.

“SABI KO, SINO ANG NAGBIGAY NG DIARY NI MAXY SA GUIDANCE HA?!” sigaw n'ya tapos hinagis 'yung monoblock na upuan sa pintuan na nakasara.

Shit

Tumayo kaming dalawa ni George para pigilan s'ya.

“Pre, kalma.” sabi ni George habang hinawakan n'ya ang braso ni Clyde.

Yuck, pre daw oh! pwe!

Tinabig lang ni Clyde ang kamay ni George tapos tinulak n'ya 'yung table.

Omaygash talaga!

“Tangina! Kumalma ka Clyde!” sigaw ni George kay Clyde pero hindi ito nakinig at pinaggugulo lang ang mga upuan na bakante at pagkatapos 'nun ay pinagsususuntok ang pader.

Nagkakagulo na ang mga classmates ko at ang ibang babae umiiyak na dahil natatakot kay Clyde.

Walang ibang gustong umawat sa kanya dahil pati ang mga lalaki, takot sa kanya.

“Tangina, hindi talaga bakla 'tong Clyde na 'to. ” rinig kong bulong ng isang lalaki kong classmate.

“Tumawag kayo ng teacher bilis!” sabi ni Via sa mga classmates ko.

“TANGINA! SINO BA HA?!” sigaw nanaman ni Clyde.

Napansin ko na tumayo si Via sa kinauupuan n'ya tapos lumapit kay Clyde.

Pipigilan ko na sana s'ya ng bigla n'yang sampalin ng malakas si Clyde.

“Tanga! Walang magagawa 'yang pagwawala mo! Paano mo malalaman ang totoo kung ganyan ka ha?! Jusko naman Clyde! Mag-isip-isip ka naman! Kung nandito si Maxy siguradong ganito rin ang gagawin n'ya sa'yo! Kumalma ka putangina! Ang OA mo!” sabi ni Via na nagpatigil kay Clyde.

Napaupo si Clyde sa sahig tapos napatungo sa mga tuhod n'ya.

Maya-maya ay narinig ko ang pag-iyak n'ya.

Dalawa

Dalawa na silang bakla na naging fafa ang nakita kong umiyak sa dahil sa isang babae.

Sino kaya ang sunod?

Charot!

“Bebe ko! Dalhin n'yo sa clinic si Clyde, nagdudugo kamay n'ya!” sigaw ni Celes kay George at tinanguan lang 'to ni George.

Under si George eh HAHAHA! Choice n'ya 'yan eh edi panindigan n'ya!

Charot ulit!

Sinenyasan ko naman si Luke na tulungan si George at tumayo agad 'to.

Hinila na nilang dalawa si Clyde palabas ng room at buti nalang hindi na pumalag si Clyde.

Tinignan ko naman si Via at nginitian.

“Thank you.” sabi ko tapos bumalik na sa upuan.

Nang makaupo ako ay nag-isip ako ng mabuti.

Posible kaya na siya ang nagpahamak kay Maxy?

Kung s'ya nga, bakit n'ya naman gagawin 'yun? Anong reason n'ya? Bakit n'ya ipapahamak si Maxy?

Sakit naman sa bangs nito kaloka!

Napatigin ako sa kanya at pinagmasdan s'yang mabuti.

Mukhang inosente.

us2 q ng matapos 2 HAHAHAHA 😂 auq ng gani2 ka-OA HAHAHAHA! charot!

Magnanakaw ng Gluta ¦ m.ygTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon