75

438 55 15
                                    

M A X Y

Friday | 6:00 am

"Good morning po!" bati ko sa guard na nasa gate pagkapasok na pagkapasok ko palang.

"Wow himala ata ineng! Aga mo ngayon ha?" natatawang tanong ng guard.

"Inlove lang po talaga! Charot! Sige po, pasok na ako huehue!" sabi ko tapos tumakbo na papuntang room.

Pagkapasok ko, ako palang ang nasa room.

Linagay ko muna 'yung bag ko sa upuan ko tapos lumabas muna para maglakad-lakad.

Pagkalabas ko, pagmumukha agad ni Via ang nasilayan ko na tumatakbo papunta sa 'kin.

"Maxy!" tawag n'ya sa 'kin ng makalapit na s'ya.

Hingal na hingal si gaga, ikaw ba naman mag-dasi run run run sa umaga lol!

"Oh? Problema mo? Aga-aga hyper ka nanaman! Kakarating mo lang oh? No chill ka nanaman!" natatawa kong sabi.

"Eh kasi.." sabi n'ya with matching habol hininga pa.

"Hinga muna!"

"Okay wait! Whoo!" sabi n'ya tapos huminga ng malalim.

"Okay ka na?" natatawa kong tanong.

"Oo!"

"Ano sasabihin mo?"

"Pinapatawag ka sa guidance gaga! Maghi-hiphop ka raw do'n habang nagra-rap!"

"Gago! Ano nga kasi?!

"Charot lang 'yung sa hip hop at rap HAHAHAHA! Pero 'yung pinapatawag ka, seryoso ako do'n."

"Ha? Bakit daw?"

"Ewan ko eh! Basta ang sabi kapag nakita raw kita, papuntahin kita do'n. May nagawa ka bang kasalanan?"

"Wala!"

"Weh?"

"Wala nga!"

"HAHAHA! Sige na pumunta ka na do'n!"

"Via.."

"Oh?"

"Takot ako!"

"Bakit ka matatakot kung wala ka namang ginawang kasalanan? Gaga lang?"

"Kahit na! Samahan mo nga ako!"

"Okay sige! Lagay ko lang bag ko sa room." sabi n'ya tapos pumasok sa room.

Maya-maya ay lumabas na agad s'ya.

"Tara na!" sabi n'ya tapos hinila ang kamay ko.

“Ms. Guzman, lumabas ka muna.” sabi ng guidance counselor kay Via.

“Okay po. Sorry Maxy, 'di kita pwedeng samahan.” sabi n'ya tapos pinisil ang kamay ko.

Magnanakaw ng Gluta ¦ m.ygTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon